3RD PERSON POV "Anong ibigsabihin mo?" tanong pa ni Heiley sa babaeng kausap. Napahinga naman ito ng malalim bago magsimula sa pagsasalay-say. "Sa totoo niyan Ms. R--" "Heiley na lang," pagtatama pa niya, para naman kahit paano ay mapalagay ang loob nito sa kanya. "Sa totoo niyan Heiley, may nangyari din sa amin ni sir noon, pero isang beses lamang iyon, kahit kailan naman ay walang naging karelasyon si sir Damon. Lahat ay fling at one night stand lamang--" pagsisimula pa nito. "---- charming nga si sir at talaga namang chick magnet, kaya habulin ng mga kababaihan." "Tunay, kung iisipin nga ng mabuti, si Damon yung uri ng lalaki na hinahabol at hindi humahabol sa mga babae, para bang hindi lamang niya matanggihan ang mga ito kaya ine-entertain niya." "Tama, Heiley. Yan nga ang kar

