Chap 12 3RD PERSON POV PARANG gusto nang sumuko ni Damon, halos isang linggo na ang lumipas matapos ang insidente na nangyari kay Heiley. Lahat na ata ng pansusuyo na paraan ay nagawa na ni Damon. Nagluluto siya lagi ng hapunan at agahan pero dedma lamang iyong lahat ni Heiley. Kinakausap din niya ito at humihingi ng tawad pero kahit tingin ay hindi nito maibigay sa kanya. At dahil na din sa mga gusot sa negosyo at iba pang problema kaya halos di na niya alam kung paano pagsasabay-sabayin ang lahat ng iyon. Narito siya ngayon sa loob ng kanyang opisina sa Ross bane, dahil sa matinding frustration na nararamdaman nitong mga nakaraang linggo. Hindi niya maiwasan na hindi tumakbo sa kanyang stress reliever na gawain. At iyon ay ang manigarilyo, daig pa niya ang tambutso ng jeep sa da

