Kabanata 15 - Clubbing

1200 Words
NASA loob ng office sa penthouse niya lang si Aries buong araw. Gusto niyang pumasok sa kumpaniya niya, ngunit wala siyang ganang lumabas ng kwarto dahil baka magkasalubong sila ni Aesthen sa hallway. Hindi niya kakayanin kapag nakita pa niya ito at baka magreact na naman ang katawan sa babae. Nanatili na lamang siya sa loob ng office na maya't maya ay pinapasok ni Keya at dinadalhan siya ng kung ano-anong pagkain o tinatanong ng kung ano-anong bagay. Parut-parito rin ang balik ni Zaldi dahil sa mga office and personal errands na inuutos sa kaniya ni Aries. Ginawa na lamang niyang busy ang buong araw at inintindi ang kumpaniya para mawala si Aesthen sa kahit na anong sistema ng katawan niya. "Sebastian?" narinig na naman niya ang boses ni Keya sa pinto. Sebastian. That name sure makes his body squirm pero hinahayaan niya lang si Keya na tawagin siya nito sa ganitong pangalan, ang ikalawa niyang pangalan, dahil doon nasanay ang dalaga noong mga bata pa lang sila. Agad ay nag-angat ng tigin si Aries upang makita ang pinsan na nakadungaw ang ulo sa pinto habang ang katawan ay nasa labas ng office ng lalaki. Ini-adjust ni Aries ang spectacles niya at matamang tinaasan ng dalawang kilay ang pinsan. "Uh, I know you're busy," panimula nito bago ngumiti ng pa-inosente, "But, uh, you know. . ." "What is it? I'm busy." sambit kaagad ni Aries na parang walang balak na pumayag sa kung ano man na favor ang hihingin ng kaniyang pinsan. Kilala na niya ito. Alam niyang kapag ganito ito ay hihingi ito ng pabor. "Yeah, I'm heading to the clubs. My friends are going. I want you to come—" "Ms. Aesthen, nako hindi! Okay lang, kaya ko na ito!" Biglang narinig ni Aries ang malakas na boses ni Zaldi sa labas ng office. Agad siyang napakuyom sa ballpen na hawak at saka tinitigan ang laptop niya. Hinihiling niyang sana ay magshutdown na ang buo niyang sistema. "Nako, Sir Zaldi, hayaan mo na ako." tatawang sambit naman ni Aesthen sa labas na nagpanginig sa katawan ni Aries. Fuck. She's coming back to his system. Napahilot na lang ng kaniyang temples ang lalaki at saka agad na tinanguan si Keya. "I'm coming with you," tipid na sambit nito bago pinagpatuloy ang paghilot sa temples niya. Mabuti na siguro iyon, para makalimutan niya si Aesthen mamayang gabi. Mas mabuti na rin iyon. Dahil kung aalis si Keya mamayang gabi, malamang ay magiging silang dalawa lang ni Aesthen ang matitira dito. . .at tinamaan na lang ng lintik kung makagagawa siya ng bagay sa dalaga na alam niyang pagsisisihan niya pagkatapos, kung hindi rin siya aalis. Hindi niya iyon kakayanin. Better yet, sumama na lang siya kay Keya and forget about the damn girl. Remove her from his system, even just for a night. "Yay! Really?" natuwang sambit ni Keya at napapalakpak pa bago ito nanakbo papunta kay Aries. "I really love you, Sebastian! Thanks!" tuwang-tuwang sambit nito na parang bata na unang beses lang nakasakay sa carousel. Sa tuwa nito ay agad na naupo ito sa lap ni Aries at ipinulupot ang dalawang braso nito palibot sa leeg ng lalaki. "Yes! I'm going with you to the clubs!" natutuwang sambit nito at saka hinigpitan pa ang yakap kay Aries. Napahinga na lang si Aries ng malalim nang biglang tumabingi ang spectacles niya dahil nasanggi ito ng mga braso ni Keya. Tumatawa ito at siniswing-swing pa ang mga paa sa tuwa habang nakaupo sa lap ni Aries. "Come on, now, Keya. Lumabas ka na muna, may ginagawa pa ko." bland na sambit ni Aries bago tatanggalin na dapat ang mga braso ng pinsan dahil sa kalikutan nito. "Wait! I'm not done yet!" natutuwang sambit nito bago itinaas ang pointing finger sa tapat ng mukha ni Aries, at saka iwinave sa hangin. Senyas na sinasabing hindi pa siya tapos. "You have headache, haven’t you?" concern nitong tanong bago tinanggal ang dalawang braso na nakapulupot sa leeg ni Aries tapos ay agad nitong tinanggal ang spectacles ng binata at saka minasahe ang temples niya. "Mr. Caballero, I brought your food, sir." walang kaabog-abog na sambit ni Zaldi matapos buksan ang pinto. Agad naman na ipinasok din ni Aesthen ang ulo upang silipin si Aries dahil hindi pa niya ito nakikita buong araw. Nanigas bigla ang katawan ni Aries nang makita ang mukha nito na dumungaw pero nanatili siyang walang ekspresyon. Pinilit niyang hindi maglagay ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Natuwa naman si Keya nang makita ang pagkain na dinala ni Zaldi at agad tinawag ito para ilapit sa kaniya, bago umalis na sa pagkakaupo sa lap ng binata. "Yay! Sebastian, I'll feed you. You look tired!" tuwang-tuwang sambit ni Keya bago tinggal sa wrap ang pagkain na dinala ni Zaldi. Nanatili si Aesthen na nakatitig kay Aries na agad namang umiwas ng tingin sa kaniya at itinuon ang atensyon sa laptop nito. Agad napakagat sa lower lip niya si Aesthen at saka nag-iwas na din ng tingin. "A-ah, I guess, you really don't need my help, Sir Zaldi." sambit n Aesthen at saka ngumiti kay Zaldi bago unti-unting inilabas ang ulo sa pinto na iyon. Unti-unti niyang isinara ang pinto kasabay ng unti-unting pagkawasak ng mga imahe sa utak niya. Damn. Ano bang inaasahan niya? Na after siyang sabihan ni Aries ng mga sweet nothings kagabi ay happily ever after na sila? Aesthen, taken na 'yong tao! Napahilamos na lang siya sa mukha at saka nagmadali nang umalis doon. Lumiko agad siya papunta sa kwarto niya. Shit. Hindi niya maisaayos ang isip niya. Halata naman na walang gusto si Aries sa kaniya! Lasing lang iyon kagabi kung kaya't nagawa nito ang bagay na ginawa nila kagabi. Ni hindi nga nito sinabi ang pangalan niya habang nangyayari ang nangyari kagabi. Baka nga mamaya ay inakala lang nito na siya si Keya! Napasabunot na lang sa sarili ang dalaga nang maalala ang pwesto ni Keya nang buksan niya ang pinto sa office ng lalaki. Obviously, sweet sila sa isa't isa! Naikuyom niya na lang ang sariling kamao bago hinila ang unang drawer sa nightstand. Kailangan na niya itong tigilan. Kailangan na lang niya sigurong ilabas iyon sa susunod na chapter ng novel nila ni Aries. That way, hindi nasasayang ang mga nararamdaman niyang bago sa kaniya. Matapos isulat ni Aesthen ang mga huling salita sa chapter na ginawa niya ay napahiga na lang siya sa kama niya. Nanginginig sa galit. Nanginginig sa inis. Nanginginig dahil sa paglalabas ng nararamdaman sa recent chapter na naisulat niya. She was so shaken that she couldn't let herself take a bath. Isa pa, sobra sa panginginig ang mga daliri niya nang dahil sa pagsusulat, namamanhid. Mahirap na kapag napasma siya. Dapat muna siyang magpahinga sa kaniyang kama, para marelax din ang katawan na napagod kakayuko sa study table niya habang nagsusulat. Nagvibrate agad ang cellphone ng dalaga na nakapatong din sa study table niya. Agad siyang bumangon at saka naglakad ng kakaunting hakbang papunta doon. One message received. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang hindi kilalang numero. I'll be here for 2 days! Miss me missy? Agad nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Damn it! It must be Jessica! This sender even called her Missy. No one calls her that except Jessica. Jessica Decena. Ang bestfriend niya na nagtatrabaho sa Paris, as a fashion photographer. Siya ang po-produce ng pictorials sa mga highly-paid models ng isa sa pinaka sikat na clothing line in Paris. Jessica?! Omg! Wherefore art thou?! Nae-excite na type back ni Aesthen. Parang kahit na sa sandaling minuto ay nakakalimut siya sa nakakabwisit na sitwasyon niya ngayon. Heading to the clubs. U should come! Agad napangiti si Aesthen sa nabasa. Some things will always stay the same. Hindi pa rin nagbabago ang bestfriend niya. Malamang ay maghahanap ito ng lalaki na lalandiin sa club. Natawa na lang siya habang iniimagine ito. Which club? Reply agad niya sa best friend at saka excited na napatungo sa wardrobe niya. Parang agad nawala ang pagod niya at bumalik ang lakas na kanina pa niya hinahanap. Ngayon ay nanginginig na siya sa excitement. Agad siyang napatingin sa digital clock na nakapatong sa ibabaw ng nightstand. 9:47 p.m. Napangiti si Aesthen at saka binuksan ang ilaw sa loob ng wardrobe niya. Pinatay niya kasi ang ilaw sa loob ng kwarto at nagsisilbing ilaw lang niya ay ang lamp sa tabi ng digital clock at ang bukas pa rin na lamp sa study table kung saan siya nagsulat kanina. Iniscan niya lahat ng damit at saka mataimtim na chineck lahat kung pwede ba iyon. Wala siyang mapili na sexy o babagay sa clubs. Sigurado kasi siyang kabog na naman ang outfit ni Jessica pagdating doon. Ano pa nga bang silbi ng pagpa-Paris niya kung hindi din naman siya kabog diba? Parang nasayang lang ang years ng pagtatrabaho niya sa clothing lines doon kapag nagkataon wala din siyang natutuhan. Nagvibrate kaagad ang cellphone niya at agad niyang tinignan ang message. Pyro Club Napahinga na lang ng relieved na sigh si Aesthen nang mabasa ang reply ng kaibigan. Good thing na malayo ito sa Piedras Club kung saan nagsimula ang lahat. . . Kung saan nagkaroon ng fake news about her and Daiah. Kung saan nagkaroon siya ng masamang reputasyon, since nagbasag siya ng bote at gumawa ng gulo. Kinick-out rin kasi siya ng Bouncer doon. Agad siyang napatingin ulit sa mga nakahanger at nakatiklop niyang damit. What to choose? Napahilamos na lang siya ng mukha sa depresyong nararamdaman. Hindi naman kasi niya kinuha ang lahat ng damit niya sa bahay nila. Napapikit na lang siya. Hindi siya pwedeng magsuot ng T-shirt at pants doon o ng kung ano-ano mang formal wear. Damn it. Napatingin ulit siya sa mga nakaayos na damit at saka pinilit na mag-create sa utak ng magandang pagko-combine ng mga damit. Damn. Sana magwork out. Inisa-isa ulit niya ang mga damit at agad na inimagine ang maaari nitong maging kapareha para maging sexy. Geez. It's more difficult than she thought it would be. Kinuha niya ang carnation pink na fitted niyang sleeveless na damit na hanggang sa ibabaw lang ng pusod ang haba. Napanguso siya at agad na nag-isip ng maaari nitong maging kapareha. Mostly kasi ay sinusuot niya ito kapag nag-i-interview o pumapasok sa headquarters ng Cutesy Magazine, pero sinasamahan niya ng dark pink na coat na ibu-button up niya ang mga nasa babang butones para matakpan ang pusod niya na nakareveal. Tumingin pa siya ng mga pants na maaaring i-partner dito pero agad na siyang napangiwi. Mostly ay slacks na pang-work ang pambaba na dinala niya dahil akala niya ay professional work talaga ang magiging next job niya. Iilan lang ang mga pants niya dito na jeans talaga at wala siyang jean shorts kundi mga pang-jogging lang. Nawawalan na siya ng pag-asa. Napahiga na lang si Aesthen sa kama at napatakip ng unan sa mukha. This is hopeless! She is hopeless. Biglang pumasok sa isip niya si Zaldi at ang secretary ni Aries. Maging ang mga ipinangako ni Aries sa kaniya noong una pa lang. Halos manginig ang katawan niya sa excitement na naramdaman. Damn it. May huling choice pa pala siya. Agad siyang lumabas ng kwarto at saka nanakbo papunta sa kwarto ni Aries. Kinatok niya ito at saka hinintay na buksan nito ang pinto. "Ms. Aesthen?" biglang narinig niya ang boses ni Zaldi sa likod. Agad siyang napangiti at saka tinanong, "Si Aries?" "Umalis po, kasama ni Ma'am Keya." walang emosyong sambit nito. Napanguso na lang si Aesthen at saka napilitang tumango. Of course! Magde-date ang dalawa! Mas inengage lang ng thought na iyon ang sarili niya para mas ma-engganiyo pa siyang mag-bar. Sisiguraduhin niyang sasaya siya ngayong gabi at makakalimutan na niya si Aries. "May kailangan po ba kayo?" tanong agad ni Zaldi nang hindi na magsalita si Aesthen at parang may malalim nang iniisip. "I need a clubbing outfit." sambit agad niya na parang dapat ay alam na ni Zaldi ang ibig niyang sabihin. Agad napatango ang lalaki sa kaniya na parang inaasahan na rin nito ang sagot ni Aesthen. "Of course, you need one, Miss." sambit niya na parang kumbinsido na talaga, "Ihahatid ko rin po ba kayo doon?" pag-ooffer pa nito. Agad na tumango si Aesthen sa excitement na nararamdaman. Let her night be wild for once!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD