3RD PERSON POV "H-Hon?" bulong pa nito sa kanya na bakas ang antok mula doon. Narito pa rin sila sa harap ng gate. "Oo, gumising ka na, ang bigat mo," saas naman niya, sapagkat hindi na niya kayang suportahan ang bigat ng katawan nito na nakapatong sa kanya ngayon. "Ah!" Mabilis naman itong umayos ng pagkakatayo. "Sorry sorry," anito pa habang napapakamot sa ulo. Napa awa na lamang naman siya sapagkat mukhang pagod na pagod ito, kaya naman minabuti na lamang niya itong anyayahan."Halika, pasok muna tayo sa loob." Tumango lamang naman ito ng bahagya at sumunod sa kanya. Nang makapasok sa bahay at makarating sa living room ay naabutan pa rin nila ang kanyang mga magulang na naroon. "Hi hijo!" "Good evening po, Ma, Pa," bati naman ni Damon sa kanyang mga magulang at sinalubong pa ang m

