3RD PERSON POV "Madam!" "Huh? Ano yun Ferni?" gulat na saad niya nang makita ang mukha ng kaibigan sa harap ng kanyang table. "Okay lang po ba kayo?" "A-Ah, Oo naman. May problema ba sa baba?" "Wala po madam, chine-check ko lang po kayo, lagi po kasi kayong tulala nitong mga nakaraang araw." Napapansin na rin pala iyon ng kanyang kasama dito sa shop. "H-Hindi naman hehe, may iniisip lang ako," makatotohanan naman niyang sagot dito. Ngumiti pa siya para ipaalam na hindi naman iyon ganun kalaking bagay. "Ganun po ba, kung kailangan nyo po ng kausap ay narito lang ako," pagpe-prinsinta pa nito sa kanya, matapos siyang gawaran ng isang malapad na ngiti. "Oo naman, salamat ah." Dahil sa mga salita nito ay hindi niya maiwasan na hindi maalala ang kaibigan na si Jen. Kahit malaki an

