“Spencer?” “Adira,” dinig ko ang saya sa boses niya. Mas lumawak ang kaniyang ngiti sa labi nang nakita ako. “Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka?” I looked at his outfit. Nakaporma siya at mukhang may pupuntahang prom. “Hindi mo ba nabasa ‘yong binigay kong sulat kanina?” Nalimutan kong gusto nga pala niya akong pumunta sa apartment niya ngayong lunch. “Sorry, Spencer, busy kasi ako. Actually ngayon may lakad kami. Pupunta akong Mall para bumili ng kakailanganin ko sa party. Busy lang ngayon kaya wala akong time para makipag-bonding sa ‘yo.” “I know. I understand. Huwag kang mag-alala. I just came here to say na always free ang apartment ko sa ‘yo. You can come if you want, anytime.” He smiles. “Sige maraming salamat.” Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero pini

