AGAD lumipad pabukas ang mga mata ni Aesthen Blanco.
May malakas na puwersang pilit na humatak ng kaniyang sleep mask pahubad sa kaniyang mga mata. Kasabay nito ang pagbungad ng init ng araw sa kaniyang mukha.
Tila ba agad siyang sinunog sa impyerno.
Kasabay din ng pagdilat niya ng mga mata, sa paggising ng diwa, ay tila may kung anong invisible na kutsilyong napakatulis ang tumusok sa kaniyang ulo. Nahihilo siya at napakasakit ng tila binibiyak na niyang ulo.
Hangover.
Kailan ba siya lulubayan ng torture sa umaga?
"Stop it, Nix!" ngawa ng inaantok pang si Aesthen.
Ang gusto na lamang ng dalaga ay magpahinga sa sakit ng kaniyang ulo, sabay takip ng unan sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay tinutuklap na ng init ng araw ang kaniyang mga balat sa mukha.
"Ate naman 'e, wake up!" naubusan na ng pasensiya ang thirteen-year old niyang kapatid.
Si Nicole Artemis, ang nakababatang kapatid ni Aesthen. Agad ay niyugyog na niya ang dalaga upang gumising. Pero wala iyong epekto sa dalaga, dahilan para agad na hinila ni Nix palayo sa mukha ng kaniyang ate ang unan na nakatakip sa mukha nito at saka hinagis papunta sa kabilang dako ng kuwarto.
Tinabig ni Aesthen ang kamay ng kaniyang kapatid, at saka niya pinaulanan ang bata ng kaniyang famous death glare bago niya muling tinakpan ang kaniyang mukha ng isa pang unan na malapit sa kaniya, na agad niya rin'g inihagis palayo nang maamoy ang alak na umaalingasaw sa unang iyon.
Of course, naparami ang kaniyang inom kagabi kaya napaka lakas ng tama niya hanggang ngayon.
Napapikit na lamang ng madiin ang dalaga at tila ayaw nang isiping muli ang mga nangyari kagabi dahil para siyang lalagnatin isipin pa lang ang alak na nainom niya.
"Ate, wake up! May mama sa labas! Hinahanap ka!" sigaw naman ng kaniyang kapatid na matinis ang boses habang patuloy ang pagyugyog sa kaniya.
Naipaikot na lamang ng dalaga ang kaniyang mga mata sa inis sa kaniyang kapatid.
Aesthen groaned. She didn't want to be disturbed, especially when she was having a great sleep na tila kahit kailan ay hindi pa niya nakuha sa tanang buhay.
"Nix, please! Not now! Let me sleep!" naiiritang suway na ni Aesthen sa kapatid at saka ito tinalikuran upang makapagpahinga siya ng matiwasay.
Restless si Aesthen dahil magdamag na nagreflect sa pag-aaway nila ng bagong editor niya sa isang girl's magazine, na si Daiah Ariesana Bernardino. They have been complete rivals since the beginning of the beginning. Aesthen can't actually tell when that started, since they're college block mates, the only thing she knew was that she despised the girl more than she despised her own mother.
Naiinis kasi siya sa ugali ni Daiah na sobrang inconsiderate at punong-puno ng yabang sa sarili. Palibhasa'y anak mayaman ito at sa isang manor lumaki, hindi lumaking pinagkakasiya ang limang daan sa isang araw.
Kagabi na talaga sumabog si Aesthen; hindi na niya napigilan ang sarili niya at nasabihan ito ng masasakit na salita. Dumagdag pa ang alak kagabi na nagpatindi ng pagkawala niya ng control sa kaniyang sarili. Idagdag pa na kaya sila nasa isang bar kagabi ay upang i-celebrate nila ang pagiging bagong Editor nitong si Daiah, at the same time ay farewell sa dati nilang editor na si Ching Soriano.
Dapat ay hindi na siya sasama dahil para na rin niyang sinaksak ang sarili niya kung sasama siya sa pagse-celebrate nito, pero napilitan siyang sumama nang mag-insist ang mga co-writers niya. Nakakahiya nang tumanggi dahil baka sabihin nilang bitter siya, although bitter naman siya dahil para sa kaniya ay sampal sa mukha iyon, pero siyempre hindi niya naman sasabihing bitter siya.
Inaasahan na kasi talaga ni Aesthen ang promotion na iyon para sa kaniya. Some of her colleagues confessed too, na inanticipate nilang sa kaniya ang posisyon lalo na't napaka dedicated na sa kaniyang trabaho, but maybe she was just really unlucky that day.
But that time when Ching went home first and Daiah shouted that the party was just getting started? Nagkainitan na silang dalawa. Tapos nagkagulo na, at dahil naman sa gulo na nangyari ay sinisante siya nito at ngayon ay wala na tuloy siyang trabaho.
Daiah fought dirty.
It's like it was a trap all along, Daiah's plan to get rid of her. And she played it damn well.
"Ate! Ate!" pangungulit pa rin ni Nix at saka sumampa na sa kama ni Aesthen para pabangunin siya. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito pero nanatili itong hindi umiimik.
"Ate, may mama sabi sa baba eh!" naiinis na talagang sigaw ng kapatid niya at saka na siya niwrestling sa kama. Nagulat si Aesthen sa biglaang pag-atake ng kapatid, dahilan para mapaungol siya sa sakit.
"Aww, b***h!" napabulalas niya sa sakit.
"Bad word! May naghahanap kasi sayo sa baba!" ubos pasensiya nang sambit nito bago habang nakapameywang sa ibabaw ni Aesthen bago ito tumalon pababa at saka lumabas ng kwarto ng kapatid.
Napahinga na lang ng malalim si Aesthen bago tuluyan nang bumangon.
"It's probably one of my co-writers. Kakaawaan ako." naiiritang sambit niya habang iniisip kung sino ang maaaring bisita niya ngayon.
Nagmadali siyang bumaba, walang ayos-ayos ng sarili. Mabibigat ngunit mabibilis na yabag pababa, parang sa isang kabayo, ang ibinungad niya sa bisita.
"Good morning, Ms. Blanco." polite pero kababakasan ng pang-uuyam ang malamig na boses ang bumungad sa kaniya pagtapak na pagtapak ng mga paa niya sa flooring ng sala nila.
What the heck?
"S-sino ka?" gulat niyang tanong sa lalaki na naka-suit sa harap niya, sabay punas ng gilid ng labi niya gamit ang kaliwang palad. Baka kasi may panis na laway pa siya roon.
"You're drunk?" kunot-noo na tanong pa nito bago siya chineck out, starting from her round-from-shock eyes down to her non-slippered feet.
No bra.
Mascara smeared on her face, maybe.
Spaghetti straps sando on.
Cyclings.
Wildest hair in the history of wildest hairs.
And that damned rotten alcohol--she stank.
Crap.
Nanlalaki ang mga mata niya na nanakbo ulit paakyat sa taas na parang kabayo. Hinihingal siyang sumandal sa pinto ng kwarto niya pagkasara niya nito.
Sino ang lalaki na iyon?
Napapikit na lang siya sa kahihiyan bago agad nanakbo papunta sa vanity table niya upang tinignan ang kaniyang hitsura.
She's got mascara smeared down to her cheeks, as she predicted. It looks like she's crying a black tint.
Laylay na rin ang isang strap ng suot niyang spaghetti.
Wala siyang nagawa kundi ang sampalin ang sarili.
Mukha siyang broken-hearted na pokpok o dancer ng local bar.
Nakakahiya siya.
"Damn it! What happened to you, Aesthen? Nasesante ka lang! Don't act like that!" saway niya pa sa sarili. Halos mawala na siya sa sarili nang makarinig siya ng mga katok.
Crap.
May bisita nga pala.
"Wait! Coming!" agad na sigaw niya bago humila ng T-shirt sa wardrobe niya at saka ito sinuot.
Agad rin niyang inayos ang kaniya buhok bago siya kumuha ng tissue sa pouch niya at saka pinunasan ang mga kumalat na mascara sa mukha niya.
"What's taking you so long, Ate! Huwag mo nang paghintayin lalo yung mama!" naiinis nang bungad sa kaniya ni Nix pagbukas na pagbukas niya ng pinto ng kwarto niya. "Swerte mo lang, mamayang gabi pa ang uwi ni mama, kundi sermon abot mo."
"Like I care about her s**t, Nix. And why didn't you tell me na may ibang tao pala?!" naiiritang bulong niya sa kapatid. Inirapan naman kaagad siya nito. "I told you na may bisita ka kaya!" depensa pa nito sa kaniya at saka ay nagpameywang.
Nako! Ang batang ito talaga! Ke-bata-bata pa, marunong nang manggoyo!
"Whatever!" kunot noong sambit ng dalaga bago binuksan na ang kaniyang kuwarto at dahan-dahan naglakad na pababa.
Umangat ang ulo ng lalaki at sinalubong agad ng tingin si Aesthen habang bumababa ito ng hagdan. Sharp observant eyes he got there, naaalala ni Aesthen ang mata ng isang palaban na journalist sa lalaki.
Inilapag kaagad ni Aries Caballero ang baso ng orange juice na sinerve sa kaniya ni Nix, tapos ay tumayo na siya kaagad upang magbigay galang sa babae sa kaniyang harapan at saka magpakilala dito.
"I'm Aries Caballero, I heard you lost your job." pakilala niya sabay offer ng kaniyang kamay sa dalaga. Nanginig agad ang kamay ni Aesthen sa narinig bago niya tinanggap ang offer nitong shake hands.
Aries Caballero?
Why does it sound so familiar? Parang narinig or nakita ko na ito dati.
And how does he already know I lost my job? Just exactly how many people already know about that?
I'm starting to hate the news now.
"I'm the CEO of Cavaliers, a company for men's and women's undergarments."
A hint of recognition appeared on Aesthen's face as she realized the identity of the man in front of her, o kung bakit ito familiar. Of course, the CEO of one of the finest undergarments in the city!
"What brought you here?" kinakabahan si Aesthen, pero hindi niya iyon pinahalata sa kaniyang boses. Hindi niya lubos maisip kung bakit nandito ang CEO ng Cavaliers. "And who told you I lost my job? You must know who I am."
"I'm here to ask you a huge favor." sambit ni Aries tapos ay bigla siyang napapikit na parang mali ang nasabi niya, "No. I mean, consider it a job."