"Bakit mo ginawa 'yon, ha? Ano na lang ang magiging reaksyon ng mga taga-Letran dahil sa nakita nila, Ace?" tanong ko kay Ace. Ibinaba ko ang bag ko sa sementadong upuan at hinarap siya. Kasalukuyan kaming nag-uusap dito sa may parang kubo pero gawa sa semento. Para makapag-usap kami. Nginisihan niya lang ako. "What, baby girl? Na-miss nga kasi kita. Thatʼs why." Pinalobo ko ang pisngi sa harapan niya. "E nakita nga kasi ni ser Eldritch-n-nakakahiya," sabi ko. "Hahahaha! Pft! Hahahaha! Damn, baby girl! Really?! Youʼre embarrassed?! Buong akala ko pa naman walanghiya ka." buyo nito at pinisil ang pisngi ko! Tang*na. "Tsk! Nakakainis ka, Ace! Kung paliparin kaya kita pabalik ng Barcelona, ha?!" angil ko at hinipan ang buhok na nasa mukha ko! Pigil ang tawa niyang itinaas ang

