THADDIA Kasalukuyan kaming nagwa-warm up magkaka-teammates dito pa rin sa gym na palagi naman naming ginagamit. Pakiramdam ko wala akong problema ngayon dahil nasa maayos na kondisyon ang aking sarili. Mula ulo hanggang paa. Mula puso hanggang pwet. Tang*na. Hindi na rin nabura sa aking labi ang ngiti kanina pa mula nang matapos ang aming klase hanggang sa makarating rito. Pwede na akong itanghal na Best In Smiling Face! Hindi ko lang lubos maisip magpasa-hanggang ngayon na...okay na kami ni Eli. Na pinatawad ko na naman siya sa kabila ng mga kasalanan niya sa akin. Marupok na kung marupok pero mahal ko, e. Isa pa, nakikita ko namang malaki ang ipinagbago nito. May paninindigan na ito ngayon at ramdam ko ang sinseridad niya sa lahat ng ipinakikita at sinasabi niya sa akin. Napabunt

