Nang bumukas na ang elevator ay hinanap ko agad kung nasaan sina Amanda at Karl. Hindi na kasi tuloy ng lunch namin ni Miguel dahil biglaang nagpatawag ng meeting sa kanila ang manager.
Lumuwag naman ang pakiramdam ko roon. Mas okay na hindi ko muna siya makita, hindi ko alam pero palagay ko'y naaapektuhan na niya ang araw ko.
Napa buntong hininga ako sa naisip.
"Oh, Denille! Kala ko pupuntahan mo na ang kasabay mo?"
"Ah, may emergency... okay lang ba?" tanong ko nang iminuwestra na gusto kong makisabay sa kanila.
"Oo naman!" nagulat kami nang si Karl ang sumagot kaya napatingin kami sa kaniya. Ngumiti ako bago kumuha ng pagkain. Libre ang pagkain dito, naka cartoon ang lunch at may kasama na ring tubig. Nang makabalik ako sa lamesa namin ay saka lang uli sila kumilos para kumain.
Buong lunch ay pinag usapan lang namin ang tungkol sa task namin. Binuksan ko saglit ang phone para i-check kung may message ba doon. Napa buntong hininga na lang ako nang muling masulyapan ang text ni Nick.
Nick Alonzo:
Hey, I'm really sorry Denille. Naglalakad na ako ngayon pabalik sa building namin, nagpatawag ng meeting si Ma'am Laica, our manager. I'll treat you lunch some other time.
Ako:
It's fine, no worries.
Wala na siyang reply na kasunod non, malamang ay naging busy na. Tinuon ko na lang ang sarili sa trabaho kahit paminsan ay biglang nababagabag. Gusto lang ba niyang makipag kaibigan? Totoo kaya ang sinasabi ni Bianca? May gusto siya sa akin? Pero imposible naman 'yon!
Napahilot tuloy ako ng sentido tungkol sa naiisip. Bakit ko ba pinoproblema 'to? Wala rin naman akong plano pang makipag relasyon. Gusto ko lang magtrabaho para makabawi sa hirap na nadanas ni tiya.
"Una na ako, Denille!" tumango lang ako at ngumiti kay Amanda na nagmamadali. Nang matapos na ako sa pag aayos ng gamit ay lumapit sa akin si Karl.
"Sabay na tayo?"
"Uhm, I mean palabas lang nitong building," awkward pa siyang tumawa at napakamot sa batok. Sumang ayon na lang ako doon dahil tapos naman na rin ako sa ginagawa kaya ganoon na nga ang ginawa namin.
"Ingat ka Denille..." marahan ang boses ni Karl kaya napangiti naman ako, malamig na ang simoy ng hangin dahil gabi na kaya napayakap ako sa sarili.
"Denny na lang. Ikaw din, Karl."
"Ingat, Denny," ngumiti pa siya nang isang beses bago ako pinauna sa taxi. Tumanggi siya nang sinabi kong sumabay na lang kaya hindi ko na pinilit.
Isang beses pa akong napaatras nang makita kung sino ang naka upo sa tabi ng pinto, "J-Jasper, anong ginagawa mo dito?"
Parang bigla siyang ginanahan kaya napatayo agad siya at aambang lalapit nang inangat ko ang kamay ko.
Mapupungay ang mata niya at halatang nakainom, ang suot niyang polo ay bukas ang unang tatlong butones at kitang medyo namumula ang dibdib niya pati ang leeg. I saw him cleared his throat before starting to speak.
"Can I... just speak to you?"
Kitang kita ang sincerity sa kaniyang mga mata, agad akong nag iwas ng tingin. Naging malapit siya sa akin noon, pero hindi ko naman nilagyan ng malisya ang lahat ng 'yon. Buong akala ko ay gusto niya lang ng kaibigan.
At ang tanga tanga ko naman na naniwala talaga ako sa naisip kong iyon.
"Ano pa bang gusto mong sabihin? Nagpaliwanag ka naman na sa akin noon pa, Jas," umiling agad siya doon at tila marami pa siyang gustong sabihin na mukhang alam ko naman na kung saan ang patutunguhan.
"Nagpaliwanag ako pero hindi ka naman naniwala."
"Paano pa ako maniniwala kung lahat naman ng pinakita mo noon puro kasinungalingan? Kumbaga scripted, kasi may hidden agenda ka talaga," umirap ako at napa awang ang labi niya.
"I really cared for you, Denny. Totoo... Naging totoo yung nararamdaman ko kaya pinagpatuloy ko."
I scoffed, "Kung narealize mong totoo na pala nararamdaman mo, hindi mo 'yon ipagpapatuloy nang ganon ganon na lang, Jas! Inayos mo sana muna ang lahat."
"Aayusin ko naman talaga," his voice became horse. Napasinghap ako dahil sawang sawa na ako sa pag uusap namin na ganito, akala ko titigil na siya pero ngayon nandito na naman siya, nangungulit.
"Kung kailangan kong lumuhod dito sa harap mo, Denny, gagawin ko. Mapatawad mo lang ako..."
My eyes widened, "You can't force people to forgive you, Jasper. Matagal na ang nangyari, ang mahalaga ay kinalimutan ko na 'yon kaya sana ay ikaw din. Ngayon, umuwi ka na."
"O-okay, I won't force you. But can you still give me a chance?"
Hinagod ko ang buhok dahil sa stress sa lalaking 'to! Wala talagang balak tumigil. Nang binalingan ko siya ay medyo namumula na ang mata niya kaya napa awang ang bibig ko. Seryoso ba talaga siya?
"Alam mo, let's just talk again when you're sober."
"Nakainom lang konti, Denny. Pero hindi lasing," dumiin ang titig niya sa akin. Napa iling na lang ako at lumapit sa pintuan para i-unlock yon.
Nang nakapasok na ako ay hinarap ko siya. He then bow his head and licked his lips. Nang magtama ang mata namin ay nag iwas agad ako ng tingin saka sinarado ang pinto. Ilang minuto ang nakalipas ay hindi tuloy ako mapakali, paano kung nasa labas pa rin siya?!
Naligo na lang ako para mawala ang mga iniisip at nagpalit na ng sando at pajama, dumiretso agad ako sa ref dahil mag aalas dyes na at hindi pa ako kumakain, napabuntong hininga ako nang makitang tubig, tin can softdrinks, at konting prutas na lang ang nandon. Bumalik ako sa kuwarto para kumuha ng jacket pati na rin ang wallet ko.
"Hay salamat naman," buti na lang at wala na sa labas si Jasper, nagmadali na ako dahil hindi ako sanay pang lumabas nang ganitong oras.
"Denny, saan ka?" napatalon ako nang kaonti dahil sa pagsulpot niya bigla. Nakita ko na dala niya pala ang kotse niya at malamang nandoon lang siya kanina pa.
"Pasensya na, nagpapalipas lang konti ng oras bago mag drive pauwi."
Kunot noo ko siyang nilingon habang sinasabayan niya ako sa paglalakad, mukha namang naintindihan niya iniisip ko, "Hindi talaga ako lasing," he chuckled. Umiling na lang ako at pumunta na sa 7/11.
Kumuha ako ng isang busog meal. Parang nakatulala sa kung saan si Jasper kaya hinarap ko siya.
"Gusto mo ba magkape?" mukhang nagulat pa siya dahil bigla ko siyang kinausap pero agad rin namang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang lalong pag ngiti at saka tumango.
"Uh congrats nga pala... on your new job," aniya pagkatapos humigop sa iniinom.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Wala na siyang sinabi pa pagtapos non pero madalas ang pagtitig niya sa akin at kapag nahuhuli ko siya ay agad bumabaling sa labas.
Tapos na akong kumain at nagliligpit na lang nang mag ring ang cellphone niya. Tumingin pa muna siya sa akin bago sagutin 'yon.
"Yes mom?"
"Opo. Alright, good night. Yeah love you too," natawa siya at mukhang nahihiya pa dahil narinig ko iyon.
Tumikhim ako nang naibaba niya na ang tawag, "Umuwi ka na."
He smiled, "I will. Pagtapos kitang ihatid."
Hindi ko na siya sinagot, nakakapagod na makipag talo sa kaniya.
"Good night, Denny," tumango na lang ako at sinarado na ang pinto.
Naupo ako sa kama, inaantok na ako pero medyo busog pa kaya sinandal ko muna ang ulo sa headboard nang sunod sunod na tumunog ang cell phone ko. Tamad ko 'yong inabot at agad na binuksan.
Unang una doon si Bianca kaya sa kaniya ang una kong binasa.
Biancakes:
OMG, girl!!!!
Nabanggit sa akin ni Mark na pinatawag sila ng manager nila kanina dahil kay Nick...
at paniguradong dahil din sa'yo!!!
Huh? bakit na naman ako nadamay? Pinagpatuloy ko ang pagbasa at agad akong napa diretso nang upo sa mga sunod na nabasa.
Sure ako, ikaw talaga 'yon. Naalala mo ba yung unang araw mo sa company nila Gia? Diba nagkita kayo sa coffee shop?
Tinanggi mo pa sa akin noon pero ngayon panigurado akong ikaw talaga yun at hindi mo na maitatanggi.
Girl, may nakakita daw sainyo sa labas nung coffee shop! Mabuti na lang at hindi naman raw kayo na-picture-an! Kaya lang, napagsabihan daw si Nick. Hindi niya raw tinanggi!!
Nasaan ka ba??? Saka mygod! Yung new upload niya sa ig jusko naiiyak ako for you!
Kumunot ang noo ko doon, agad na kinain ng kuryuso dahil sa sinabi ni Bianca sa chat kaya agad kong binuksan ang nasabing app at bungad na bungad sa news feed ang video ni Miguel.
Topless siya doon at nag gigitara, hindi masyadong kita ang mukha dahil medyo madilim. Napalunok ako nang magsimula siyang kumanta.
I shouldn't love you but I want to
I just can't turn away
I shouldn't see you but I can't move
I can't look away
Binasa ko ang caption doon "just so you know, miss ...."
Nagpop up tuloy sa isip ko na tinawag niya akong Miss Aila noong isang araw lang! Ayokong mag assume!
Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong napalunok, bigla kong na-appreciate ang boses niya. Bagay din pala sa kaniya ang ganitong mga tipo ng kanta.
Dumagsa ang mga komento doon na puro lang mula sa mga kagrupo niya.
@_notmark: miss ....???
@ykle_69: yataps ka na naman kay manager! hahaha
@vncnt_b: uy dedicated for miss not interested haha
@ney00: mga ogag! para sa akin talaga yan, diba bebs @a.miggs_?
@jys0n: awit! hinuhubaran tayo ni master
May iilan pang nag comment doon na mukhang mga kaibigan niya pa. Bumalik agad ako sa messages at nanglaki ang mata nang nakitang may message rin sa akin si Nick, nasa baba siya ni Bianca kaya hindi ko agad napansin kanina.
Nick Alonzo:
Hey, are you busy right now? Can we talk?
I just need to tell you something.
Parang nanuyo ang lalamunan ko sa pangalawa niyang message! Ilang minuto ata akong na-estatwa bago inunang mag reply kay Bianca.
Ako:
Gabi na ako nakauwi. Naabutan ko pa si Jasper dito! Ngayon ko lang din nabasa ang messages mo.
Mahigit limang minuto bago siya nag reply.
Biancakes:
Ano na namang ginagawa ni Jasper? Anyway, ano? nakita mo na ba yung video niya for you?
Ako:
Oo.
Biancakes:
Uyy inamin niya ng para sa kaniya nga! Hahahaha
Ako:
Baliw. May message siya sa akin, gusto akong makausap. Anong sasabihin ko?
Biancakes:
Go na! Baka magtapat na sayo ng feelings : D
Ako:
Ewan ko sa'yo! Natatakot ako baka bukas makalawa, nasa balita na ako sasakalin talaga kita!
Biancakes:
Hahahahaha ang advance mo mag isip! Pumayag ka na makipag usap, saka hindi ka hahayaang mapanganib nun ni Miguel! Inayos na nga nila agad yung nangyari diba?
Hindi pa ako nagkaroon ng nobyo, at sa ngayon, kahit na aminin kong may nararamdaman akong kaba dahil dito kay Nick, wala pa rin akong balak. Natatakot ako dahil maaapektuhan nito ang trabaho niya bilang sikat na iniidolo ng karamihan. Alam ko ang laking kapahamakan na maidudulot nito sa akin, lalong lalo na sa kaniya. Baka buong grupo nila ang maapektuhan. Papayag akong makipag usap. At sisiguraduhin kong hanggang doon na lang ang lahat nang 'yon.
Pinag isipan ko muna ang lahat bago nagtipa ng sagot.
Ako:
Sige, bukas pagtapos ng trabaho.
Pumikit ako nang mariin at saka tinakpan ng unan ang mukha. Bahala na!