"TRY if it fits, Miss." ani Zaldi sabay abot ng dalawang paper bag kay Aesthen sa labas ng kwarto nito. Ngumiti lang ang dalaga at tipid na tumango bilang pasasalamat bago pumasok na kaagad sa kwarto niya para makapag-ayos na ng kaniyang sarili.
She's not used to giving her gratitude through words. Para sa kaniya, sapat na ang ngumiti lang bilang pasalamat. Aesthen really isn’t the expressive kind, siguro ay dahil nasanay siya dahil tahimik ang kaniyang pamilya. Her father left them when she was young, wala pa si Nix noon. But that thought doesn’t make her angry with her father, siguro ay dahil na rin iyon sa katotohanang, hindi naman nito nasaksihan ang paglaki niya, he's barely even there, kaya na rin sigurp hindi naramdaman ni Aesthen ang emptiness noong mawala ito.
Nagmadali na niyang tinignan ang nilalaman ng paperbag at saka napangiti sa nakitang kulay hot pink na mini dress na nilalaman nito. Magaling si Zaldi, at talagang paburito pa niyang kulay ang napili nito.
Ipinatong niya ang damit sa kama nang may sobrang pag-ingat na parang may hawak siyang sanggol. Matapos iyon ay agad siyang pumasok sa bathroom at nagtake na ng shower bago paspasang lumabas at agad isinuot ang damit.
Fit ito sa kaniya.
Napangiti na lang ang dalaga sa tuwa.
A heart-shaped ang tube nito at may transparent na manipis na straps. Sa sobrang mini nito—na totoo nga namang maigsi talaga—ay parang kapag may nalaglag lang siyang gamit at inabot niya ito sa floor, malamang ay kita na ng ibang titingin ang kaluluwa niya. Pero hindi na niya iyon pinansin. Basta naku-cute-an siya sa suot na dress at saka isinuot na iyon. Tapos naalala niya ang isa pang paper bag na bigay din ni Zaldi, kaya inabot agad niya ito at saka sinilip.
May kahon sa loob. Namilog sa tuwa ang mga mata niya. Alam na kaagad ng dalaga na sapatos iyon. Mentally na nagpasalamat na lang siya kay Zaldi at saka buong tuwang binuksan ang kahon
Six inch stiletto na kulay dark red naman. Kung tititigan ito ay para talagang gawa sa dugo. Kumikinang ito na mapapaisip talaga ang kung sino, kung iyon ba ang glass shoes na dati nang pagmamay-ari ni Cinderella. Na baka minurder siya ng dalawang step-sisters niya dahil sa inggit kaya’t kulay dugo na ito ngayon. Natawa naman siya sa kolokohang naisip at saka na isinuot ang sapatos ng tuluyan.
Agad niyang itinali nang papusod ang buhok niya at naglagay na ng light make-up. Kinuha niya ang pouch niya at saka na lumabas ng kwarto. Doon niya nalamang nakasandal pa pala si Zaldi sa pader na kaharap ng kwarto niya at mataimtim na naghihintay.
"Okay ka na?" tanong nito sa kaniya, na animo'y kanina pa naiinip. Ni hindi man lamang nito pinuna ang hitsura ni Aesthen, na agad namang nagpasimangot sa dalaga. Ngunit napaiwas din ito ng tingin nang dahil sa kahihiyan. Pinaghintay niya ang mama, malabong kukumplementuhan siya nito.
"A-ah, sige po." iyon na lang ang nasabi ni Aesthen sa matanda.
Kung pag-aaralan niya ang hitsura nito, masasabi niyang nasa mid 40's na si Zaldi at may iilan na rin sigurong anak. May hitsura naman ito kahit papaano at masasabi rin niyang may asawa ito. Pero hindi nawawala dito ang nakakunot na noo.
Simula nang makita niya ito ay palaging nakakunot na ang mukha nito, parang palaging pinagsasakluban ng langit at lupa. Napaisip tuloy siya kung ganito rin ang ekspresisyon nito kapag kaharap na si Aries o ang sariling pamilya nito.
Pagkalabas nila ng elevator ay nasa likod na niya lang si Zaldi. Hindi ito sumasabay ng paglalakad sa kaniya kaya hinayaan niya na lang. Naglakad na lang siya ng kaniya.
"Ms. Aesthen? Excuse me po, hindi pa rin kayo pinapayagang lumabas ni Mr. Caballero," biglang pagpigil na naman sa kaniya ng receptionist.
Napaismid na lang si Aesthen nang maalalang hindi nga pala siya pinapayagang lumabas ng hinayupak. Nanggigil na lang siya na napabukas ng pouch para kunin ang cellphone at saka i-text si Jessica na mukhang hindi siya makakatuloy nang dahil dito.
"I am her bodyguard for tonight. Mr. Caballero allowed her to go out." narinig niyang biglang singit naman ni Zaldi sa kanila.
Agad naman na napatango ang receptionist na parang kilalang-kilala kung sino si Zaldi.
"Ah, of course, sir! Sige po." masiglang sambit nito na parang napahiya pa.
Nagmadali na lang na naglakad na palabas si Aesthen nang marinig iyon at talagang hindi pinansin ang receptionist.
Maraming napapako ang tingin kay Aesthen nang dumaan siya sa lobby at palabas. Mukhang walang nakakilala sa kaniya dahil sa unsual na suot at sa make-up na nakalagay sa mukha niya.
Para sa kaniya ay mas maganda na iyon kaysa naman ang mga iyon pa ang gumawa ng commotion para mapigilan na naman siya sa pakikipagkita sa kaibigan.
"Sa Dare Devil's din po ba tayo?" tanong kaagad ni Zaldi matapos makaupo nito sa driver's seat.
Agad namang napakunot ng noo si Aesthen at agad umiling.
"Ah, hindi po, sa Pyro lang." agad na sagot naman niya sabay tipid na ngumiti.
Mas kumunot naman ang nakakunot na talagang noo ni Zaldi na parang gustong umapila, pero iniwasan na lang nitong magkumento at saka na nagsimulang mag-drive.
"AESTHEN, MISSY!" natutuwang sigaw ng kaibigan ni Aesthen na si Jessica, bago nanakbo papunta sa dalaga na kakalabas lang sa isa pang kotse ni Aries. "I've missed you so much!" Agad nitong niyakap si Aesthen na hindi pa nai-adjust ng maayos ang tingin sa kaibigan.
Nakasuot ito ng fitted sleeveless na dress. Kulay fuchsia ito at maraming kinang na parang siya ang buhay ng kasiyahan.
Hindi pa nga talaga ito nagbabago. Ito at ito pa rin ang Jessica na nakilala niya. Napayakap na lang pabalik si Aesthen sa kaibigan na agad namang hinila ang tainga niya at saka binulungan, "Ba't antanda ng boylet mo?"
Agad naman niyang binatukan ang kaibigan dahil sa offensive na kumento nito.
"Gaga!" natatawang bulong niya pabalik at saka napailing nang paulit-ulit na parang siya mismo ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.
"Ms. Aesthen, do you need anything else?" pagsingit naman ni Zaldi sa kanila. Agad naman na napailing si Aesthen sa matanda at saka ngumiti na naman ng pagkalaki-laki bilang pasalamat sa matanda. Tumango lang ito bago nagsimula nang bumalik sa kotse upang makaalis na.
"So, ano yun, bodyguard mo?" natatawang kumento ng kaibigan bago siya tinapik ng maloko sa balikat. “Ang taray naman pala!”
"Sort of?" nagkikibit-balikat na sagot naman ni Aesthen.
"Is it because of the issue?" biglang seryoso na agad na tanong ni Jessica sa kaniya. Napaiwas na lang ng tingin ang dalaga. Hindi niya alam na nakaabot na rin pala sa kaibigan ang balitang iyon. Napapaisip tuloy ito kung paano nalaman ng kaibigan “Nix told me, you know.”
"Hindi. Assistant siya ng employer ko now." sagot niya bago ngumiti ng pagkalaki-laki. Tila ba nalubagan ng loob si Aesthen nang malamang sa kapatid niya lang nalaman ng kaibigan. Mas maganda na iyon , kaysa sa TV pa nito makita ang false news. "You know what? We need to have some fun! Forget about that issue. I'm fine!"
Napakibit-balikat na lang ang bestfriend niya bago ngumiti ng tipid, "Ikukwento mo sa akin iyan, not now, but bago ako bumalik sa Paris." sambit nito at saka muli na namang niyakap si Aesthen.
"Omg! Before I forgot." biglang natatawang sambit ni Jessica bago kumalas sa kaibigan, "Sinara daw nila ang Pyro kagabi. Sayang, favorite bar ko pa naman yan dito sa lugar natin. So, we need to retreat." nakangusong pamamalita nito.
Napanguso na rin si Aesthen dahil sa pagkadismaya. Gusto niyang magsaya ngayong gabi pero sinara pala ang bar na dapat ay pupuntahan nila ng kaibigan.
"Other bars, ayaw mo?" pagsa-suggest naman ni Aesthen sa kaibigan.
Napanguso na naman ito at nagkibit-balikat, "I don't know any. Ikaw ba?"
Agad napaisip si Aesthen ng mga club na pwede nilang puntahan.
So, bawal na sa listahan ang Piedras dahil may masamang reputasyon siya doon. Sinara naman ang Pyro...
Sa Dare Devil's din po ba tayo?
Bigla nagpaulit-ulit sa isip niya ang kaninang tinanong ni Zaldi.
Dare Devil's.
Hindi niya alam ang club na ito pero no choice na sila. Agad siyang tumango sa kaibigan at saka napangiti.
"Yup, I have one in mind. Dare Devil's." sagot niya sa kaibigan at saka napangiting muli.
Nanliit ang mga mata ng kaibigan na parang hindi makapaniwala sa lumalabas sa bibig ni Aesthen.
"My God, Aesthen! You've been going to clubs and hanging out, huh!" nagkukunwaring hindi makapaniwalang sambit ng kaibigan. “Dati Pyro lang tayo, ikaw nako!”
Napatawa na lang si Aesthen sa narinig at sa pekeng reaksyong ipinakita nito.
"Sira," natatawang sambit na lang niya bago siya hinila na nito papuntang parking lot kung saan nakapark ang sarili nitong kotse.
***
Nanlulumo ang mga tuhod ni Aesthen nang makita ang isang lalaki na kilalang-kilala niya ang nakikipag kwentuhan sa isang babae na bale kung makadikit dito.
Agad siyang napaiwas ng tingin at pilit inisip na ilusyon lang ang lahat.
Bakit nandito siya?
Sa dinami-rami ng mga clubs, bakit dito pa sa Dare Devil's?
"Hey, missy, you okay?" biglang tanong naman ng kaibigan niya sa kaniya.
Agad siyang tumango at agad nang hinila ang kaibigan papunta sa kabilang dako ng bar. Para sure na hindi sila magkasalisihan ni Aries.
Pagkaupo pa lang na pagkaupo niya ay agad na siyang in-offer-an ng alcohol drink ng waiter na naglilibot.
Napatingin siya sa inabot nitong drink bago nag-angat ng kilay sa waiter dahil wala pa naman silang inoorder. Impossible rin na may free drinks dito.
Agad namang tinuro ng waiter ang isang lalaki na nakaupo sa bar stool sa hindi kalayuang kiosk.
Nakatingin ito sa kaniya at parang hinihintay na tanggapin niya ang inumin na bigay ng waiter. Ngingiti na dapat si Aesthen sa lalaki para magpasalamat pero agad na kinuha ni Jessica ang baso at ibinalik ito sa waiter.
"No, thanks.” mataray na sambit nito kaya hindi na namilit pa ang waiter at agad nang umalis.
"i***t. Huwag kang tatanggap ng drinks sa hindi mo kilala. Akala ko ba nagka-club ka?" singhal sa kaniya ng kaibigan, "Nako, Aesthen, kapag napahamak ka ha!"
Natawa na lang siya sa naging reaksyon ng kaibigan at saka napalingon muli sa lalaki.
Nanatili naman ang tingin nito sa kaniya na nasa malapit na kiosk pa rin. Bawat tungga nito ng isang basong alak ay nakatitig ito kay Aesthen, kaya agad na napaiwas siya ng tingin at saka hinanap na lang ng mga mata ang lalaking gusto niyang makita.
Damn it.
Nagulat siya ng makita si Aries na nakikipaghalikan na sa babaing katabi lang nito kanina. Wala si Keya sa paligid, dahilan kaya mas bumaliktad ang sikmura nito sa nakikitang live-action.
Damned playboy!
Nairita siya bigla nang dahil sa nasaksihan.
Naiinis siya. Nagpupuyos sa galit. Nanggagalaiti. Gusto niyang manakbo papunta doon at sampalin ang malanding babae. Gusto niya ring patikimin ng leksyon si Aries. Nakakairita.
Kung umasta ito ay parang wala lang itong pakialam sa girlfriend niya at nakukuha pang gumawa ng ganitong scene sa bar. Sa inis niya ay napatayo na lang siya at nagmartsa papunta sa dagat ng tao na nagsasayawan sa dance floor. Gusto niyang makalimutan ang lintek na scene na nasaksihan niya. Gusto niyang kalimutan ito, pati na rin si Aries.
"Hey! Aesthen!" suway sa kaniya ng kaibigan pero hindi na niya ito pinansin.
Basta nanggigigil siya at gusto niyang mawala ang galit niya. Naiinis siya sa lalaking nagpaparamdam sa kaniya ng ganitong pagkamuhi. Bakit ba ganoon si Aries Caballero?
"Hi, lovely," biglang bulong sa kaniya ng kung sino habang bigay-todo siyang sumasayaw sa dance floor. Nakikisabay sa ritmo ng tugtog na ipineplay ng DJ.
"Hey," tipid lang na sambit ni Aesthen bilang sagot sa lalaki. Agad itong dumikit sa likod niya nang makarinig ng response galing kay Aesthen. Natawa na lang ang dalaga nang akala niya ay ginigitgit siya nito.
Inilagay nito ang magkabilang kamay sa baywang ni Aesthen at ginuide siya sa pagsasayaw. Natawa na lang si Aesthen sa ginagawa ng lalaki, dahilan para akalain ng lalaki na interesado siya. Napangisi ito saka bumulong.
"Want a drink?" tanong nito sa dalaga. Walang nagawa si Aesthen kundi ang ngumiti at saka ang tumango. It's her purpose for going here, right? Ang makalimot. So, bakit hindi niya i-entertain ang lalaking mukhang interesado sa kaniya? Diba?cThat makes sense.
Agad siya nitong i-ginuide paupo sa isa sa mga bar stools sa kiosk at agad na sinenyasan ng dalawang daliri ang bartender. Para naman iyong secret passcode na nakuha agad ng bartender at tipid na tumango.
"So, you are?" tanong ng lalaki sa kaniya sabay ngiti. Nginitian din siya pabalik ni Aesthen at sinabing, "Kade,"
Gusto niyang kahit ngayong gabi lang ay i-refer siya ng kahit sinong tao dito sa ikalawa niyang pangalan. For once, makalimutan naman niya ang pangalan niya na nasira na. Na may bahid na ng masamang reputasyon.
"Here, Kade." sambit ng lalaki bago iniabot kay Aesthen ang isang baso ng alak.
Agad iyong nilagok ni Aesthen na agad namang gumuhit rin sa lalamunan niya, pero pinilit pa rin niyang ubusin.
"Feel good?" agad namang tanong ng lalaki. Napangiwi naman si Aesthen sabay iling.
"Feels hot," sambit niya bago pinunasan ang noo na animo'y tumatagaktak na ang pawis bago siya ngumiti sa lalaki, "Damn hot, it makes me want to dance more." dagdag pa nito bago kinindatan ang lalaki.
Napangisi na lang ang lalaki bago siya binigyan pa muli ng isang baso, na agad rin naman niyang tinanggap at saka agarang nilunok.
"Good," nangingisi pa ring sambit ng lalaki bago tumayong muli at ginuide na siya papuntang dance floor upang magsayaw ulit.
"Damn," bulong ng lalaki bago hinila si Aesthen papalapit sa kaniya nang makatungtong na sila doon.
Hinayaan lang siya ni Aesthen, pero napasinghap na ang dalaga nang bigla nitong idiin ang erection nito sa likod ni Aesthen, na walang laban sa length ng kay Aries.
Wala itong epekto kay Aesthen, para lang siyang nakaramdamn ng mainit na bato na nakadikit sa likod ng binti niya pero nanigas siya sa kinatatayuan nang maalala ang mga nangyari sa kanila ni Aries.
Damn it.
Hindi niya maiwasang mapamura bago hinawi ang cloud of thoughts niya na puro si Aries ang laman.
Sawa na siya. Ayaw na niya. Basta magpapakasaya siya ngayong gabi. Makalimutan lang ng sistema niya si Aries.
"Your place or mine?" bulong sa kaniya ng lalaki na bigla ay humahalik na sa leeg niya.
Napakagat na lang siya sa labi para pigilan ang pagtawa dahil sa kawalan nito ng koneksyon sa katawan niya. Walang epekto.
Para siyang may katabing unan. Walang kabuhay-buhay kahit pa sabihing ito ang isa sa nagbibigay init sa kaniya. Iba rin ang halik nito kumpara sa nakamamatay na mga halik ni Aries. Para lang itong batang humahalik sa ina. Malamya. Pambatang halik. Wala pa sa kalingkingan ng paraan ni Aries.
Hindi niya mapigilang hindi matawa. Damn. Ito pa ba talaga ang oras para magkumpara siya ng mga halik?
Natawa na lang siya sa mga iniisip.
"Awatin mo ko, kundi makakapatay ako ng tao ngayon."
Nanigas siya sa kinatatayuan at agad napalunok. Kilala niya ang boses na iyon na dumaan sa likod niya at bumulong.
Biglang bumaliktad ang sikmura niya at saka nanlamig ang buo niyang katawan.
Impossible, right? Nakita na ba siya agad nito? Pero paano?
"Hey, I'm asking you, babe." bulong na naman ng lalaki na kanina pa siya hinahalikan sa leeg.
Nanatili lang siyang nakaestatwa. Hindi niya alam ang gagawin.
"Hey ba—"
"You got a nano second to disappear right in front of me," maawtoridad na sabi ni Aries na bigla na lamang lumitaw sa kung saan. Agad itong nagpatigil sa lalaki na humahalik sa leeg ni Aesthen.
Nagulantang na lang si Aesthen sa pagkakarining ng boses nito dahil nasa likod na nila ito agad. Agad nanlamig ang lalaki at saka nag-angat ng tingin. Mukhang kilala rin nito si Aries.
"M-mr. Cab. ." nanlalaki ang mga mata nito na biglang kumalas kay Aesthen at saka naglaho na lang na parang bula. Galit na napatingin na lang si Aesthen sa lalaking hinayupak na nagpaalis sa lalaki niya.
"Bwisit ka," nanggagalaiting sambit niya sa lalaki bago padabog na umalis sa dance floor. Pero hindi nagpatalo si Aries at agad na hinila ang babae palapit muli sa kaniya. Ginaya niya ang posisyon ng lalaki kanina nang naka-backhug pa ito kay Aesthen.
"Is this what you want?" nanggigigil na bulong sa kaniya ni Aries, bago nito iti-nhrust din ang sarili sa likod ng babae. Agad nangatog ang katawan ni Aesthen. Doon lang niya napagtanto na talaga ngang iba ang epekto kapag si Aries na.
"Bitawan mo ko," nanginginig na sa galit at kaba na sambit ni Aesthen. Nagpipigil ito ng lahat-lahat ng mga emosyon na nararamdaman niya ngayon dahil sa lalaking ito.
"You don't want me, but you just made a f*****g dirty scene with that f*****g scumbag." puno ng galit na sambit ni Aries sa tainga ng dalaga bago niya ito kinagat. Agad itong nagpabuhay sa lanta nang sistema ng dalaga ngunit hindi ito nagpahalata. Sininghalan lang niya ang lalaki.
"Let go, Aries." seryoso na talagang sambit ni Aesthen. Pilit niyang pinipigilan ang urge na hilahin ang lalaki at saka halikan.
Damn.
Only Aries can make her feel this shitty feeling.
"Aries, let—”
Halos sumabog ang dibdib niya nang dumikit ang mga labi nito sa bare na batok niya. Napakuyom na lang siya ng dalawang kamao para pigilan ang sarili sa naiisipang gawin.
One more move, Aries.
Sisiguraduhin kong magsisisi ka.
Pero halos mawala na siya sa katinuan nang mas hilahin siya nito papalapit habang paulit-ulit na hinahalikan siya sa batok at pataas sa leeg.
"You," bulong ni Aries sa bawat halik, "Look," sambit pa niya bago marating ang tainga ng dalaga, "So f*****g hot, tonight."
Nag-init ang dalaga sa sinabi ni Aries at agad na napapikit ito.
Crap.
Blame alcohol!
Mas humigpit ang kapit ni Aries sa kaniya nang maabot nito ang labi niya. Hindi na nakapagpigil pa si Aesthen at agad nang humarap sa lalaki at saka hinila pababa sa kaniya ang collar ng damit na suot nito para maging magkapantay sila.
"I want you so badly, Aries. Please."
Agad hinawakan ni Aries ang kamay ni Aesthen at saka ito hinila paalis sa dagat ng mga taong iyon. Nagmamadali ang lakad ng lalaki na parang kapag tumigil pa ito ay hindi na niya alam pa kung ano ang mangyayari sa kanila, kaya tuloy-tuloy lamang siya. Kinakapa na nga ni Aries ang susi ng kotse niya sa bulsa ng pantalon habang nananakbo sila palabas ng bar nang dahil sa sobra nitong pagmamadali.
"f**k, where's my damned car?" iritadong sambit ng lalaki na medyo nakainom na nga rin. Pero hindi pa gano'n kalakas ang tama.
Napasabunot na lamang ito sa buhok bago tinignan si Aesthen na matamang nakatitig lang rin sa kaniya. Hindi rin ito makapaniwala sa mga nangyayari at tila nangangapa at nanghuhula sa posibleng mangyari.
Nanginginig na ang kamay ni Aries nang sa wakas ay maabot na niya sa bulsa ang susi, kaya naman dali-dali niyang pinindot ang button ng maliit na device na naka-attach dito.
Agad namang umaliwangwang ang tunog ng kotse ng lalaki na nasa malayong parte pa pala ng parking lot.
Napasabunot na lamang sa inis at pagkasabik si Aries.
"f**k it," sambit nito bago hinila si Aesthen papalapit sa kaniya. "I can no longer wait, woman." dagdag pa nito bago walang awang sinugod ang mga inosenteng labi ni Aesthen. “I’m going to f**k you right here.”
"Hey! Missy, wake up!" nakangusong sambit ni Jessica habang paulit-ulit na niyuyugyog ang balikat ng kaibigan.