May 30. Sabado. Filoil Flying V Centre, San Juan. Finals na ng laro namin. Letran Lady Knights laban sa koponan ng Perpetual Lady Atlas. "Girl, sino nga 'yong tatlong lalaking kasama ni Ace?" tanong ni Lea. Inayos ko muna ang aking kneepads bago siya sagutin. "Pinsan ng magiging boyfriend in the future. La Galliene cousins. Made from Spain. Galing mo nga, e. Nasungkit mo ang isang imported." nakangisi kong sagot. Kita ko ang pagbabago ng kanyang reaction. Mula sa nagtataka ngayon ay parang tangang ngingiti-ngiti. Tama nga si Ace. Pupunta dito ang mga La Galliene para lang mapanood ako. Kasalukuyan silang nasa bench na malapit sa benchteam namin. Doon rin nakaupo sila Thanya, Thalia, Gem, Feli,Amada,Harvey. Pati nga iyong kaibigan ni Eli na si Demitri Roi De Chavez, e. Habang kami naman

