"Bola , bola sa langit. Matamaan 'wag magalit!" sigaw ko bago i-spike ang bola!
"s**t!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tumama ang bola na tinira ko sa isang engineer na college student matapos hindi ma-block ng kalabang team ang spike na 'yon!
Pumito ang referee namin at nag-senyas ng timeout dahil sa lalaking tinamaan ko ng bola. Dali-daling nagsipaglapitan ang mga tao sa lalaking iyon kaya naman lumusot ako sa ilalim ng net at naki-tingin doon.
Aware pa naman ako sa lakas ng palo ko!
"Excuse me,"sabi ko sa babaeng nakaharang para tuluyan kong makita ang lalaking tinamaan ko ng bola.
"Patay ka, Thaddia. Walang malay!" pananakot ni Lea, ka-team ko.
Kinabahan naman ako dahil doʼn!
Tiningnan ko ang mga nakapaligid sa lalaki. "Konting hangin naman, oh. Baka lalong matuluyan 'to, ano? Pwede?"
Agad naman silang nagsilayuan ng bahagya. Lumuhod ako sa lupa upang hawakan ang ulo niya tapikin nang marahan ang pisngi niya. "K-Kuya, gising. Oy kuya!"
Pero hindi siya namulat. Tang*na naman, o.
"Boys! Tulungan niyo nga ako. Dalhin natin sa clinic, bilis!"
Nagsikilos naman ang mga lalaking nakiki-usyoso na lang rin, mabuti pang pagbuhatin.
Hindi ko naman siya napatay hindi ba? Hindi naman siya made-declare na dead on arrival, hindi ba?
Sumunod ako sa clinic. Hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit. Pinatungan ko na lang ang jersey kong suot ng oversized white t-shirt.
"Nurse Jaja, kamusta si kuyang pogi?" tanong ko at inginuso ang lalaking tinamaan ko ng bola.
"Okay naman na siya. Kapatid mo ba si Eldritch Altafranco?"
"Hindi, ah. Ang totoo niyan..."bitin ko sa sasabihin at bumulong kay nurse Jaja. "Isa na din siya sa mga na-knock out ng aking spike,"
"Ano?!"
Tumango-tango ako sa kanya at kinagat ang pang-ibabang labi. "Siya kasi, e. Feeling naglalakad sa buwan kaya 'yan, knock out. Pft."
"Siraulo ka, Thaddia. Lagot ka sa fansclub niyan!" pananakot niya.
Itinaas ko naman ang kilay ko. "Fansclub, fansclub-ulul. Pakainin ko pa sila ng gabok, e. Siya, babalikan ko na lang ang inhinyerong 'yan mamaya." paalam ko bago sinilip ang lalaking payapang natutulog sa kama dito sa clinic.
Hmm. Engineer... paano ko nalamang engineer? Sa ID lace na suot niya.