Chapter 7

2480 Words
Chap 7 3RD PERSON POV "Wtf! You mutt! Bitawan mo yan, ano ba? masisira yan!!!" Hindi mapigilang sigaw ni Heiley dulot ng inis habang pinapalayas ang makulit na aso ni Damon. Pinaglalaruan kasi nito ang kurtina na kanyang ikinakabit sa malaking bintana ng kanilang living room. Narito siya sa bahay ngayon para ilagay na ang mga pinamiling kurtina, bedsheet at iba pa. Alam niyang sa mga susunod na araw ay balik trabaho na muli siya kaya ginagawa na niya ang mga ito habang may libreng oras pa siya. Mataas man ang sikat ng araw at mainit ang sinag nito mula sa labas ng bahay, mabuti at hindi naman iyon ramdam sapagkat air conditioned ang buong bahay nila. Ang tagaktak na pawis na kanyang nararamdaman ay dulot ng inis at stress dahil sa makulit na asong ito. Patapos na sana siya sa pag aayos kung hindi nga lamang dahil sa bwisit na aso ng kanyang mapapangasawa na kanina pang pinag lalaruan at kinakagat ang laylayan ng kurtina na kanyang ikinakabit. "Arrgg!!! woff!" "Aba't nasagot ka pa ha, pasaway ka talaga," gigil na saad niya, habang pinapaalis ito. Habang hindi siya magkaintindihan sa pakikipag away sa aso na ito. Bigla namang sumulpot pa ang may ari nito. "Call his name and he might obey you," suhestyon pa nito, habang nakangisi sa kanya. Halatang tuwang-tuwa ang isa pang bwisit na ito dahil sa paghihirap niya. 'Gumaganti ata dahil sa pagsipa ko sa birdie niya,' isip-isip pa niya habang nakatingin ng masama dito. Napatigil naman siya at napatingin sa half naked na katawan nito at saka napaiwas ng tingin. Kita pa niya na may hawak itong mug ng kape. Napadako ang kanyang paningin sa energetic at masiglang aso na naghihintay sa kanya at nakatingala. Nakatayo kasi siya ngayon sa mataas na silya para ikabit ang kurtina. Napalunok siya nang wala sa oras, habang nakatitig sa malaki at bilog na mata ng aso na masayang naghihintay sa kanya. Pansin din niya ang masiglang paggalawa ng buntot nito. "Err, Ma--" tatawagin na sana niya ito kaso nahihiya siya kaya hindi na niya itinuloy. Bukod pa roon, alam niyang pinagti-tripan lamang siya ni Damon na ngising-ngisi habang pinapanuod sila. "Ahh! Ewan ko sayo!" sigaw niya dahil sa hiya, kaya naman ang masiglang si Max ay napayuko dahil sa lungkot. "---kung kinukuha mo na tong aso mo ng wala na akong problema," mataray na saad niya kay Damon, para di nito mapansin ang pamumula ng kanyang mukha. "Psh, Max come here! hindi ka mahal ng mommy mo," biglang saad pa nito, kaya halos mahulog siya sa upuan na kinalalagyan ngayon. 'Gago talaga,' bulong pa niya sa kanyang sarili at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Sa mahigit na isang linggo na pagsasama nila, wala namang masyadong naging problem--- syempre joke lang yun. Nang gabi na dumating sina Damon at Max, doon rin napagtanto ni Heiley na iisa pala ang kwarto sa bahay na ito. Siguro dahil lutang ang utak niya noong nagkaroon ng tour sa bahay kaya wala siyang ideya na isang master's bedroom lamang ang meron sa second floor ng bahay. Ngayon habang naglalakad pabalik sa kwarto para iyon naman ang lagyan ng kurtina nang ma-realize niya na kaya pala napakalaki ng kwartong ito ganun din ang kama. Kung pwede lang siyang magreklamo sa kanyang mga magulang ngayon ay nagawa na niya kaso wala ang mga ito sa bahay sapagkat katulad niya hilig rin ng kanyang Mama ang mag charity works sa iba't ibang lugar. Ang huli niyang balita ay nasa Buena Astra ito para magkaroon ng feeding program at opening ng ipinagawang child care center doon. Dahil wala siyang balak na matulog nang magkatabi, nagprisinta siyang sa sahig na mahiga, pero dahil may pagka- gentleman naman pala itong si Damon, hindi siya hinayaan nitong sa sahig matulog bagkus ay ito na lang ang naglatag sa sahig at natulog katabi si Max. Siguro dahil sa mala-Jackie Chan niyang sipa sa ibabang parte ng katawan nito kaya hindi nitong magawa na magtangka ng masama sa kanya kahit na nasa iisang kwarto lamang sila. Tanda pa niya kung paano mamilipit ito sa sakit dulot ng kanyang sipa. Dahil doon ay hindi niya mapigilan na di mapatawa nang bahagya kapag naaalala iyon. 'Dapat lang, sa sunod na lumapat ang paa ko sa lower half niya, I'll make sure that something will be broken,' napapatango niyang saad sa sarili at saka iniladlad ang bagong laba na mga bedsheet at punda ng unan. 'Halos wala pa ring mga gamit dito at dekorasyon dito kaya balak ko din o iyong trabahuhin,' isip-isip pa niya habang napapabuntong hininga at inililibot ang tingin sa malaking espasyo sa loob ng kwartong ito. Ang mga gamit ng burarang si Damon ay nakakalat sa sahig, wala siyang balak na galawin ang mga iyon kaya pinabayaan lamang muna niya. Matapos ikabit ang kulay asul na kurtina sa bintana ng kwarto, napaupo siya sa kama para magpahinga ng kaunti. Sa totoo lamang, halos hindi rin naman sila nagkakasama at nagkikita nitong kanyang future husband, hindi ito umuuwi sa gabi at ramdam niyang kapag madating araw ito dumadating. Base sa pagpapakilala ng magulang ni Damon, isang successful businessman ito na ang pinapatakbo ay chains of nightclub and pub. May sarili din itong pataniman ng ubas sa spain at pagawaan ng sariling brand ng alak. 'Siguro kaya lagi siyang busy sa trabaho o sa pangba-babae. Either way, I don't don't care.' Sa totoo lamang, para silang bagong lipat na pamilya, ang bahay ay wala pang kalaman-laman at karamihan ng gamit ay nakalagay pa sa box. Ayaw naman niyang humingi ng tulong kay Damon, ni kausapin nga ito ay iniiwasan niya. Habang nag iisip pa siya ng mga dapat gawin at plano para mapaalis ito, sa ngayon ay hindi muna niya kailangan na makausap ito. "Hon, I'm off to work." Rinig niyang saad ng boses mula sa kanyang likuran. Nakasimangot naman niya itong nilingon at saka tiningnan ng masama. "Neknek mo, hindi Hon ang pangalan ko." Hindi naman ito natinag at mas inasar pa siya. "Bye, Honey," anito, sabay ngisi pa. ▼△▼△▼△▼△ "Good evening, welcome to ROSS BANE Mr. Montana and Mr. Salvador, this way please. Sir Damon is waiting for you." Tumango lamang ang lalaking tinawag na Mr. Montana ng head waitress at saka magalang na sumunod dito. Habang ang kasama naman nitong si Mr. Salvador ay nagawa pang kindatan ang magandang head waitress na sumalubong sa kanila. Ngumisi pa ito at taas noong naglakad na akala mo ay isang hari na may ari ng lugar, elegant but a little rough. The waitress let them upstairs where the private rooms are located, naroon din ang opisina ni Damon, pero hindi sila roon pupunta. Matapos madaanan ang mga pamilyar na pinto na gawa sa mahogany ng bawat private rooms na narito, ay makikita ang pinaka dulong kwarto kung saan ang owner lamang ang exclusive na gumagamit nito. Ross Bane is one of the famous, well-known and high end nightclubs in the country, own by not other than Mr. Damon Ross, he starts this business when he's in mid 20's, also in this night club you can exclusively taste the brand of wine that they produce and manufacture from spain. Nang makarating sila doon at marahang buksan ng waitress ang soundproof na pinto, bumungad sa kanila ang maganda, elegante at magarang silid. Yumuko ng bahagya ang babae at saka sinaraduhan ang pinto nang makapasok na ang dalawa. "Yow, buti nakarating kayo mga dre," bati ni Damon sa mga kaibigan, sabay taas ng basong may lamang alak. "Sarcasm ba yan? As far as I can remember we're always here like we're already living in here, dre," sagot ni Mr. Jake Montana. Napatawa naman si Mr. Brix Salvador at pasalyang umupo sa malambot na couch. "Yeah yeah, mga gago, buti nakuha nyo ang ipinaparating ko," pabirong turan ni Damon sa mga kaibigan na kadarating lamang. "Syempre naman, libre ba naman ang pagkain, alak at accommodation namin, sino ba naman ang hindi tatambay dito?" sigunda at pagpapaliwanag pa ni Brix kay Damon na ngayo'y katabi na nila sa upuan. "Such a parasite," palihim na bulong pa ni Damon habang umiinom ng Sparrow Tavern, ang wine na ipinagmamalaking sariling brand ng Ross Bane. "What? Did you say that I'm handsome, and being with me is paradise?" mayabang na tanong ni Brix. "Of course not, you're still living in your fantasy Brix," sagot ni Damon, si Jake naman ay walang pakialam sa dalawa at abala na sa pagpili ng gustong inumin mula sa maliit na beverages list. "Dickhead." "At least I'm unstoppable when it comes to bed," Damon said while wiggling his eyebrows, clearly teasing his friend. "Haha are you serious, Jake, sabihin mo kung anong alam natin." Hindi naman nainis si Brix, sapagkat may hawak pala itong alas. Kinalabit pa nito ang busy na si Jake para resbakan siya. Tiningnan naman ito ng masama ni Jake at sa huli at nagsalita rin. "Tch, may nasagap na naman ang gago na 'to, may fiance ka na daw?" "Hm lakas nyo ah, saan nyo nalaman?" napapataas kilay na tanong ni Damon sa dalawa. "So, tunay nga?" "Sagutin nyo muna tanong ko, kung hindi, di kayo pwedeng omorder," bored na saad ni Damon, naging isang linya naman ang labi ng dalawa habang nakatingin sa kanya. "That's cheating man," reklamo pa ni Jake. "Well, you're in my territory." Makatotohanang ani Damon kaya wala nang nagawa ang dalawa at umamin na lang. "Kay mayor Uno namin nalaman, kilala pa siya nang mga in-laws mo." "Oh, really?" Hindi man halata na nagulat siya, pero siguradong hindi rin niya inaasahan ang bagay na iyon. Pero kung iisipin, napakayaman ng mga Razon, kaya hindi na rin nakapagtataka na malawak ang koneksyon ng mga ito. At ang lahat ng iyon ay isang napakalaking advantage para sa kanya. Hindi niya mapigilang di mapangisi kaya itinago na lamang niya iyon sa pamamagitan ng pag inom sa basong hawak. "Baka naman kaya may pa-special invitation ka para i-celebrate ang nalalapit mong kasal?" pang aasar ni Brix. Sa totoo lamang, may isang malaking problema siyang kinahaharap ngayon. Nalalagay lamang naman sa bingid ng pagkalugi ang kanyang pinakamamahal na negosyo. Pero dahil ma-pride siya, hindi niya iyon masabi sa kanyang mga kaibigan. Alam niyang kaya siyang tulungan ng mga ito, pero bilang isang adult at mature na tao, gusto niyang sulosyunan iyon gamit ang sarili niyang paraan. At kaya nga nagpatawag siya ng inuman kasama ang kanyang mga kaibigan sapagkat sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumasang ayon sa kanya ang tadhana. "As if," nakangisi, pero naiiling na aniya sa kaibigan, wala pa sa bokabularyo niya ang mag asawa at matali sa iisang tao. May dahilan kung bakit siya pumayag sa engagement na ito, at sisiguraduhin niyang makakamit niya iyon. Si Damon Ross ang lalaking mas madalas pang pagkamalan na callboy kaysa isang successful businessman dahil sa kakaibang hilig nito, he also comes with alot of alias called by his friends or friends with benefits. Casanova, womanizer, babaero at di mapakali sa iisang kama. Ilan lang yan sa bansag na meron siya. Pero sino nga ba naman ang magseseryoso sa pagmamahal ng iisang babae lamang kung maaari naman siyang mabuhay nang malaya at walang inaalalang sakit sa ulong relasyon. For him, everything is just a game, and he will make sure that in the end. He always wins. "Pangit ba? Mataba? or obsessed sayo?" napapangiwi pang tanong nito ulit, habang binabaybay ang mga qualities ng babae na ayaw niya. "Of course not, baka di nyo na nabalitaan na may fiance ako kung ganun din naman pala ang itsura nun," mayabang at mapagmataas na sagot pa niya habang tumatawa. "Then, what's the problem? --- wag mong sabihin na pinagsawaan mo na agad, eh iisang linggo pa lang kayong engage di ba?" napapangisi namang tanong ni Jake na kanina ay hindi nakikialam. Mukhang nakuha ng usapan ang atensyon nito. Halos mapatawa siya ng malakas dahil sa pahayag nito, pero sa halip na magsalita tungkol doon ay napaisip na lamang siya ng... 'Ni hindi ko pa nga nahahawakan miski ang kamay ng babaeng iyon, ewan ko rin ba kung bakit, baka naman hindi lang talaga siya charming at sexy kaya wala akong interes na ikama siya,' naguguluhan din niyang pahayag sa kanyang isipan. "Is my house bug? Paano nyo nalalaman yan mga gago?" Hindi niya maiwasang sabihin sa dalawa, para kasing alam ng mga ito ang lahat ng nangyayari. "Haha don't underestimate our intel dre, at saka--- tss wag mo nang baguhin ang usapan," pagpupumilit na kumento pa ni Brix. "Oo nga, amin na pareng Damon," segunda pa ni Jake. Kahit mga lampas bente-nuebe anyos na ang mga ito, para pa ring mga bata kung umasta. Jake, Brix, Uno, Rigo at siya ay alumni ng Agustin University at member ng sikat na basketball team noon, matapos maka- graduate sa pristihiyosong unibersidad na iyon ay nagpatuloy pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Si Jake Montana ay owner ng mga 5 star restaurant, si Brix at Rigo naman ay isang business at ang huli ay ang kaibigan nilang bagong Mayor ng home town nito sa Buena Astra. At kapapanalo lamang nito kaya naman abala pa ito sa pagpag aayos ng mga bagay-bagay sa lugar nito, bukod pa roon, nakapag celebrate na naman sila noong nakaraan. "Don't get me wrong, maganda sya-- and beyond that, but I think there something off her, and I can't quite figure it out right now," naguguluhan din niyang sagot, at totoo ang lahat ng iyon. May kakaiba talaga kay Heiley na hindi niya magawang i-pin point, pero para sa kanya, hangga't wala pa naman itong ginagawang masama sa kanya edi pagtitiisan niyang makasama ito para na rin sa ika-pagtatagumpay ng kanyang mga plano. Upon hearing his answer, his friends quite taking a back and confusion is evident to their handsome face. "Wtf! Man! Creepy ba?" mausisang tanong kaagad ni Brix. Si Jake naman ay napatahimik na lamang at unti-unting bumalik sa beverages list ang mga tingin, na para bang ayaw makigulo sa usapan. 'Something off her' lang ang sinabi ni Damon, pero ang reaksyon ng dalawa ay para bang inamin niya na ang fiance niya ay isang cold blooded, psychotic murder. "Nope, I think she's just a hyper sensitive women." Medyo nakahinga naman ng maluwag ang dalawa, pero hindi pa rin ng mga ito maiwasan na di magtanong. "Hyper sensitive?" "Bagong term yan ah, lalo na sa mga babaeng nali-link sayo." "Hm tunay, besides, slutty and bold women is what your preference, right dre?" ani muli ni Brix sa kanya. Hindi nakasagot si Damon sa tanong ng kaibigan bagkus ay naalala nito ang mga kaganapan sa mga araw na mag kasama sila sa iisang bahay. Hindi niya mai-describe ng maayos ang kanyang napapansin, pero sa tingin niya 'Scaredly Cat' at 'Weird' yun lang ang mga salitang tama at sakto na pwedeng gamitin para sa kanyang fiance na si Heiley.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD