3RD PERSON POV ANG malakas na tunog ng suntok ay maririnig sa buong gym. Seryoso at mainit ang ulo ni Damon dahil sa mga nangyayari. "Ui dre, chill! Wala ka sa main event ng boxing match!" pabirong sigaw pa ng kaibigan niyang si Brix na nasa labas ng boxing ring ngayon at pinapanuod kung paano siya maglabas ng init ng ulo. Halos tumilapon kasi patungo sa kabilang corner ang ka-sparring niya dahil sa malakas na suntok na pinakawalan niya dito. Dahil naman sa hiyaw ng kaibigan kaya medyo nagising siya sa katotohanan at nawala ang malalim na iniisip. "Sorry pre," aniya sa ka-sparring at tinulungan itong tumayo, kanina habang nasa malalim na pag iisip ay inakala niyang punching bag ang sinusuntok niya. Tunay na tao na pala iyon at hindi niya inaasahang mapalakas ang suntok na nagawa. Mins

