3RD PERSON POV MAAGA pa nang magsimulang magbyahe pauwi ang mag asawang Razon pabalik sa maynila mula sa Buena Astra. Hindi nila inaasahan na magtatagal sila ng lampas isang buwan sa lugar na iyon para sa susunod na project na gusto nilang ipatayo sa bayan na iyon. Habang nagmamaneho si Anton, ang ama ni Heiley ay biglang napabaling ito sa kanyang gilid para silayan ang walang kupas na ganda ng kanyang asawa. Kahit ilang dekada na silang kasal at magkasama ay hindi pa rin naglalaho ang pagmamahal nila para sa isa't isa. Napangiti ang may kaedadan nang lalaki dahil sa mga iniisip nito, pero mababakas din ang kaunting lungkot at pag aalala. "Ma, hindi na ba natin tatawagan si Heiley at ipapaalam na pauwi na tayo?" saad pa nito sa asawa. "Hindi na Pa, marami tayong pasalubong oh, i-su

