DAMN, it is Daiah Bernardino!
Ang bagong editor ng Cutesy Magazine. Ang dahilan kung bakit wala ng trabaho si Aesthen ngayon.
Daiah's talking with a man in business suit na nakatalikod naman kay Aesthen kaya hindi niya rin makita kung sino ito.
Agad napatalikod si Aesthen nang bigla mag-angat ng tingin sa kaniyang direksyon si Daiah.
Shit.
She needed to get out of there immediately.
Nakalimutan na ni Aesthen ang balak na pag-inom ng malamig na beverage, kahit na sobrang pawis na pawis na siya. Ang makita lang ang babaing iyon sa lugar na ni minsan ay hindi niya inaasahang makikita niya ito, doon pa lang ay nilalamig na siya. Nasurpresa siya sa presensya ng babaing iyon.
Why does that slut even look so superior to her now?
Damn it.
Naikuyom ni Aesthen ang kaniyang mga kamao.
She's changing, and I am changing as well.
She's getting more powerful, and I'm continuing to go all the way down. I need to lie lower than that, than what's supposed to be under when I fell flat.
And with an issue like what's published on that paper Aries showed me? I can't even barge into that coffee shop and spill some coffee on her head as a surprise-with a cherry on top.
Hindi, kung lalo ko lang ipapahamak ang sarili ko. Hindi pa ngayon ang ganti.
Hinihingal na pumasok si Aesthen sa foyer ng penthouse, at saka init na init na tinanggal ang fitted shirt niya. Pati utak niya ay tila nakikipagkarerahan sa kaniyang puso na simbilis din ang pagtibok.
Damn.
Hindi pa rin siya makapaniwalang muntik na siyang makita ng babaing kinamumuhian niya sa lahat.
Nagring agad ang telepono sa gilid kaya agad niya itong kinuha para sagutin.
"Yes? Aesthen Blanco speaking." sambit niya sa telepono habang tinititigan ang damit niya na nakakalat lang sahig.
"Ah, Ma'am, just to remind you po, nandito na po ang inorder niyo daw na na buckets of paint--"
Agad napahampas si Aesthen sa kaniyang noo nang maalalang may inorder pa nga pala siyang paint at brush.
"Ah! Yes, a moment please" sambit niya bago agad na ibinaba ang call, hindi na niya hinintay pa na makasagot ang babae, at saka kinuha niyang muli ang fitted shirt sa flooring bago nanakbo na palabas sa pinto, sabay sampa sa elevator.
"Ma'am, dapat hindi na kayo bumaba. Dapat pinapanhik ni'yo na lang yung delivery man sa floor niyo." suhestiyon ng receptionist na tumawag sa kaniya kanina nong makita siya nitong naglalakad papunta sa kinauupuan ng delivery man.
Agad napatingin si Aesthen sa receptionist at napahampas ulit sa noo, "Of course. I must be overwelmed." natatawang sambit niya, ngunit hindi naman talaga iyon ang dahilan niya. Masyado lang kasi niyang iniisip ang nangyaring muling pagkakita kay Daiah kaya hindi siya makapag-isip ng maayos.
Sinamahan na agad niya ang delivery man papasok ng elevator at papuntang penthouse ni Aries.
"Ikaw yung writer na muntik nang makapatay diba?"
Biglang bumaliktad ang tiyan ni Aesthen sa sinabi ng delivery man matapos niyang pumirma sa papel na hawak nito.
Damn it.
"Bakit?" kunot-noong sambit ni Aesthen sa lalaki. Agad naman itong umiling at saka nagmadali nang umalis as if nanganganib ang buhay niya.
Napahampas na lang ulit si Aesthen sa noo niya.
Damn people! They're getting on my nerves!
Hindi alam ni Aesthen kung paano nalaman no'ng delivery guy ang patungkol sa balitang dapat ay naibasura na ni Aries Caballero. Iyon ang pangako ng lalaki, pero hindi alam ng dalaga kung paano nakarating muli ang balita sa mga tainga niya.
Sa ikalawang pagkakataon, mas init na init na niyang tinanggal ang shirt niya at puno ng inis na hinagis ito sa kung saang dako man, bago niya binitbit ang dalawang malaking lalagyan ng paint.
Inipit naman niya sa kaliwang kilikili niya ang phone niya at saka kinagat na lang ang paintbrush dahil okupado na ang kaniyang dalawang kamay.
Pagkadating niya sa kwarto niya at pagkalagay niya sa flooring ng mga binitbit niya kanina, ay kinuha niya agad ang phone niya sa kilikili at saka naghanap ng pinaka loud na music at saka ito pinlay.
Itinali din niya ang buhok niya ng pa-bun bago nagsimula na sa likod ng pinto.
Buti na lang ay wala pa ang ibang mga gamit sa kwarto niya bukod sa kama, nightstand, at saka cabinet na tila ay nandoon na talaga. Hindi siya mahihirapan sa pagpipintura nito, dahil wala namang ibang nakasabit sa dingding.
Napangiti si Aesthen nang marinig niya ang tunog ng Barcelona. Isa sa mga track ng album ni Ed Sheeran na Divide.
Napaindak na lang ang dalaga nang dumating na sa chorus nito, sa pamamagitan ng pagsway-sway ng hips niya habang nagpipintura sa wall.
Natatawa siyang nagsu-sway sway ng hips habang papunta sa lalagyanan ng paint at napasigaw pa ng, "Barcelona!" kasabay ng tugtog habang sinisway-sway ulit ang balakang bago niya kinuha ang paint para ilapit sa likod ng pinto.
Napapatawa na lang siya sa kaniyang ginagawa, hindi na niya malaman. Ngayon lamang yata nakangiti at nakatawa ng ganoon si Aesthen, dahil puro stress lamang ang dinudulot sa kaniya nv trabaho niya. Bago rin kasi nagbitiw sa kaniyang puwesto si Ching Soriano noon ay nakailang round sila ng Redesign, dahilan kung bakit napudpod sa trabaho si Aesthen.
May isang employee pala na nagnakaw ng design nila at isinubmit sa kabilang kompanya, matapos mag-AWOL sa kanila.
It was a theory, wala rin naman kasing umamin, kaya walang nakasuhan. Those redesigning days were Aesthen's nightmare.
"You didn't tell me you were into dancing."
Napatigil agad sa pagsu-sway ng balakang si Aesthen nang biglang makarinig ng isang baritonong boses.
Agad siyang humarap para kumpirmahin kung sino ang nagsalita at agad na hinarang ang dalawang kam, ay sa katawan niya nang makita kung sino ito.
"G-get out!" gulat na sigaw niya sa lalaki na nakasandal pa talaga sa hamba ng pinto niya.
Wala man lang siyang mahila na maaaring magtakip sa katawan niya dahil wala pang sapin ang kama niya, tapos ay naka-lock pa ang luggage niya at hindi pa siya nag-a-unpack. Revealing that amount of skin is really uncomfortable with Aesthen, especially kung may audience siya, kahit na sports bra pa ang suot niya.
Or maybe she went OA, at baka kay Aries lang naman siya ganoon, dahil alam niyang malaking tao ito, at hindi dapat siya nakikita nito sa pinaka impormal niyang hitsura.
O baka, it was the fact that Aries was supposed to make an erotic romance novel with her, and the fact that she’s alone with him in his house that made her nervous.
"I was just going to check on you, and then I saw this lying on the floor." sambit ng lalaki bago iniangat ang sariling kamay kung saan hawak nito ang fitted shirt ng dalaga.
Walang nagawa si Aesthen kundi ang mamula sa hiya bago sumigaw ng pagkalakas-lakas, "I SAID, GET OUT OF HERE YOU STUPID ASSHOLE!"
Or maybe, she's just really embarrassed with Aries' presence.