Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. Sa pagkakaalam ko ay dito ko lang sa bulsa iyon inilagay e. Nasaan na iyon? Bakit hindi ko na makita? Bakit nawawala ang perang binigay sa akin ni Luke? “Ano magbabayad ka ba talaga? Baka naman may plano ka talagang takasan kami. Mabuti na lang pala mabilis itong tauhan ko. Nalaman agad na wala kang pambayad.” “Nagulat din ako kanina Madam. Mukha naman siyang mayaman pero noong sinisingil ko na siya sa bayad niya ay wala siyang maibigay.” “Huh. Huli ka akala mo hindi namin malalaman na isa kang mapagsamantala.” “Muntikan pa nga siyang makaalis Madam. Mabuti na lang nahabol ko siya bago pa siya tuluyang umalis.” Sinungaling. Wala akong balak tumakas kanina. Tumayo ako para tingnan iyong pera sa bulsa ko. “Hindi ako tatakas kanina. Hinanap

