HINDI nagpakita ng damdamin si Aesthen patungkol sa nangyari sa lobby ng Emerald B. Building sa San Juan, kung saan nakatira si Aries Caballero. Mabuti na lamang at madali siyang nakalimot dahil maganda naman ang nangyari matapos ng insidenteng iyon. She's still going to see Nix.
She couldn't please people, at least she knew that now. Tanggap na niya iyon. But she wouldn't take it if her sister would hate her someday just because she cannot spend some time with her.
That would be the most painful thing she would ever feel. Mas painful pa sa naramdaman niya kanina, dahil si Nix na lang ang tanging dahilan kung bakit siya nabubuhay. For thirteen years, Nix was her light in the dark, she was always the reason why she was still fighting to live.
Nangingiti na lamang si Aesthen habang paulit-ulit niyang pinupunasan ng basahan ang kitchen counter habang napapakanta pa. Sa bawat pagpunas niya ay mas pinupunasan pa niya ito ng mabuti, dahil sa tingin niya ay parang mas dumudumi pa. Hindi siya makuntento at mapakali. Ang gusto niya ay maging maganda ang lahat pagtungtong ni Nix sa penthouse ni Aries.
Kating-kati na nga rin siya na i-text ang kapatid para sabihing susunduin niya ito pero sinabi ni Aries na huwag na daw niya iyong gawin. Mas maganda kung surpresahin na lamang daw nila. Agad niyang kinuha ang cooking gloves at saka sinuot bago niya tinignan ang kumukulo nang pasta. Sa kabila naman nito ay medyo kumukulo na rin ang sauce ng Carbonara. Paburito iyon ni Nix.
Agad niyang sinilip ang oras sa digital clock na nasa tuktok ng LED TV ni Aries sa sala.
7:02 p.m.
Damn.
Aries should better be on his way. Any minute by now, nandito na ito at isasama siya para sunduin ang kaniyang kapatid. Agad niyang pinasadahan ng tingin ang suot niya pa ring flowy na spaghetti straps floral dress. Napasimangot siya at saka agad na umiling.
She needed to change for another outfit.
Hinintay muna niyang matapos kumulo ang sauce dahil tapos na ang sa pasta, bago niya in-off ang stove, at saka ay nagmadali nang nanakbo paakyat para magpalit ng damit sa kwarto niya.
Binuksan agad ng dalaga ang wardrobe at saka tumingin ng kaniyang isusuot. Kanina lang siya tuluyang nakapag-unpack, dahil ayaw niyang makita ni Nix na hindi organized ang gamit niya dito katulad ng sa bahay nila. Nangingiting kinuha niya ang cropped sleeveless top at mahabang palda na minsan na niyang naisuot sa formal gathering ng Cutesy Magazine, bago niya itinapat sa sarili at saka nangiti.
Bagay pa rin sa kaniya.
Pero agad ding bumagsak ang mga ngiting iyon nang maisip niya na masyado yatang OA ang susuotin niyang damit.
She's not even really living here, to begin with.
Kailangan niya lang makasama si Aries nang dahil sa novel plan nila.
Bakit kailangan pa niyang magpabongga para lang makita ng kapatid niya na sobrang ayos ng buhay niya ngayon? Superiority Complex na naman ba? Gusto niya lang ba na maipaalam ni Nix sa nanay nila na ang gara ng ate niya ngayon? That she's now living in a penthouse?
Damn. f**k Superiority Complex.
She's trying her best now. Hindi na siya nagmamagaling. Hindi na siya nagmamayabang. She's on square one once again, and she f*****g knows that.
Napilitan na lang siyang magsuot ng jeans at isang Marvel t-shirt, tapos ay nagrubber shoes siya. Tutal, ganito naman siya manamit noon sa bahay nila, why stop now diba? Agad niyang ipinusod ang buhok at saka nagmadali nang nanakbo palabas ng kwarto.
Agad niyang inayos ang Carbonara sa isang serving bowl bago ito hinalo sa white sauce. Binudbudan pa niya ito ng cube cuts ng bacon bago hinalong muli. Nakangiting idinagdag niya iyon sa iba pang mga putaheng ginawa niya na nakadisplay na sa mesa. She looked at the digital clock again.
7:31 p.m.
Napahinga na lang siya ng malalim bago nag-pull out ng isang chair from the dining table at saka naupo doon.
Maybe traffic, right?
Satisfied na tinitigan na lang niya ang mga putaheng hinanda niya sa hapag.
Right.
Of course, Aesthen. Totoo ang lahat, pupunta si Nix dito mamaya at magkikita na kayo.
Biglang gumawa ng ingay ang tiyan niya at agad naman siyang napahawak dito.
Nope.
She's not going to eat, not until Nix has already come here. Gusto niyang ito muna ang maunang tumikim sa iilang putaheng inihanda niya ngayon.
***
Bumagsak na pala ang noo ni Aesthen sa natirang space sa dining table sa harap niya. Hindi niya naramdamang nakatulog na siya. Agad niyang tiningala ang ulo at saka hinilot ang noo na malamang ay namumula na ngayon.
Damn. Ang hapdi ng noo niya.
Agad na sumalubong sa tingin niya ang mga pagkain sa harap niya, dahilan upang maalala niya ang nakababatang kapatid na si Nix.
Shit! Anong oras na?!
Nagmamadaling tumayo siya at saka nanakbo palabas ng dining area para makita ang oras sa sala.
12:34 a.m.
Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig doon at parang napako na sa kinatatayuan.
Where the f**k is Aries?! Bakit hindi man niya ako ginising?!
Tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan nang makarinig siya ng kaluskos. Kasunod nito ang tunog ng susi at ang pagbukas ng pinto.
"Aries," pagsisimula niya, ngunit hindi na ito natuloy nang mapansin na may hawak na luggage si Aries. Sa kaliwang braso naman nito ay nakapulupot ang dalawang braso ng isang babae. Agad napakunot ang noo ni Aesthen nang makitang may iba itong kasama. At take note, nakasuot pa rin ng suit ang gwapong mokong! Ibig sabihin ay kagagaling lang nito sa office at hindi pa umuuwi dito.
"Gosh, Sebastian! You didn't tell me na may stay-in cleaner ka pala!" biglang sambit ng babae bago napanguso na parang nagpapacute.
Unti-unti nang nabuhay ang galit sa loob ni Aesthen nang marinig niya ang sinabi ng babaing iyon.
STAY-IN CLEANER?
Natawa naman si Aries sa sinabi ng babaing nakapulupot sa braso niya bago ito tinap sa ulo. "You behave, Keya." sambit nito matapos ay agad siyang lumingon kay Aesthen at saka kinindatan ito bago nagsalita, "Put it in your room, now." at saka na naglakad paalis sa foyer kasama ang babaing iyon.
Napakuyom na lang ng kaniyang dalawang kamao si Aesthen sa inis. May girlfriend pala ang manyakis na mokong tapos ay nilandi-landi pa siya noong mga nagdaang araw. Gigil na kinaladkad na lang ni Aesthen ang maleta ng babae paakyat. Lumikha ito ng maingay na tunog sa bawat pagbump sa mga steps ng hagdan, pero walang pakialam si Aesthen.
Naiinis na lamang si Aesthen habang inaalala ang nakapandidiring pagiging clingy ng babaing iyon kay Aries. Pareho sila ng girlfriend niya na malandi.
Binuksan ng dalaga ang pinto ng kwarto niya at agad na tinulak ang maleta ng babae papasok doon at saka sinara ng pagkalakas-lakas ang pinto. Hindi siya makapaniwalang siya pa talaga ang pinagbuhat ni Aries ng maleta ng hinayupak na babaing malanding higad na iyon, na girlfriend ni Aries.
Dapat bang lumabas na lang muna siya at tumambay sa lobby, para hindi na muna niya makita ang dalawang ito? Tutal, midnight na naman. Malamang ay wala ng masyadong tao sa baba. Hindi na siguro siya mapapahamak ulit nito o mapagtsitsismisan.
Nagmamadaling naglakad na siya palabas ng penthouse at saka pumasok ng elevator. Ang lamig pala ngayong gabi, bumaba lang ang temperatura ng air conditioner. Hindi man lang siya nakakuha ng cardigan o kahit balabal man lang upang ipangsangga sa lamig.
Pero hindi na niya gustong bumalik pa doon sa penthouse ni Aries, kaya diniretso na niya ang papuntang lobby.
Agad na lumabas ang dalaga,pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ng elevator. Dumiretso agad siyang naupo sa mahabang waiting chairs sa harap ng reception desk.
"Gising pa po kayo," tipid na ngiti ng bago pa lang niyang nakita na receptionist.
Night shift lang siguro ito.
Sinuklian niya rin ito ng tipid na ngiti dahil mas mabait ito sa pang-umagang receptionist. Naninag ng dalaga ang name tag ng receptionist sa kaliwang dibdib nito: Jannelle.
"Saang floor po kayo?" tanong pa nito na parang naghahanap din ng kausap.
"Penthouse," tipid na sagot ni Aesthen bago itinaas sa upuan ang mga binti niya at saka niyakap ang tuhod, bago niya ipinatong ang baba niya doon sa tuktok ng kaniyang tuhod. Nagmumukha tuloy siyang nakahalukipkip na nilalamig kahit na naka-yoga pants pa siya. Manipis lang kasi iyon.
"P-penthouse?" gulat na tanong ni Jannelle bago kumunot ang noo nito at marahang itinaas ang eyeglasses niya at ipinokus ang tingin kay Aesthen.
Shit.
Tinitignan na naman ba siya nito dahil alam nitong siya ang nasa balita? Wala na ba talagang katapusan pa ang paghihirap niyang iyon?
"Oo," tipid at wala na sa mood na sambit ni Aesthen. Hindi na rin siya nag-abala pang lingunin ang babae dahil naiinis na naman siya. Kahit kailan ay hindi na yata talaga matatahimik ang kaniyang buhay.
"Seryoso ka?" hindi pa rin makapaniwalang sambit ng receptionist na si Jannelle sa kaniya.
Ano ba talaga ang gusto nito sa kaniya?!
"Mukha ba akong nagbibiro?" iritang sagot na lang ni Aesthen at mas hinigpitan ang pagyakap sa kaniyang sarili.
"No wonder . . ." natatawang kumento naman ni Jannelle habang napapailing-iling pa.
No wonder, na ano? Na katulad na katulad ako ng mga kasinungalingang sinasabi nila sa news?!
". . . Kaya ka bumaba, ay dahil may kasamang ibang babae sa taas si Mr. Caballero, ano?"
Halos parang sinuntok naman si Aesthen sa kalamnan nong babae nang marinig niya ang sinabi nito.
"What?!" taas kilay at medyo napalakas na, na sagot ni Aesthen sabay taas ng kilay kay Jannelle. Tinawanan lang siya nito. Tatawa-tawa pa ito bago lumingon sa likod at agad nang inayos ang gamit niya.
Malamang ay tapos na ang shift nito.
Mabuti naman, at nang mawala na siya dito. Letsugas!
Hindi na lang iyon pinansin ni Aesthen bago siya pumikit. Paulit-ulit na pumasok sa isip niya ang sinabi ng babae. Hindi matahimik ang utak niya at sigaw nang sigaw sa lakas ng t***k ang puso niya.
Nagagalit ba siya?
Nagpupuyos?
Naiinis siya kung bakit naiirita siya sa nasaksihan niya kanina.
Maaari kaya niyang isama ang feeling na ito sa libro na sinusulat nila ni Aries?
Mas lalo na lang niyang ipinikit ang mga mata dahil naiinis siya sa pag-iisip tungkol sa lalaking iyon at sa babae na kasama niya.
Knowing Aries, he's a f*****g maniac. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat na ngayon lang iyon narealize.
SHIT.
SHIT.
SHIT.
They're doing it now, don't they? Knowing that clingy girl, even if it's the first time seeing her, Aesthen knows that that woman has no resistance. Especially, kung si Aries na ang pinag-uusapan. Naalala tuloy niya ang hubad nitong katawan. Inis na napahilamos na lang siya sa mukha at gigil na napasigaw.
That guy sure makes her so freaking crazy!
"Selos nga," kumpirmadong sambit ng babae sa reception desk na ngayon ay bitbit na ang bag niya at naglalakad na palayo. Napairap na lang si Aesthen sa babaing iyon bago napansin na may bago na pala ulit na receptionist.
Damn.
Talk about meeting another receptionist, naiirita na lang siya habang napapaisip. Agad na siyang pumikit muli para maiwasan nang makuwestyon.
Hindi na rin naman siya kinausap pa ng bagong receptionist. Tila ba naulinagan nitong hindi niya gustong makipag-usap.
Iidlip lang si Aesthen, mamaya-maya na lamang siya papanhik sa penthouse.
***
Napahinga kaagad ng malalim si Aries, as if relieved, nang makita niya na nakahiga si Aesthen sa isang hilera ng waiting chairs sa lobby. Napapalibutan ito ng dalawang guard at ng isang receptionist.
"Move," tipid na sambit lang niya at agad na parang mga alimango ang mga ito na nagmadali sa pagtago ulit sa ilalim ng bato. Mga takot na takot mahuli.
"We were just planning to take her to your penthouse, sir." tipid na paliwanag naman ng receptionist sa kaniya. Walang emosyong nilingon ni Aries ang receptionist at binigyan ito ng resting-asshole face niya, "Ah, so you knew her?" bland niyang sambit, pero punong-puno iyon ng sarcasm.
Napatungo agad ang receptionist na animo'y napahiya. Aries doesn't mean to be rude, hindi niya lang gusto ng mga extra na tao, especially kung umaapaw na ang pagkapeke. Hindi siya madaling magtiwala sa iba, at lalong hindi siya bumibili ng salestalk dahil kilala na niya ang mga tao-he's a businessman, it's his job.
Iniangat ni Aries ang ulo ng dalaga kasabay na ang likod nito, paunti-unti, at saka isinandal muli sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan niya iyong ginawa na parang natatakot siya na baka bigla na lang magising ang babae. Matapos iyon ay tuluyan na niyang binuhat si Aesthen ng pa-bridal style at saka nagsimula nang maglakad palayo. Tapos ay may naalala siya na nagpatigil sa kaniya.
"Kanina pa ba siya nandito?" tanong niya sa kahit sino sa mga ito.
Nagkibit balikat na lang ang receptionist sabay sabing, "Hindi ko po sure, pero two hours na po ako sa shift ko at nandiyan na siya no'ng dumating ho ako."
Napabuntong hininga na lang si Aries sa narinig bago nagsimula na agad maglakad, nang walang binibigay na pasasalamat o kahit isang ngiti man lang sa receptionist.
Tinignan na lang ni Aries ang maamong mukha ng dalaga bago niya tinanggal ang isa niyang kamay sa pagkakahawak dito para mapindot ang elevator. Inayos niya agad ang pagkakabuhat sa babae bago siya pumasok sa loob ng elevator.
"L-liar," mahinang bulong ng nakakunot ang noo pero mahimbing na natutulog na si Aesthen bago nito itinaas ang dalawang kamay at agad ipinulupot sa leeg ni Aries.
Napangiti na lang ang binata at saka napailing bago inayos ang pagbubuhat kay Aesthen.
"Liar," bulong muli ni Aesthen sa mas mahina at malambot na boses at saka niya inilapit ang mukha sa leg ni Aries, tapos ay hinalikan ito sa collar bone.
Napasinghap agad ang lalaki nang dahil sa naramdaman. Parang nagbabaga ang labi ni Aesthen nang dumikit ito sa balat niya.
Bakit ba ang lakas ng epekto ng babaing ito sa kaniya?
Agad siyang tumikhim at pinilit kalimutan ang sensasyon na naramdaman sa kakarampot na segundong iyon bago siya lumabas sa elevator dahil nag-ding! na ito.
"Aries Liar," narinig na naman niyang sambit ng babae kaya wala na siyang nagawa kundi ang ilapit ang bibig niya sa tainga nito para bumulong.
"Sorry, okay? I wasn't able to come." mahinang bulong niya at saka hinalikan ang tainga nito sa pinaka gentle na paraan. Binuksan na agad niya ang pinto na iniwan niyang hindi nakalock kanina. Bumungad agad sa kaniya si Keya na nagkakape pa pala sa sala.
"Hindi ka pa matutulog?" tanong ng binata sa kaniyang bisita bago na nagdire-diretso papuntang hagdan.
"There are only two bedrooms. You didn't clean the spare room. You can't make me sleep in your gym or your office. So, I realized, I want to sleep with you. Come on, let's go to bed na?" dire-diretsong litanya ni Keya at agad na lumapit na papunta sa lalaki.
"You can leave her alone on the sofa. She can manage." dagdag pa nito at parang excited na hinook ang kaniyang kamay sa braso ni Aries.
"Keya, let go." naiiritang sambit ni Aries dahil mas bumibigat ang hawak niya. Idagdag pa na may bitbit siyang tulog.
"Aries Sebastian?!" naiinis naman na pagsaway ng dalaga kay Aries.
"Let go. You can use the room I provided for you. That's why I asked her to put your luggage in there." sambit pa ni Aries bago nagsimula nang maglakad paakyat. Binitawan na kasi ng babae ang braso niya.
"What?!" tumaas ang tono ng dalaga sa Amerikano nitong accent. "But that's her room!" naiinis na reklamo ng babae at nagpapadyak-padyak pa, "What about her? Where will she sleep?"
"Don't worry, honey, she will sleep beside me."