3RD PERSON POV "G-Greg? hindi makapaniwalang saad ni Heiley, habang magkalapit ang kanilang mukha sa isa't isa. Mabuti na lamang at abala ang mga tao sa paligid kaya wala nagbigay ng atensyon sa kanila. Pero bigla rin niyang naisip na hindi lamang ang sasabihin ng iba ang mahalaga ngayon kung hindi ang sitwasyon kung saan sila. "Oo Ley, ahm may masak--" Hindi na nito naituloy ang sasambitin pa sapagkat naitulaka na niya ito pala. "B-Bitawan mo ako," biglaang turan niya dito, habang humihinga ng malalim para mapakalma ang sarili at hindi magkaroon ng panic attack. Ang paghawak nito sa kanya ay talaga namang nagdala ng matinding kilabot sa buo niyang katawan kaya mabilis siyang napalayo dito at pinilit na tumayo mag isa. "Ley, wait--" Hindi na niya ito pinakinggan pa at patakbong lum

