3RD PERSON POV HINDI mawari ni Heiley kung pakiramdam lang ba niya iyon, pero matapos mabanggit ang tungkol sa pamilya nito ay parang dumilim at bumigat ang aura sa kanilang paligid. "Ahm haha, bakit di mo muna tikman ang niluto ko bago lumamig pa ito," turan nito na halatang iniiwasan ang topic na iyon. "S-Sige ba." Tinanggap naman niya ang isang sandok na menudo na inilagay nito sa kanyang plato. Matapos magpasalamat ay tinikman niya iyon. Habang iniintindi ang lasa. Pakiramdam naman niya ay para siyang isang kriminal na nasa interrogation room dahil sa tindi nang pagkakatitig ni Damon sa kanya. Siguro ay hinihintay nito ang kanyang reaksyon mula sa niluto nito. Makalipas ang ilang sigundo ay napagtanto niyang halos walang pinagkaiba ito sa normal na menudo. "Ano sa tingin mo, Ho

