Ibang saya ang naramdaman ko nang imulat ko ang mga mata ko. Ito na marahil ang unang pagkakataong gumising ako ng ganito kasaya. Dinala agad ako ng mga paa ko kay Adam. Gusto kong tingnan kung nasa maayos na siyang kalagayan. Sa ngayon. 40 days pa ang hihintayin niya para makabalik siya sa siyudad. Mabilis na lang iyon kaya naman dapat walang masamang mangyari sa kaniya. "Adam?" Napatigil ako sa paglalakad noong maabutan siya sa hallway. Nakatigil lang siya pero nakatalikod kaya naman hindi ko makita. Lumapit ako para makita siya ng harapan. Napahawak ako sa bibig dahil sa gulat noong makita siya. He's wearing his sportswear. Mukhang handa na si Adam mag-work out pero anong nangyari sa kaniya? Para siyang estatwang nakatigil lamang habang bukas ang mga mata. "Hi! My android system de

