THADDIA Makalipas ang ilang araw. Biyernes na ngayon at kasalukuyan kaming nasa gym at nagte-training kasama na si Lea. Laking pasasalamat ni coach at magaling na ito dahil si Lea daw ang isa sa pinakamagagaling na opposite hitter ng team. Middle blocker ako e. Sobrang sikat ni Lea noong mga nakaraang araw dahil noong Lunes na pumasok siya kasabay ako ay halos dumugin kami papasok pa lang ng engineering building para lang makita siya at makamusta. At ang bruha, feeling celebrity at walang patumanggang ngumingiti sa mga ito kasabay ng pagwe-wave ngga kamay. "Letran Lady Knights! Game on!" tawag ni coach sa amin at pumito na. Dahil huling araw na namin ng pagte-training, naging mahigpit ang head coach namin. Laban kung laban. At dahil hapon na at informed ang mga Letranista na bukas ay

