3RD PERSON POV NANG matapos ang munting reunion na iyon ay masaya silang lahat na nagkahiwa-hiwalay. Dumaan ang mga araw at bumi-bisita lagi sa kanila si Greg, siya ay madalas nitong inaanyayahan na lumabas at mag-date. Masaya naman niyang tinatanggap ang lahat ng imbetasyon nito sa kadahilanan na gusto niyang makasama ang lalaking na-miss niya ng sobra. Katulad dati simpleng panunuod ng sine at pagkain sa labas ay okay na sila. Sa mga oras na magkasama sila ay naiisip niyang parang walang nagbago sa kanilang dalawa, ang mga gawain at kwentuhan na madalas nilang ginagawa noon ay pwede na muli nilang ipagpatuloy. Sobrang saya ng kanyang nararamdaman at nasabi niya sa kanyang sarili na. Tunay nga na nagkamali siya dahil sa pag hihinala na kanyang naramdaman para sa kanyang napakabait na n

