Chapter 2

1506 Words
Pagkalipas ng dalawang buwan, Sumapit na ang Araw kung kelan pasukan na naman ng kolehiyo. Anak mag iingat ka doon ha. Tsaka lagi mo kaming tawagan. Opo nay kayo din po mag iingat po kayo dito, Bunso tulungan mo sila nanay at tatay dito hah? At huwag kang laging pasaway mag aral ka din nang mabuti. Oh siya tama na yang drama niyong yan at parating na ang bus na sasakyan ng anak mo nanay. Tatay mag- iingat po kayo lagi huwag po kayong masyadong magpapagod sa bukid po, Pangako po na pagbubutihin ko po ang pag aaral para po sa inyo ito. Mag iingat ka doon anak mamimiss ka nami. Flash Back Nanay tatay napag isip isip ko po na hindi po muna ako magkokolehiyo. Maghahanap po muna ako ng trabaho para matukungan ko po kayo, kapag nakapag ipon na po ako tsaka na lang po ako magkacollege. Anak diba sinabi na namin sa inyo na magtatapos kayo dahil iyan lang ang maipapamana namin sa inyo ng nanay ninyo, ayaw naming matulad kayo sa amin na ganito lang. Walang narating sa buhay. Ayaw naming maranasan din ninyo ang hirap. Lalo na kqpag nag karoon na rin kayo ng sarili ninyong pamilya. Gusto mo ba anak na habang buhay na lang din na ganito qng buhay mo? Turan ng kanyang ina. Anak alam namin na may pangarap kang gustong maabot. Kaya sisikapin namin nang nanay niyo na maabot niyo iyon. Basta tulungan niyo din kami mag aral kayong mabuti para din sa kinabukasan ninyo at hindi na para sa amin ng tatay niyo. Umiiyak na humakap si amelia sa kanyang mga magulang. Cubao Cubao. Miss nandito na tayo. Malungkot na bumaba si amelia sa bus bitbit ang kanyang dala dalang gamit. Unang araw pa lang miss na miss ko na kayo nanay tatay bunso sa isip ni amelia. Kailangan mong magpakatatag self para din sa kanila. Ito na ang pangalawang punta ni amelia sa manila, Una noong nagtake siya ng entrance exam kasama niya noon ang kanyang gurong tumulong sa kanya para makapasok sa UST. Kaya madali na lang sa kanya na makarating sa UST. kasalukuyan siyang nasa dormitory. Agad na niyang tinawagan ang kanyang pamilya. Hello ate! Hello bunso kamusta kayo? okey lang kami ate ikaw nakarating kana ba? Oo kararating lang, sila nanay? Si nanay nasa tindahan, Si tatay naman nasa bukid na ate. Ikaw anong ginagawa mo? Naglilinis ako ate. Ang kalat mo kasi daming kalat dito sa kwarto mo. Oh ano to ate? Ang alin? slam book? Bunso huwag mong titignan yan itago mo yan. Hahahha ikaw ate hah may crush kana pala. Crush mo pala si kuya clyde hah. Bunso marinig ka nila nanay itago mo yan bunso naman eh bakit ka kasi nakikialam sa mga gamit ko. Eh bakit kasi ang kalat kalat mo ate di sana di ko ito nakita. Hayystt Bunso itago mo yan. Ayoko nga ate. Ipapakita ko pa ito kila nanay at tatay. Angelo Miguel!!! Hahaha joke lang ate ito itatago ko na. Sige na ate tawag ka na lang ulit mamaya tutulungan ko pa sila nanay. Oh sige basta itago mo yan. Itatago ko sa harap nila nanay ate hahah. Si bunso talaga. Joke sige na ate mag iingat ka dyan miss kana namin. Basta bantayan mo sila nanay. Oo ate bye. Good Morning miss Amelia, I'm Miss Acosta, One of a professor here in UST and at the same time ako ang incharge dito sa dormitory. I am here to discuss to you the rules and regulation here in our dormitory. Good Morning Miss Acosta. Sabay yuko ni ameliq bilang paggalang. Unang araw nang klase, Maagang gumising si amalia para maglinis sa loob ng kanyang kwarto. Yun kasi ang unang rules na sinabi sa kanya ni Miss Acosta. Hi ako si Vivian, Sabay Ngiti. Amelia Marie Esteban.Vivian Enriquez. Magkatabi lang pala tayo ng kwarto. Papasok kana rin ba? Ahm Oo. Tara sabay na tayo sabay hila sa kanyan ni vivian. Taga saan ka pala? Taga Ilocos Norte ako sagot ni Amelia. Ako taga Bacolod.Ang layo mo din pala? hmmm Scholar kasi ako dito kaya dito ako mag aaral. Parehas pala tayo sabi ni amelia. Anong kurso mo amelia? Hmm BSBA parehas pala tayo. Pangarap ko kasing maging abogado vivian kaya kahit malayo dito sa manila at malayo sa pamilya kailangan kong tiisin para sa kanila sa hirap ng buhay sa brobinsya. Amelia tabi, itutulak sana siya ni vivian ngunit huli na nang mabunggo siya ni Drake. Aray bastos hindi mo ba nakikita na may tao at bigla ka nalang nangbubunggo? Huwag ka kasing pakalat kalat sa daan Miss. Excuse me? Pakalat kalat eh daanan ito path way hindi mo ba nakikita yang malalaking letra dyan hah manong? PATH WAY oh sadyang wala kang mga mata? Pagtataray ni Amelia. Unang araw palang nang klase badtrip na siya. Umiling na umalis si drake. Bastos hindi man lang humingi ng sorry. Ganito ba talaga dito aa siudad. Tara na late na tayo. Magkaklase sila Vivian at Amelia parehas sila ng kursong kinuha at parehas ding probinsyana kaya madali silang nagkapalagayan ng loob. Good Morning Class. I know some of you ay kilala na ako. But I want to introduce my name to all of you. Im Miss sharlene Acosta your Law subject. And since these is our first meeting, I want you to introduce your name to our class so that you will know each other. Im Amelia Marie D. Esteban, And I'm from ilocos Norte. Tapos na silang magpakilala lahat at si amelia ang panghuli. Amelia labas tayo mamaya. Saan tayo pupunta? Mag iikot lang dyan lang sa tapat nag University pagkatapos nang last class natin. May nakita kasi aking tiangge kahapon dyan at mga mura lang ang benta nila. Sige pero saglit lang tayo alam mo naman na may rules sa dormitory diba. Wow ang ganda naman nito. Amelia tignan mo, Dali dito bagay sayo ito. Ahm vivian wala akong pambili niyan tsaka nagtitipid ako para magkasya yung allowance ko ng dalawang buwan. Tsaka may tinitignan ako doon, naghahanap sila ng pwedeng magpart time kahit 4 na oras lang isang araw. Huwag mong sabihin na papasok ka amelia? Oo sana kasi 4 na oras lang naman pwede pagkatapos ng klase natin dalawa yung kailangan nila kasi papasok dun daw kasi yung dalawa part time lang din pala sila.Baka gusto mong sumama? Oo bga noh para kahit yun nalang ang pambili ko ng mga luho ko diba pak! Tara mag apply tayo. Unang Araw nang trabaho nila amelia at vivian. Enjoy pala noh hindi naman pala mahirap kwentohan nilang dalawa. May rest time silang dalawa after 2hours kaya nasa tapat sila ng Unibersidad at kumakain nang kikiam at fish ball. Yun lang kasi ang afford nilang bilhin bukod sa nagtitipid silang dalawa. Unti unti na din nakakaadjust si amelia pero araw araw parin nyang tinatawagan ang kanyang pamilya. Lumipas ang mga araw at muling nagkrus ang landas nila drake at amelia. Sinadyang itapon ni amelia ang bottle water na hawak niya dahilan para mabasa si drake sa kanyang harapan. Ano ba?! Ikaw? Ako nga bakit? Bakit mo ako binasa? tsk sabay alis ni amelia. Miss sandali kinakausap pa kita! Bakit mo ako binasa? Binasa? Di ba pwedeng hindi naman sinasadya kung mabitiwan ko yan? Nananadya kaba? Dahil nabunggo kita noon? Pwess I'm sorry that day nagmamadali ako dahil late na ako sa klase ko at ayokong maexpell dahil last chance ko na yun. Natulala si amelia sa narinig kaya pala hindi man lang siya nakapagsorry dahil may hinahabol siya.Umiling na lang na umalis si drake. Tol ang ganda nun hah. First year college yun Glenn. At Law ata ang kinukuha. Minsan ko na kasi siyang nakita noong napadaan ako sa department nila. Kaya naman pala dhai hindi nakapagsorry kasi may hinahabol. Ayan nakokonsensya ka tuloy. Tara na nga sa dorm na lang tayo magluto vivian. Hi miss sabi ni Glenn, Napatingin naman sila vivian at amelia. Glenn Andrew Gomez at siya si Drake Matteo Smith. Vivian Enriquez. Siya naman si Amelia Esteban. Sinabi na ni Vivian dahil walang balak makipagkamay si Amelia. Tara kain tayo. Ahm salamat na lang sabi ni amelia. Tayo na vivian, dhai ang sungit mo naman akala ko ba gutom kana,? Hindi busog pa ako. Oh para abot ni Glenn kay amelia nang isang cup of street foods at isa para kay amelia. Thank you. Ahm hindi pa ba kayo uuwi bakit pabalik pa kayo sa loob may night class ba kayo? Ah wala sa dormitory kasi kami sagot ni vivian. Ah see, Pero bakit galing kayo dito sa labas.? Nag papart time kasi kasi as sales lady dyan sa loob ng minimart.Nakikinig lang si drake, Samantala hiyang hiya si amelia dahil sa ginawa niya kanina para makaganti. Tara na vivian anong oras na baka magalit si Miss Acosta. Sabay hila kay vivian. Sige mauna na kami salamat dito paalam ni vivian nakangiting tumango naman si glenn. Lumaking mayaman sila Drake at Glenn, pero sa kabila ng lahat namuhay silang simple .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD