THADDIA Araw ng Sabado. Ilang araw matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Eli. Naging mas malapit kami at unti-unti nawawala na talaga ang doubts ko sa kanya. Na baka saktan niya ulit ako gaya noon. Pero nabura iyon nang mga araw na magkasama at madalas mag-effort si Eli sa bawat araw. Hindi ko na yata siya kaya pang pakawalan. Ayaw ko nang masaktan, oo pero normal naman na kasi iyon at parte iyong sa paggo-grow namin pareho. Kahit medyo nailang ako noon. Ang sakit kaya...pero masarap naman. Sarap ulit-ulitin. Joke. “Letʼs go, baby.” “Sige,” Ngayong araw ay tutungo kami kay Lea upang malaman kung maayos na ba ito. Kaming dalawa lang ni Eli dahil may shooting si Thanya. At may klase naman si Thalia. Ang parehong kapatid ni Eli ay mga busy sa kani-kanilang pag-aaral. May pasok pa

