IT'S been a week since Aesthen and Aries started making the novel, pero parang hindi pa rin masanay-sanay ang babae. Palagi na lang siyang napapalakad, back and forth, sa loob ng kwarto niya habang nakatingin sa wall clock. Hinihintay ang oras para muling tahakin ang kwarto ni Aries.
She's never going to be used to it. Palagi pa rin siyang kinakabahan habang hinihintay ang takdang oras na iyon. Agad napatingin sa wall clock si Aesthen upang i-check ang oras.
11:24 p.m.
Sandali na lang ay kakatukin na naman siya ni Aries upang sunduin.
Crap.
Agad nagtali ng kaniyang buhok si Aesthen dahil pinagpapawisan na naman siya at nag-iinit kahit na may air conditioner naman sa kwarto. Kailangan lang siguro niya ng maiinom na malamig.
Kung tatanungin din kung anong ginagawa niya sa penthouse na iyon buong araw kapag wala si Aries ay, nandoon lamang siya sa kwarto niya , kung hindi naman ay nasa kitchen o sa sala, nanood ng TV.
O, di kaya'y mentally nagte-take notes ng mga dialogues in settings sa next chapters ng story nila.
Nakarinig siya ng ilang paggalaw sa kitchen nong makababa na siya kaya agad siyang tumungo doon upang makita kung ano ang nangyayari.
Crap.
Agad siyang napaiwas ng tingin. Halatang namumula.
Aries.
He's drinking coffee.
And take note! Not just drinking coffee.
He's topless and looking so exhausted with his unruly hair. Mukhang kagagaling lang sa wild s*x.
Aesthen didn't know why that was her first impression of his looks, pero dahil na rin siguro sa mga pinapakita nito noong nakaraang araw, tama lang na ganoon kadumi ang maisip ng dalaga.
Tila ba nanikip ang lalamunan ni Aesthen sa pagkakita sa lalaki, at dapat ay aalis na nang walang inay o tunog dahil hindi naman siya nakita nito, pero narinig niya ang tunog ng pwetan ng mug na tumama sa kitchen counter kasabay ng pagtawag nito sa kaniya.
He saw her.
Shit, s**t, s**t. Damn it.
Halos maubusan na siya ng mura na ibabato sa isip nang marinig niya ang boses nito. Aesthen, no. Huwag mo nang lingunin.
Learn to resist!
Pero parang may kung ano sa kaniya na humihila at pilit siyang pinapalingon. Wala na siyang nagawa pa. She turned back and looked at him with a raised eyebrow.
Keep calm, Aesthen! He's just a damn guy. Don't lose yourself!
"Bakit?" tanong niya dito bago tumingin sa ibang direksyon. Kunwari ay hindi siya interesado sa kung ano mang sasabihin ng lalaki.
"May naisip na ako sa Chapter 13. It's kinda sexy. Come here. I'll let you see."
Halos manigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng lalaki. Anong kamanyakan na naman kaya ang gusto niyang imbentuhin?!
"Wala pang alas dose, Aries. Pwedeng enjoy-in ko muna yung last thirty minutes na malaya ako sayo?" sarkastikong tugon ni Aesthen. Pero bakas sa mukha niya ang pagka-awkward.
"I just want you to see it." biglang nairitang sagot naman ni Aries bago hinagis ang hawak pala niya na libro patungo sa direksyon ng babae. Matapos iyon ay naglakad na ito paalis.
Doon lang naaninag ni Aesthen ang hawak ng lalaki na spectacles, na agad naman nitong isinilid sa bulsa ng pantalong suot nito. Napangiti agad si Aesthen sa nalaman.
Nagsasalamin pala ang gwapong mokong na iyon ha?
Teka, sinabi niya bang gwapo? Binabawi na niya. Pero hindi mapigilang mag-imagine ni Aesthen ng mukha ng binata na nakasalamin. Hindi kasi niya ito nahuling nakasuot kanina.
Agad naman niyang naalala ang libro na hinagis ni Aries, kaya agad niya itong tinignan sa lapag at saka kinuha.
Graphic novel?
Aries is into comics. . . na romance?
Natawa na lang siya sa pag-iisip noon.
Una, nagsasalamin. Then, nagbabasa ng comics na romance. What more, Aries? Ano pang tinatago mo?
Nakangiting tinignan niya ang graphic novel na may cover ng couple, at saka chineck ang title. It's written in Kanji (Japanese), pero agad din naman niyang nakita ang alternate title nito sa gilid.
President is a Maid.
Maid?!
Maid heroine in novels?!
Halos hindi na matigil sa katatawa si Aesthen habang iniimagine kung paano ito basahin ni Aries habang umiinom ng kape kanina, tapos ay nakasalamin pa at topless.
Gosh. It's way too much for her!
So much revelation for tonight. Pati tuloy si Aries ay naiimagine na niyang nakasuot ng Maid uniform!
Ito ang unang beses na pumunta siya sa kitchen o sala nang ganitong oras ng gabi. Usually, kapag either alas otso na o kaya nama'y alas nueve na ng gabi ay nagkukulong na si Aesthen sa kaniyang kwarto at hihintayin na lang na katukin siya ni Aries, kung kaya't hindi niya alam ang mga ginagawa nito dito sa baba sa tuwing nagkukulong siya sa kuwarto niya.
Agad niyang napansin ang nakaipit na sticker bookmark sa bandang gitna ng libro at agad niya itong binuklat. Natatawa siya sa sarili habang iniimagine si Aries na binabasa ang ganitong storya. . . nang nakasuot ng maid uniform.
President is a Maid, huh?
Muling napahalakhak ang babae bago itinuon ang tingin sa ngayon ay nakabukas nang graphic novel. Halos nanigas ang kaniyang katawan sa nakita sa page ng graphic novel na iyon nang binigyang atensyon na niya ang bawat drawings. Sa gulat ay naihagis pa niya ang libro palayo sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.
Ayan ba ang sinasabi niyang ita-try nila?! No way in hell.
Never kong itatry gawin iyon sa lalaking iyon!
Kumukulo ang tyan at nanunuyot ang lalamunan niya na pumunta sa fridge para kumuha ng juice, nang matigil siya nang ilang sandali. Habang paulit ulit na nag-e-echo ang boses ni Aries sa kaniya ay unti-unti siyang nanliliit sa sarili.
May sinabi ba si Aries na ita-try nila iyon?
May naisip na ko sa Chapter 13. It's kinda sexy. Come here. I'll let you see.
May naisip na ko sa Chapter 13. It's kinda sexy. Come here. I'll let you see.
May naisip na ko sa Chapter 13. It's kinda sexy. Come here. I'll let you see.
Wala naman siyang sinabi na itry nila, hindi ba? Agad napasampal sa sariling noo si Aesthen at saka natawa sa kaniyang sarili.
Crap.
Sa sobrang nasanay siya sa kamanyakan ng lalaki ay hindi na niya masyadong iniisip ang lumalabas sa bibig nito. Para sa kaniya lahat iyon ay foul. Pero nagiging masyadong hard na ba siya sa lalaking iyon?
No wonder, at nagalit ito. Napatikom ng bibig si Aesthen bago tumingin sa malaking digital clock sa taas ng TV ni Aries sa sala.
11:46 p.m.
Napahinga na lang siya ng malalim. Siguro ay tamang puntahan na niya ito kaagad para makahingi ng tawad.
Kanina pa katok ng katok si Aesthen sa kwarto ng binata sa taas ngunit wala talagang sumasagot. Hindi naman niya makita ang oras nang dahil sa wala siyang suot na relo at walang orasan sa labas ng kwarto ni Aries.
With her pursed lips, Aesthen decided to turn and go back to her bedroom. Wala naman sigurong balak si Aries na magsulat ngayon dahil nasa bad mood ito.
"How long have you been here?"
Narinig agad ng dalaga na may nagsalita sa likod niya kaya agad siyang napalingon at nakita si Aries sa gano'ng pantalon pa rin na suot nito kanina. Wala pa rin itong suot na pantaas, at pawisan pa rin ang katawan.
Damn.
Hindi man aminin ni Aesthen, ay totoo naman napaka attractive ni Aries. Kung nag-e-exist na siguro si Aries sa ganoong edad noong 2009, ay baka natalo niya si Ryan Reynolds sa pagiging no. 1 na hottest male noong taong iyon.
Ganon pa rin ang ayos ng buhok ni Aries, kaso ngayon ay sobra siya kung maghabol ng hininga.Nararamdaman na naman ni Aesthen na parang maiihi siya sa salawal nang dahil lang sa pagkakarinig sa malalakas na paghabol ng hininga ni Aries. Damn, orgasm--she's going to be wet for this guy, isn't she?
Kung anu-ano na naman ang naiisip ni Aesthen tungkol sa binata. Naglulumot na ang utak niya nang dahil sa hinayupak na lalaking ito. Napaiwas agad siya ng tingin. Alam niyang sobra nang namumula ang mukha niya, pero hindi na niya pa napigilan ang magtanong.
"Saan ka galing? Diba umakyat ka kanina?"
"My Gym," tipid na sagot ni Aries bago niya tuluyang binuksan ang pinto ng kaniyang kuwarto, "Come on, come inside."
Napahinga naman ng malalim si Aesthen sa narinig. Hindi niya rin alam kung bakit nangingiti siya. Hindi niya alam ang dahilan. Dahil ba nalaman niyang hindi dahil sa wild s*x ang dahilan kung bakit ganito ang hitsura nito? Kundi dahil sa gym pala?
Damn.
Nasisiraan na nga siya ng ulo.
"So, you already read it." tipid na sabi ni Aries at saka kinuha ang panibagong set ng type writings at ilang piraso ng new set na ball-point pens. "Alam mo na kung paano gagawa ng chapter na may ganong sexy scene." sambit pa nito bago nahiga agad sa kama.
"I feel so tired. I can't help you now." dagdag pa nito bago napapikit na. "Consider the idea of my contribution tonight."
Napanguso na lang si Aesthen bago napabulong, "Ni hindi ko nga tinignan ng maayos yung libro na bigay mo nong makita ko ang scene na iyon." naiinis niyang sambit sa sarili.
Narinig na lang niya ang malalim na paghinga ni Aries. Tinilugan pa siya ng gwapong mokong!
"Come here," biglang narinig niyang sabi nito kaya agad siyang napakunot ng noo at saka lumingon.
Nagsasalita na agad siya sa pagtulog? Ni wala pa nga yatang minuto matapos niyang pumikit, ah? Wow, pagod na pagod, huh. Napapairap na lamang si Aesthen sa kaniyang naiisip.
"Huh?" tinry niyang sabihin upang malaman kung gising pa ito o hindi na. Kapag sumagot, gising pa. Kapag hindi, tulog na.
"We're just going to eat the tips of the pepero. Yung huling makakakain ng last piece non, panalo. You can dare the loser to do what you want him or her to do. Kapag umayaw, talo." sambit pa nito bago bumangon at saka nagkusot ng mata.
Napaangat lang ng kilay si Aesthen sa sinabi nito dahil hindi niya naiintindihan.
"Pocky game." sambit pa nito bago naglakad na papunta sa kinatatayuan ni Aesthen. "You're too competitive, I bet you can win this. You can dare me anything you want. Kapag umayaw ka sa bandang gitna, talo ka. Ide-dare kita." dagdag pa nito at saka ngumisi.
Napaisip kaagad si Aesthen sa narinig sa lalaki at ilang beses na inimagine kung anong ipagagawa niya sa lalaki kung sakaling manalo sa sinasabi nitong Pocky game.
Damn.
Bakit nakakaramdam siya ng excitement sa pag-iimagine na makokontrol niya ang gwapong mokong na ito?
"Ano bang dapat gawin?" halos ngingiti-ngiti nang sambit ni Aesthen sa lalaki at napaclasp pa ng dalawang kamay. Animo'y batang excited sa regalo na bigay daw sa kaniya ni Santa Claus.
Nanlaki ang mata niya sa gulat nang biglang ipasok ni Aries sa bibig niya ang tip ng pepero at saka sinabing, "Eat it until the last bite, and you'll win the game. I'll do the same on the other tip."
Mas dumoble ang laki ng mga mata ng dalaga nang dahil sa narinig-pero hindi na dahil sa excitement.
Shock? Maybe.
Trumiple pa iyon nang magsimula na si Aries na kagatin ang kabilang tip.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Aesthen at hindi alam ang gagawin. Bitawan na kaya niya ang pagkakagat sa tip nito?
Or wag na kaya niyang kagatin para sa kaniya na ang huling piraso kapag nagkataon? Pero paano iyon, baka magdikit ang labi nila?!
Nanigas na siya sa kinatatayuan nang bigla siyang hilahin ni Aries papalapit. Unti-unti. Nandoon na naman ang kakaibang init na nararamdaman niya. Pero mas matindi ang ngayon dahil pawisan ang hubad na katawan ng binata.
Damn it! Ano ba talagang gulo ang pinasok ko?!