"HEY! Missy, wake up!" nakangusong sambit ni Jessica habang paulit-ulit na niyuyugyog ang balikat ng kaibigan.
"Aesthen Kade! Hey, we're still in the bar. Wake up!" Malakas na bulong pa ulit nito sa tainga ng kaibigan.
Noon lang nagising si Aesthen dahil sa amoy ng alak na nanunuot sa hininga ni Jessica, na agad bumungad sa kaniyang mukha, at sa unti-unti niyang pagrecognize sa maingay na tugtog ng club kung nasaan sila.
Shit.
Kailan pa siya nawalan ng malay?
Napapunas na lang siya ng mga mata at saka iginala ang buong paningin sa paligid. She felt a little woozy, hindi niya alam kung nakailang shots ba siya.
Damn.
But turning her head around the place, it was different from the bar in her dream.
Napakagat na lang sa kaniyang labi ang dalaga dahil sa pagkadismaya. Pero biglang pumasok si Aries sa isip niya at agad bumaliktad ang tiyan niya.
Damn.
Agad namula ang mukha niya nang isiping panaginip lang pala lahat iyon; Simula doon sa pagpasok nila sa bar at nakita niya si Aries, sa pagbibigay sa kaniya ng libreng drinks nong lalaki, hanggang sa pangmamanyak nito sa kaniya.
Sa biglaang pagsulpot ni Aries at. . .
It was just a dream.
Napasampal na lang siya sa kabilang pisngi bago napatungo ang tingin sa kabilang dako ng bar kung saan inaasahan niyang makikita ang lalaki, ngunit wala siyang nakita. Walang Aries Caballero doon.
Naikuyom na lamang niya ang dalawang kamao bago binigyang pansin ang kaibigan na may kasama na palang lalaki.
"Jessica?" mahinang tapik niya dito.
"Oh, yes, right! Audison, babe. This is my bestfriend, Aesthen." kinikilig na sambit ni Jessica sa lalaking katabi bago ipinulupot ang mga braso nito sa braso din ng lalaki. Tipid na ngumiti lang si Audison sa kaniya bago ito may ibinulong kay Jessica na nagpamula naman sa pisngi nito.
"Aesthen, missy, alis lang kami sandali." kindat nito sa kaibigan bago sila tumayo nong lalaki at saka umalis na. Natawa na lang si Aesthen. Hindi pa nga rin nagbabago ang babaing iyon. Pakiramdam niya ay gagawa ang dalawang ito ng milagro sa kung saan man sila pupunta ng lalaking iyon.
"A drink for this hot lady," narinig niyang sambit ng hindi kilalang lalaki bago ito bigla na lang tumabi sa kaniya. Tipid na ngumiti lang si Aesthen at saka tumingin sa ibang direksyon.
Damn.
Iba pala talaga kapag realidad na. Parang ang awkward na. No wonder, ang landi niya sa panaginip niya.
"Sebastian, let's go to the dance floor!” pamimilit ni Keya sa pinsan at may pahila-hila pa sa braso nito patayo.
Natawa na lang ang mga kaibigan niya na nasa booth din kung saan sila nakaupo. Kan'ya-kan'ya ito ng mga lalaking dala.
"Huwag mo nang pilitin ang pinsan mo, Keya honey." sambit naman ng medyo lasing nang kaibigan niya na si Deina. Ine-emphasize pa nito ang word na pinsan na nagpapikon pa lalo sa babae.
"Stupid." inis na sambit na lamang ni Keya at saka sinuntok ang braso ni Aries. Para namang walang naramdaman ang lalaki at inabot pa ang bote ng alak na iniinom nito para i-isang lagok.
"Aries Sebastian!" nagpupuyos na sa galit na sambit ng lasing na pinsan at saka kinuha ang braso nito at piniga. Doon nakaramdam ng searing pain si Aries. Pero hindi dahil sa pagpiga ni Keya sa braso niya. Kundi parang may galos yata siya doon. Napakunot ang noo niya at saka chineck ang braso na biglang sumakit.
"Sebastian!" pagtawag pa ulit ng pinsan sa kaniya pero hindi siya sumagot. Nakapokus ang tingin niya sa mahabang sugat na namumula sa likod na parte ng braso niya.
Napakunot siya ng noo. Hindi niya matandaan kung saan niya nakuha ang galos na iyon. Kailan pa ba siya naging careless, para hindi makalkula ang galaw niya, dahilan para magkaroon siya nito?
The wound was not his doing—hindi niya rin alam kung kailan o saan niya iyon natamo.
"Damn you, Sebastian!" naiirita nang napasigaw si Keya at saka sinampal ang lalaki bago nagwalk out. Kinunotan niya lang ng noo ang dalaga, at mas lalong napakunot pa ang noo niya ng magtawanan ang mga babaing kasama nila.
"So, Mr. Caballero, huh?" malanding sabi ng isa sa mga kaibigan ni Keya na si Jerlina, bago ito lumapit sa kaniya at saka tumabi.
"Balita ko, wala daw babae ang umuubra sa'yo?" tanong pa nito at saka napakapit sa braso ni Aries.
Nag-angat lang ng kilay si Aries para ipaalam na hindi siya interesado sa babaing iyon, na talagang pino-flaunt pa ang cleavage nito sa harap niya. At isa pa, ay dapat itong gumalang sa kaniya dahil bujod sa respetado siyang figure ng lipunan, ay mas matanda pa rin siya sa mga iyon ng limang taon.
At isa pa, malayong-malayo ang babae kay Aesthen para pagkainteresan niya.
Damn it. Out of the blue ay pumasok na naman si Aesthen sa isip niya.
Naikuyom na lang ng lalaki ang kaniyang kamao bago kinalas ang pagkakahawak ng babae sa braso niya at saka siya tumayo, "Igalang mo ‘ko." seryosong sambit ni Aries sa babae, bago nagmadaling umalis at tumungo sa pinaka malapit na kiosk.
Hindi na niya tinignan pa ang naging reaksyon ng babae. That is one thing about Aries, kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakakarelasyon. Hindi siya basta-basta pumapatol. Hindi kailanman naging interesado sa kahit kanino. Pero may iba talaga kay Aesthen na pinipilit siyang lapitan ito at sundin ang sinasabi ng katawan niya. Something about Aesthen, na nagpapabuhay sa malungkot na sistema niya. It’s all wrong.
Nagtaas lang ng pointing finger niya si Aries sa bar tender, at alam na agad nito ang ibig niyang sabihin. Madalas din kasi siya dito kaya kilala na siya nito at maging ang estado niya sa buhay.
Agad niyang tinungga ang isang baso ng alak na inorder niya bago humingi pa ulit ng isa. Kailangan niyang maalis sa sistema niya si Aesthen bago pa man sila makauwi ni Keya. Hindi na niya alam ang gagawin kapag nakita pa niya ito at manumbalik na naman ang gano'ng epekto nito sa kaniya.
Ngunit hindi naman niya kayang mangalimot gamit ang babae, dahil hindi niya maiiwasang ikumpara ang mga babaing iyon kay Aesthen. Mas mapu-frustrate lang siya lalo, at mas hahanap-hanapin lang niya ang presensiya ng babae.
"Let's dance, honey," narinig niyang sambit ng lalaki sa kung sino man sa 'di kalayuan. Agad niyang naalala si Keya at saka napangiwi.
Damn that child. Gusto lahat ng ipagawa niya ay susundin. Walang siyang pinagkaiba sa halimaw niyang ate! Ang mga Bernardino talaga kahit kailan, malulupit na babae at magagaling magpaikot ng lalaki.
"A-actually, how about I finish my drink first?"
Sa una ay nakalampas pa sa pandinig ni Aries ang boses na iyon, pero nong dumaan na sa utak niya ay biglang nagwala na naman ang sistema niya.
Aesthen?
She can't be here, can she?
Damn hallucination.
Napahilamos na lang siya ng mukha at agad humingi ng double sa bar tender. She's not here. And he's not going to start it now. Hindi ka magwawala, Aries, nang dahil sa nararamdaman mo. Mind over matter. Dire-diretso niyang nilunok ang double. Agad itong gumuhit sa lalamunan niya na agad nagpasakit sa ulo niya.
Nakalimutan na ba niya ang dalaga?
Bakit parang hindi pa?
Nagpapakalimot nga ba talaga ang alak?
O, papainitin lang nito ang katawan niya?
Napahawak na lang ulit siya sa braso na may sugat upang magreflect na lang tungkol doon at makalimutan na si Aesthen. Paano nga ba niya nakuha ang sugat na iyon? Napasabunot na lang siya sa buhok bago inikot ang bar stool para makita ang buong bar.
Nag-isip siya kung paano nga ba niya nakuha ang galos. Anything na magpapaalala sa kaniya kung paano niya iyon nakuha, pero wala talaga siyang ideya.Napapikit na lang siya at taimtim na nag-isip.
That was actually last night, right?
What happened last night?
I went for a drink.
Did I come home drunk?
And if I did, what the f**k happened?
Unti-unti, na para bang may humihila na kung ano man sa mga mata niya palingon sa kaniya sa dance floor, at nakuha ng babaing intimate na nakikipagsayaw sa isang lalaki ang atensyon niya.
What is she doing here? Ang with that f*****g outfit? Naikuyom ni Aries ang kamao pero hindi siya napatayo. Nanatili siyang nakapako sa inuupuan. Nagpipigil. Nakatititg sa babaing dahilan ng lahat ng letcheng nararamdaman niya.
Napasapak na lang siya sa counter ng bar tender nang dahil sa nasaksihang pagpulupot ni Aesthen ng dalawang braso sa leeg ng kasayaw. Gulat na napatingin sa kaniya ang bar tender ngunit takot itong magbigay ng kumento.
“Bill it to me.” flat na sambit lang ni Aries sa bartender. Agad siyang tumalikod at saka bar tender humarap, at pilit na hindi pinansin ang nakita. Tipid na tumango naman ang bar tender sa sinabi ni Aries.
Humingi pa ulit siya ng double si Aries, bago pinagtuunan muli ng pansin ang sugat.
So, what happened last night, Aries? He asked himself, trying to shift his thoughts from to topic.
Inabot kaagad ng bar tender sa kaniya ang double at agad niya itong inisanlagok, kasabay ng unti-unting pagdating ng mga memorya niya kagabi.
"f*****g s**t," napabulalas na lang ang lalaki nang magpop sa isipan niya ang alaalang pagpaparte niya sa dalawang hita ni Aesthen.
Nagmamakawa ang mga mata nito. Ibang pagmamakaawa. Na parang gusto nito na may mangyari na sa kanila.
Hindi na niya maalala pa ang kasunod noon pero malakas ang instinct niya na may nangyari sa kanilang dalawa kagabi.
Fuck it.
Wala siyang stock ng condoms sa nightstand dahil hindi naman siya gumagamit nito, kaya't may possibility na hindi sila gumamit noong may nangyari sa kanila kagabi.
Naikuyom niya ang kamao sa nag-aapoy na galit.
Damn it.
May nangyari sa kanila pero wala man lang itong sinabi sa kaniya!
Mabibigat ang mga paa ni Aries na tumayo at nagmartsa papunta sa kinatatayuan ng babae na ngayon ay sinasayawan na ang lalaki. Agad naman hinila ng lalaki si Aesthen at agad hinalikan sa leeg dahilan para hindi na makapagpapigil pa si Aries. He can no longer stand this.
"Get the f**k out of here, or die." nanggigigil na sabi niya sa lalaki bago hinila si Aesthen papunta sa kaniya.
Ramdam ng lalaki ang danak ng dugo sa bawat salita nito na hindi na niya nakuha pang lumingon kay Aesthen at saka nanakbo na paalis.
"A-aries," hindi makapaniwala namang sambit ni Aesthen na nanlalaki pa ang mga mata nang makita ang lalaking nasa harap na niya talaga.
"Yes, Aesthen, you want to f*****g tell me something?" nagpupuyos sa galit na sambit nito. Ni hindi na nito namalayang nasabi na niya ang first name ng dalaga.
"Anong sasabihin ko sayo?" naguguluhang sagot ni Aesthen, hindi niya alintana ang galit ng lalaki.
"We did it, didn't we?" nag-aapoy ang mga matang sambit ni Aries sa dalaga.
Agad nanigas ang katawan ni Aesthen. Napanaginipan din kaya ni Aries ang napaginipan niya kanina? Agad napailing si Aesthen at nagkibit balikat. "Basta sabi mo, 'I can no longer wait, woman. I'm gonna f**k you right here.' Panagi--"
Nagtaasan ang balahibo ni Aesthen nang bigla siyang hilahin nito palapit at agad na ikinulong sa mga bisig nito.
"I didn't use anything, did I?" tanong pa nito sa tainga niya bago siya kinagat doon. Nakaramdam na naman si Aesthen ng kakaiba na namang sensasyon at walang ano-anong ipinulupot na ang dalawang braso sa leeg ni Aries. Hindi na niya kaya pang pigilan ang nararamdaman.
Aries is here.
He's damn here. Ano pa bang hahanapin niya?
"Hindi ko alam," tipid na bulong niya bago sinimulan na ring halikan ang collar bone ng lalaki.
Bawat init ng halik nito ay nagreresulta sa mas lalo pang pagiging aroused ni Aries. Hindi na siya makapagpigil pa at gusto nang gumawa ng round two.
Yung sober siya.
Yung alam niya ang ginagawa niya kasama ang babaing ito.
"Your outfit looks good on you." bulong pa ni Aries sa babae bago dumapo ang mga halik nito sa bare na balikat ni Aesthen,
"But, you look better without it. I'm sorry, I'm going to rip that off you. . .later.”
Napangisi na lamang si Aesthen sa sinabi ng lalaki bago nito hinila ang mukha at saka na hinalikan ng buong pagka-intimate. Hindi na nakapagpigil pa si Aries at agad na kinuha ang dalawang hita nito at saka ipinulupot sa bagkabilang hips niya.
"You think you're going to be pregnant?"
Agad napatigil sa paghalik si Aesthen sa kaniya at gayon din ang lalaki dito.
Kumunot ang noo ni Aesthen at saka sinabing, "Huh? Panaginip lang yon, b—"
"Damn it," napasampal na lang sa mukha si Aries at saka natawa. Kinunotan lang siya ng mukha ni Aesthen na matamang nakatitig sa kaniya.
"Damn it, woman. I'm talking about last night."
Agad nag-init ang mukha ni Aesthen nang maalala iyon at agad na napailing sa lalaki. Napaiwas siya ng tingin para dalhin ang pokus sa kaibigan niya. Nasaan kaya iyon?
"Walang nangyari, Aries." sambit nito habang nakapokus sa ibang direksyon ang atensyon, pero hindi niya pinahalata ang pagkadismayado niya, "Ibaba mo na ko,"
Hindi naman nagpaawat ang lalaki at mas kinapitan ang dalawang hita nito na nakapulupot sa kaniya, "Really? You were wet, you're begging me. And nothing happened?"
Agad na naisubsob na lang ni Aesthen ang mukha niya sa leeg ng lalaki at paulit-ulit na napa-iling dahil sa embarrassment, "Damn it, Aries! Shut up! Wala nga! Tinulugan mo ko!" nahihiyang sigaw nito sa leeg ng lalaki.
Doon na lang napatawa si Aries at saka itinagilid ang mukha para maabot ang tainga ni Aesthen.
Hinalikan niya ito sa tainga bago na siya naglakad nang bitbit pa rin ang dalaga, "Hindi na kita bibitin pa, Aesthen." natatawang sambit nito at saka naglakad na palabas ng bar.
Bali na lang rin ang tuwa ng babae nong marinig niya iyon. Pang-ilang beses na ba ngayong gabi na tinawag siya nito sa pangalan niya?
"Mr. Caballero!" agad napatingin silang dalawa sa humahangos na dalawang babae papunta sa direksyon nila.
Si Deina at Emmy. Dalawa sa kaibigan ni Keya.
"We've been looking for you around, sir. Si Keya po." takot na takot na sambit ng dalawa na parang maiiyak na.
Walang ano-ano ay naibaba ni Aries si Aesthen galing sa mga bisig niya at saka nagmamadaling sinundan ang dalawang kaibigan ni Keya papunta sa kung saan.
Iniwan niya si Aesthen na walang kaide-ideya tungkol sa nangyari.