Nasa education section si Luke habang dinala ako ng mga paa ko sa mga librong may kinalaman sa time travel at reincarnation. Hindi ko alam ba’t pati reincarnation tinitingnan ko, e, hindi naman ako namatay at nagbalik dito sa earth. Walang libro ang hindi naka-sealed. Lahat ng iyon ay may balot at kailangan pang bilhin upang mabuksan at mabasa. Gusto ko talagang malaman kung ano ba ang nangyayari sa akin. Bakit bumalik ako dito sa year 2000? Ano ang mission ko at ano ang kailangan kong gawin para makabalik sa year 2026? This is insane! Walang libro ang umaangkop sa kalagayan ko ngayon. Baka isipin nilang nababaliw talaga ako kapag kinuwento ko sa kanila ang nangyayari sa akin ngayon. “Want that book?” Hindi ko namalayang nasa katabi ko na pala si Luke. “Mahilig ka sa time travel

