"Danielaaaaa!!!" Malakas na sigaw ni Justin sa kahabaan ng kalsada nang hindi na niya maabutan ang kotse kung saan lulan si Daniela kasama ni Chad. Subalit kahit ano'ng pagsigaw niya, kahit gaano pa ito kalakas, ni hindi man lang ito huminto. Sa katunayan, lalo pa itong bumilis hanggang sa hindi na nga niya ito makita. "Haaaa!!" frustrated niyang sigaw at napasabunot na lamang at napaupo. Hindi niya akalain na sa araw na iyon ay matatapos ang lahat sa kanila ni Daniela. Sa isang iglap lang, matatapos na ang kaligayahan niya sa piling ng pinakamamahal niyang babae. Ni sa hinagap, hindi niya naisip na ito na ang huling araw na maging magkasama sila. "Bro, that's enough!" awat sa kanya ni Harry at hinawakan siya sa kanyang mga balikat. Tinabig niya ang kamay nito saka tumayo at hinar

