3RD PERSON POV "Aiisst, salamat natapos din ang araw na ito," nag iinat habang napapahikab na saad ni Heiley. Matagal na rin nang huli siyang nagtrabaho sa likod ng counter at gumawa ng mga inumin na paborito niyang pagkaabalahan. Nakaupo ngayon siya sa isa sa mga silya ng dining area at ipinapahinga ang kanyang masakit na likod. Dahil BER months na kaya naman mas masigla na ang mga customer para bumili ng mainit at masarap na kape. Ganun din kaya marami silang customer ay dahil sa maganda at buhay na buhay na decorations ng kanilang shop. Instagramable worthy ang white Christmas theme ng kanilang Cafe. Sayang wala siya dito at nasa bahay siya at nagpapahinga nang maglagay ng dekorasyon si Ferni, sana ay natulungan niya man lang ito kahit paano. "Ferni?" "Yes, Madam?" sagot nito, mat

