3RD PERSON POV BASE kay Jen, balak nito na sa malawak na garden ng bahay ganapin ang engrandeng birthday ng anak. "Alam mo kasi bes, tunay nga na maganda sa mga prepared venue, tulad ng resort, hotel at iba pa na mag daos ng mga occasion, less hassle nga naman at mabilis," sermon pa nito, habang tumutulong sila sa paglilinis ng mga natirang kalat mula sa desensyo ng lugar. "-- pero kung mas gusto mo nang mas hands on na venue, food at iba pa. Mas prefer ko talaga ang sa bahay na lang ganapin di ba? At saka dahil baby pa si Savannah kaya sensitive sya sa lugar, baka hindi rin maging successful ang birthday party niya kung iiyak lang sya sa buong oras," dugtong pa nito habang tumatawa. Habang pinagmamasdan ang kaibigan ay bigla niyang napansin ang isang bagay. Maraming taon na nga ang

