NANG maramdaman ni Daniela ang mahigpit na pagyakap ni Justin sa kaniya at marinig ang sinabi nito, lalo lamang bumuhos ang masaganang luha niya sa kanyang pisngi. Ang kaninang tahimik niyang pag-iyak ay naging malakas na paghikbi humagulgol na nga siya. Daig niya pa ang namatayan sa mga sandaling iyon. Ang akala niya ay wala na talaga silang pag-asang magka-ayos pang muli. Akala niya ay hanggang doon na lang talaga ang relasyon nila. Sobrang sakit sa dibdib na binabalewala lang siya nito kanina kahit siya na ang gumawa ng hakbang para maging maayos lang sila. Binaba niya ang kanyang pride at handang maging marupok para dito. Pero naging malamig ang pakitungo nito sa kaniya at napapahiya lang siya dahil hindi man lang ito naakit sa kanya na akala niya ay mawawala agad ang tampo nito. Pe

