C49- FAKE LOVE Napaawang ang bibig ni Daniela kasabay ng pagtulo ng mga luha niya matapos niyang marinig ang sinabi ni Justin kay Waki. Napatakip siya ng kanyang bibig nang kumawala ang kanyang hikbi. Tama ang hinala niya, may inilihim nga ito sa kanya. At ito na 'yon, kapatid nito si Waki na kaklase at kaibigan niya. Ang mga nakikita niya ngayon, ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw na kung bakit siya nito kilala. At kung paano nito nalalaman ang mga bagay na tanging si Waki lang ang nakakaalam. Biglang naninikip ang kanyang dibdib nang maalala niya ang unang kita nila ni Justin sa coffee shop nila. Lalo na kung paano nito tingnan. Akala niya ay namamangha ito pero napagtanto niyang kinakatay na pala siya sa mga titig nito. Pero bakit? Paano nangyaring na-comatose Waki, gayung ang pa

