Tahimik lang kami pareho habang kumakain. Hanggang ngayon nagtataka ako kung para saan ba ito, siguro kung super fan niya lang ako inassume ko na na baka bet niya ako. Pero wala naman kasi akong interes sa kaniya at sa grupo nila kaya mukhang imposible iyon.
"How old are you?", napa angat ako ng tingin sa kaniya.
"Uh... nineteen."
May binulong siya pero hindi ko narinig, "Ano yun?" umiling lang siya. Mas lalo tuloy naging awkward. Hindi ko alam kung ibabalik ko rin ba sa kaniya yung tanong o mananahimik na lang ako.
"I guess I should introduce myself first, since wala ka talagang ideya kung sino ako." He paused and chuckled, "Hindi ka naman kasi fan ng group namin, right?" nag alanganin pa akong tumango pero naalala kong sinabi ko na pala sa kaniya yung kanina.
"I'm Nick Miguel Alonzo. I'm a vocalist of
BLAZE. Siguro naman medyo naipakilala na kami ng best friend mo sayo?"
"Yep, she's an avid fan. Nabanggit niya na nga rin yung mga positions niyo sa group eh," medyo natawa ako don at napa iling dahil naalala ko kung gaano ka excited si Bianca tuwing tungkol sa BLAZE ang usapan.
Tumango siya, "Mark knows her. Anyway, I'm sorry if this seems weird to you. Pinilit pa kita dito. May importante ka bang pupuntahan?"
Parang ako pa tuloy ang na guilty dahil baka na feel niyang naa-awkwardan ako. Marahan akong umiling at kumain ng ice cream, "Okay lang, bibili lang naman ako ng materials."
"Hatid na lang ki-"
"Ay nako 'wag na. Okay lang naman mag g-grab na lang ako."
"No, I insist. Since naabala rin naman kita."
Hindi na ako umangal pa dahil mas mapapadali nga naman kung ihahatid niya na lang ako. Ihahatid lang naman eh, tapos nun wala na.
"Paano nga pala kayo nagsimula as a group?" Nagpunas muna siya ng bibig bago nagsalita. Tumitig ako sa kaniya nang bigla akong kinabahan. Parang ngayon lang nag sink in sa akin na celebrity nga pala itong kasama ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil once in a lifetime experience ito pero at the same time, hindi ko naman nararamdaman na ma-excite dahil hindi naman nila ako fan. Kung hindi dahil kay Bianca ay hindi ko sila makikilala.
"Vince and Kyle were my schoolmates habang si Neo naman ay blockmate ko. Nabuo kami nung 3rd year. We met Mark in one event, naimbitahan kasi kami dahil sa kadalasan naming pag p-perform sa school tuwing may program. Mark performed with his electric guitar and I still remember we were so amazed that we cheer for him after his performance. Nagmukha kaming mga tropa niya, but in reality we don't even know him." Natawa siya saglit at tila inaalala ang pangyayari.
"And then we talk to him after our performance. Marami kaming napag-usapan and then he mentioned that he will be transferring to our school because of family problem. Kaya imbis na medyo malungkot kami sa kinuwento niya ay parang na excite pa kami dahil puwede siyang maging part ng group namin."
Parehas kaming natawa doon, "So, that's it. After 3rd year, lumipat na siya sa university namin. We were lucky dahil maraming naka discover sa amin at naimbitahan sa kung saan saan. Muntik na kaming mag stop sa pag-aaral dahil sobrang dami talagang opportunities na ayaw naming ma-missed but I encourage them to finish our studies dahil last year na rin naman at ga-graduate na."
"Well, that's nice. Tingnan niyo naman, nakatapos kayo tapos nagiging successful na rin kayo ngayon."
"Yeah..." Dumapo ang tingin niya sa akin kaya napa iwas ako at inubos na lang ang natitirang pagkain.
"Ikaw? When did you start painting?"
Napangiti ako sa tanong niya, hindi kasi palaging napag-uusapan ang passion ko kaya naman tuwing nababanggit iyon ay natutuwa ako, "Bata pa lang kasi mahilig na talaga ako mag drawing drawing at kulay, kahit nga pader namin noon dino-drawingan ko kaya lagi ako napapagalitan. Doon ko kasi nae-express yung nararamdaman ko, ako kasi yung taong hindi magaling sa alam mo yun... sa salita," natawa ako saglit bago nagpatuloy.
"Kaya sinunod ko kung ano yung gusto ko. Naka graduate naman, malungkot lang kasi hindi talaga masyado naa-appreciate yung artworks dito. Pero marami namang clients saka balak ko mag apply as Art Professor," kinagat ko ang labi dahil baka masyadong marami na akong shini-share.
"How about your parents? Are they supportive?"
Napalunok ako sa tanong niya pero agad din namang ngumiti, "They were supportive noong nabubuhay pa sila. Pero sigurado naman ako hanggang ngayon suportado pa rin nila ako," tumikhim siya don.
"Sorry, I didn't know..."
"Uy okay lang." Ngumiti ako at pinakita sa kaniyang okay lang talaga.
"So, paano mo pala ako nakilala? I mean yung name ko, paano mo ako nahanap sa f*******: eh diba number ko lang naman pinakuha mo?"
I gritted my teeth, regretting saying the last sentence. Masyado ata akong vulgar.
Natawa niya sa reaction ko, "Actually, si Mark ang nagsabi na you do arts. Na-kuwento ko kasi sa kaniya yung natapunan mo ako ng tubig dahil sa pagtakbo niya kaya hindi ko nasuot yung coat. Kilala ka raw niya dahil sa best friend mo."
Tumango tango naman ako don. So nakakausap pala ni Bianca itong Mark? Hmmm hindi nag k-kuwento sa akin 'yong babaitang yun ah.
"Uhm, aren't you afraid?"
"Afraid of what?"
"Na baka may makakita sa'tin, I mean, syempre iba na agad iisipin ng mga tao kahit na wala naman talagang meaning. Yung fangirls mo, ganun..."
He smirked.
"Hmmm... I didn't think about that. Don't worry 'di ka naman mapapahamak."
Tinapos na lang namin ang pagkain, ayaw niya pa ako payagan na magbayad sa kinain ko dahil treat niya daw talaga iyon. Mabilis lang kaming naka alis don at hinatid niya na uli ako sa ayala. Tahimik lang kami sa kotse niya kaya parang naging mabilis lang ang biyahe.
"Thank you... uh sir?"
Natawa siya don, "No, ako dapat mag thank you. Thanks for coming with me. Bye, till next time, Denille," Inangat niya na ang salamin at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Pagkauwi ko sa bahay ay tinext ko agad si Bianca para sabihan na pumunta siya dito kapag free na siya dahil sigurado akong magugulat siya sa ik-kwento ko.
Inayos ko muna ang mga nabili kong materials bago naligo at nag ayos na para matulog nang biglang may notification ang cell phone ko.
@a.miggs_ started following you.
Nang chineck ko ay private ito pero nalaman ko agad kung sino ito dahil sa initial sa display name na N.M.A. Personal account niya ba 'to? Napa upo ako sa kama, nasa 368 lang ang followers niya at mukhang tago nga ito at hindi pa alam ng fans niya.
Mabilis niyang na confirm ang request ko nang finollowback ko siya. Wow active? Nag scroll ako sa feed niya at napansing wala siya masyadong picture ng sarili niya at puro lang mga bagay at mga scenery. Ingat na ingat pa ako dahil baka mamaya ay ma like ko ang isa sa mga post niya at isipin niyang ini-stalk ko siya.
"Well, totoo namang ini-stalk ko siya ngayon..." Napa iling na lang ako at pinatay na ang phone.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil ililibre daw ako ngayon ni Bianca dahil nae-excite siya sa ik-kwento ko sa kaniya. We've been best friends for God knows how long and it feels so good na may taong laging nandiyan sa akin hindi lang sa mga ganitong bagay pati na rin kapag kailangan na kailangan ko ng masasandalan at makakaintindi sa'kin.
It's so rare to find that kind of person these days. Yung hindi matatawaran ang pagkakaibigan, yung alam mong kahit anong desisyon mo sa buhay, hindi ka niya huhusgahan.
And I'm beyond grateful that I was blessed by Him to have Bianca in my life.
Napa ngiti na lang ako sa mga iniisip at natawa nang maisip ang magiging reaksyon ni Biancs kapag binanggit ko sa kaniya ang mga naisip kong iyon. Paniguradong makokornihan lang sa akin ang babaeng 'yon.
Nag check muna ako ng cellphone bago magsuot ng sapatos para makaalis. Tiningnan ko kung may mga chat ba sa messenger at nakitang puro gc lang naman yun kaya inopen ko ang i********: at bumungad ang post ni Nick na mukhang kagabi pa.
Madilim ang larawan pero kuha ito ng lapag na may anino niyang naka sandal sa sasakyan niya.
When will I see you again?
Iyon ang caption ng post niya, nakita kong may iilang comments doon na halatang mga ka miyembro niya ito sa BLAZE na mga personal accounts din ang gamit. Inaasar siya ng mga ito at tinatanong kung sino ang tinutukoy sa caption.