“Ang ganda mo, girl. Tang*na. How to be yow?!” natatawang tanong ni Lea matapos akong sipatin sa salamin. Nginisihan ko lamang siya. “Mahirap maging ako, Lea. Maganda ako at talented. Samantalang maganda ka lang tapos monggoloid pa.” banat ko. “Ang harsh mo, ah! Pasalamat ka at birthday mo ngayon dahil kung hindi—” “Ano?” “Dahil kung hindi...” “Ano nga?” “Brr! Leche. 'Wag na lang!”sabi nito at ngumuso. Sinilip ko ang suot nitong damit. Ang sexy niya sa suot na Lace-Back Bodycon Dress na asul na tinernohan niya ng black stiletto. “Sexy mo, Lea. Baka ngayon mapansin ka na ni Ace Henley—at ng iba pang La Galliene. Hahaha!” pang-aasar ko sa kanya at himala na hindi ito ngumuso. Ngumiti pa nga at tumingin sa itaas na parang nagi-imagine ng kung ano-ano sa utak! “Tsk! Mahihirapan tuloy

