Isang taon ang nakalipas mula nang ikasal ako kay Eli at tanggapin ko siya muli ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala... Simula nang magkabalikan kami, walang araw o pagkakataon na hindi niya ipinaramdam sa akin na nagbago na siya. Na ako lang. Nagpapasalamat ako sapagkat hindi niya sinasayang ang pagkakataon na ibinigay ko sa kaniya. "Mrs. Altafranco, right?" binalingan ko ang babaeng tumawag sa akin mula sa likod. Kumunot saglit ang noo ko. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maganda siya, matangkad at mestisa. Lalo pa siyang pinaganda ng suot na pulang lipstick. Ngumiti ako."Yes?" Inilahad niya ang isang kamay sa akin. "I'm Architect Sabrina delos Reyes. Ako ang makakasama ni Engineer Altafranco sa project namin sa Batangas..." pakilala niya. Ti

