Nanlaki ang mga mata ni Daniela nang malingunan niya si Justin na siyang pumasok at tumulak sa kanya sa loob ng banyo. At bago pa siya makapagsalita, mabilis siya nitong hinablot at walang sabing siniil siya ng halik. Nabigla siya sa bilis ng kilos nito. Para itong isang ipu-ipo sa bilis. Kaya daig niya pa ang natuklaw ng ahas sa ginawa nito nang hindi siya makagalaw. Ramdam niya ang pananabik sa mga kilos nito. Nang maramdaman niyang niyakap siya nito ng mahigpit at bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg ay natauhan siya bigla at mabilis niya itong itinulak ng malakas. Ngunit muli rin siya nitong nilusob ulit. "Jus!...ummm." Hindi niya masabi-sabi dahil hindi ito tumitigil sa pagsip-sip sa kanya. Mas lalo pa itong naging agresibo sa panunulak niya dito na balewala lang naman ang la

