"NOW, thinking about that feeling, work on your worth-reading Prologue."
Nanigas ang katawan ni Aesthen at parang hindi na siya makagalaw sa sinabi ng lalaki. Naramdaman niyang lumayo ito pero hindi siya makalingon o makagalaw man lang, at miski ang magsalita ay hindi niya magawa.
Nanunuyo ang lalamunan niya.
Parang may pumipiga sa mga intestines niya.
Parang pinipigilan siya ng utak niyang banggitin ang mga salita
Hindi niya masabi.
Hindi niya kayang sabihin.
She's losing the confidence that she has built over the past few years. Mawawala lang nang dahil sa manyakis na lalaking 'katrabaho' niya.
"Mr. Caballero?" mas lalong na-estatwa si Aesthen sa kinatatayuan nang makarinig pa ng ibang tinig sa labas ng banyo.
"f**k," narinig niyang bulong ni Aries bago ito nagmadaling lumabas ng CR na tanging tuwalya lamang ang nagtatakip sa kaniyang katawan.
Magtatakip sana ng mukha si Aesthen pero napansin niyang may suot na itong tuwalya kaya agad siyang napalingon sa sink kung saan nanggaling ang binata. Sa tabi noon ay makikita ang rack ng tuwalya.
Agad na ring kumuha ng isa si Aesthen dahil basang-basa na ang suot niyang fitted shirt na talagang mas yumakap na sa katawan niya. Matapos iyong ipangtakip sa sarili ay lumabas na rin siya ng banyo para tignan kung sino ang taong dumating.
Naguguluhang tinignan ni Zaldi ang tumapon na pintura sa sahig, ang ilang pintura sa buhok at likod ni Aries, at maging ang nakabalot sa tuwalyang si Aesthen, pero wala siyang makuhang sagot kung paano napunta sa ganoong sitwasyon si Aries na kaniyang amo. Hindi naman kasi lampa ang kaniyang amo upang madapa sa isang timba ng pintura. Kung may mas nakakakilala kay Aries Caballero, si Zaldary Abueva iyon.
"Zaldi, pick up someone to clean up this mess." maawtoridad naman na utos ni Aries kay Zaldi bago hinigpitan ang nakapulupot na tuwalya sa kaniya.
Tipid na tumango naman si Zaldi at aalis na dapat nang maalala ang mga pinabili sa kaniya ni Aries kanina.
"Ah, Mr. Caballero, nasa counter table po sa baba ang mga pinabili niyo." paalala nito na tinanguan lang ni Aries.
"Ano pong gusto niyong mangyari do'n? Magpapadala na po ba ako ng mga pintor?"
Agad na tumingin naman si Aries kay Aesthen ng matalim niyang titig.
"Yes, please." sambit niya nang hindi inaalis sa dalaga ang kaniyang tingin, bago nagmartsa na paalis sa kwarto na iyon.
Nagsimula na ring gumalaw si Zaldi palabas at naiwan na lang doon si Aesthen na hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Agad niyang nakita ang suitcase niya sa lapag kaya agad siyang nagtungo doon para kumuha ng damit pamapalit.
***
"What do we have here?" tanong ni Aries matapos makita si Aesthen na naggagayat ng mga rekados sa kitchen. Kanina pa umakyat sa taas ang mga mag-aayos sa kwarto ni Aesthen.
"Magluluto ako ng adobo," tipid na sabi lang ng dalaga na nakapokus sa ginagawa niya.
Napatango lang si Aries bago humila ng isang upuan at saka nangalumbaba sa harap ng dalaga.
"Bakit nandito ka pa?" kunot-noong tanong ng babae sa kaniya.
"I cancelled all my appointments today, haven't I told you?" kunot-noong tugon naman ni Aries.
Wala nang masyadong pintura ang makikita sa buhok ng binata at tanggal na din ang mga pintura niya sa likod. Inutusan niya kasi si Zaldi na gawin iyon sa CR niya kanina.
Hindi maiwasan ni Aesthen ang mapanguso. It was her job to do that an hour ago. Dahil sa pagiging stubborn niya, ayan ang nangyar―Damn.
Hindi ako nagsisising hindi ako ang naghilod sa ugok na ito! At bakit ako magsisisi? Dapat ng magpasalamat pa ako kay Zaldi.
"Pouting, huh? You want to kiss me?" napihit naman agad ang paghinga ni Aesthen nang marinig iyon. Agad niyang kinagat ang lower lip niya para magtigil ito sa pagpapout.
"Woman, why are you so damn attractive?" namamangha na lamang na sambit ni Aries na nakapangalumbaba pa rin sa harap ni Aesthen. Diretso ang tingin niya sa dalaga.
Agad nang napaiwas ng tingin si Aesthen at buong lakas na nagpokus ulit sa ginagawa.
Boy, she needs to make this food. Gutom na gutom na siya, at hindi ang panglalandi ni Aries ang pipigil doon. Letcheng manyakis.
"I just realized. Since, parang walang effect naman sayo ang bathroom scene, why don't we change it to a sexy kitchen scene?" biglang naging seryoso ang boses ni Aries. Ito na naman ang lalaki sa mga kamanyakan niya.
Napatigil sa paghahati ng manok si Aesthen nang dahil sa narinig. Nagpupuyos na siya sa galit. Pero hindi niya alam kung bakit siya nagagalit. Inilapag ni Aesthen ang kutsilyo sa counter na at saka binigyan ng masamang tingin ang lalaki.
"Mr. Caballero, for once, can you just leave me alone? Nagugutom na ko dito, tapos ikaw kung ano-anong kamanyakan ang pinapasok mo sa utak ko!" naiirita nang sigaw nito sa lalaki.
Agad na natawa naman ang binata sa narinig kay Aesthen bago napailing, "I change my mind. Mad women are so damn attractive." sambit niya bago binigyan ng seducing look si Aesthen.
Napahilamos na lang sa magkahalong hiya at inis ang babae.
"Now, I'm wondering whether I can work for you as your co-writer or a toy for your kinky self!"
"You can combine both." ngisi sa kaniya ng lalaki na nagpamula sa buong mukha niya. Hindi niya alam kung sa galit ba o embarrassment. This man sure is a f*****g maniac! May sira na ang tuktok nito.
"Aries, tigilan mo ako." nanggagalaiti nang sambit ni Aesthen sa lalaki bago ito umalis sa pwesto at saka binuksan na ang stove.
Inilapit na rin niya ang ibang mga rekados sa tabi ng sink kung saan nandoon ang stove. Nagsimula na siyang maggisa ng bawang at sibuyas nang may pumulupot na mga braso sa baywang niya.
Damn this guy! Wala talagang pinipili.
"Come on. Write the prologue now." seducing na bulong nito sa kaniyang tainga.
Nanginig kaagad si Aesthen sa sensation na naramdaman. This guy sure gives her the feel.
"What would it be?" tanong pa ni Aries bago hinila si Aesthen papunta sa kaniya.
Muntik nang malaglag ang hawak ng dalaga na sandok. Naramdaman na naman ni Aesthen ang nakakaputang length sa likod niya.
Crap.
He's not starting now, is he? Naikuyom niya ang kamao para pigilan ang sarili.
No.
NO.
"Tell me the story, verbally, honey. What's on your mind?"
Damned Pervert.
Pero bakit parang napakamaawtoridad ng boses ni Aries at hindi niya mapigilang mag-isip ng kung anong nasa isip nga niya?
"What?" pangungulit pa ni Aries at nagsimula na ang mga labi nitong tahakin ang daan papunta sa mga tainga ng babae. Nagsimula siya sa leeg paakyat doon.
"A-aries," puno ng control na awat niya bago niya pinanggigilan ang hawak na sandok, "Hahampasin kita ng sandok kapag hindi ka pa tumigil!"
Agad na hinipan ni Aries ang kanang tainga ng dalaga bago siya lumayo at nagtaas ng kamay.
"Mr. Caballero?" Nanigas sa kinatatayuan si Aesthen nang marinig na naman ang boses ni Zaldi.
Napasasapo na lamang si Aesthen sa kaniyang oo. Sana ay hindi sila nakita ni Zaldi.
"Yes?" tanong ni Aries na parang wala lang nangyari at hindi lang sila muntikang nahuli ni Zaldary Abueva, ang assistant/body guard ni Aries.
"Tapos na po ang paglilinis sa kalat sa taas. Nagsisimula na po silang magpintura. Yun lang po." walang emosyong sagot nito na parang wala din itong nakita.
Magkano kaya ang binabayad ni Aries dito para manahimik at magmukhang robot sa paningin niya?
Tipid lang na tumango si Aries bago na niya sinenyasang umalis si Zaldi.
Muling lumingon si Aesthen sa kabilang direksiyon, pinamumulahan ang kaniyang mukha.
"I-I've decided. . ." pagsisimula ni Aesthen bago lumunok, "Why don't we just write the chapter every night? After ng nakakapagod na araw?" dagdag pa niya na agad pinag-isipan ni Aries.
"Alright," tipid na tango nito at saka lumapit sa kaniya.
"12 a.m. in my bedroom. I'll be waiting for you there." mahinang sambit nito sa tainga ni Aesthen bago iyon dinampian ng kaniyang labi.
Nagpadagdag na naman iyon sa nginig na nararamdaman ni Aesthen. Hindi alam ng dalaga kung kinikilig ba siya, na alam niyang imposible, o kinikilabutan siya sa kamanyakan ng lalaki.