Pagkarating ni Rei isang oras simula nang maghanap si Gregor doon ay kaagad ipinaalam ni Ruki sa kaibigan ang pagpunta ng kuya nito.
"Hindi naman siya nagtext sa akin."
"Hindi kasi matawagan ang phone mo. Naka-off yata," sagot ni Ruki.
"Naka-off?" Hinugot nito ang telepono mula sa bulsa saka pinindot. "A, oo nga, naka-off. Na-lowbatt siguro."
"Hindi mo napansin?"
"Hindi, medyo nagkasayahan kasi. Nakalimutan ko nang silipin ang cellphone ko."
"A..." aniyang tumango-tango, ibinalik ang tingin sa pinapanood na movie. Natapos na niya ang horror kanina pero nakahanap na naman ng isa pa kaya hanggang ngayon ay nakaupo pa rin siya sa sofa.
"Ano na naman kaya'ng kailangan no'n? Ruk, pahiram naman ng cellphone mo."
"O ba," usal niya na kinuha ang cellphone mula sa gilid at inabot sa kaibigan.
"May pantawag ka ba?"
"Oo, meron."
"Patawag ha?"
"Sige lang."
Nagpindot ito ng numero saka itinabi sa tainga ang cellphone. "Kuya, pumunta ka raw rito?...A, hindi pa, e," anitong nagkamot ng ulo. "Sige na, sige na, gagawin ko tonight...Opo...opo..." saad nito sa walang ganang tono. "Ikaw, halika, dala ka ng foods."
Napaangat ang mukha ni Ruki sa lalaking hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
'Pupunta na naman dito ang kuya niya?'
Gusto niyang mapaismid. Kung pag-aari lang niya ang bahay na iyon ay siguradong banned si Gregor! Lalagyan niya sa labas ng pintuan ng paskil na "No to frowning people."
"Salamat, Ruk," saad ni Rei na pinunas muna ang telepono sa puting -t-shirt bago isinauli sa kanya.
"Sige lang," sagot niya na tinanggap ang cellphone.
"Sisimulan ko na palang gawin 'yong usb n'ya, si Klint kasi nagpasama pang bumili ng sapatos. A, may nakita pala akong ID sling sa mall. Maganda, o." Nagtaka si Ruki nang iabot nito sa kanya ang isang itim na paperbag. May puting check sa gitna niyon.
"Ano 'to?"
"ID sling."
"Ba't mo binibigay sa 'kin?" usal niya na tinanggap ang supot.
"Binili ko 'yan para sa 'yo."
"Sa akin? Salamat ha? Ikaw pala?" Excited niyang binuksan ang bag.
"Meron din ako, blue."
Napangiti si Ruki nang ilabas ang isang may kakapalang sling. Combination of yellow and black iyon.
"Salamat, ha."
"Sige, aayusin ko muna tong pinapagawa ni kuya. Pakibuksan na lang, Ruk, 'pag dumating."
"Sige, sige," aniyang tumangu-tango. Pumasok na ang kaibigan sa kuwarto habang siya ay ibinalik ang tingin sa TV.
Hindi man lang nagtagal ng isang oras, may kumatok na sa pintuan nila. Base sa lakas at dami niyon, nakikinita na ni Ruki kung sino ang nasa labas.
Mabigat ang katawan na nilisan niya ang malambot na sofa para pagbuksan ang bisita. Hindi pa rin ito tumitigil sa kakakatok kaya uminit na naman ang kanyang ulo. Ikinabit niya ang security chain bago binuksan ang pintuan at sinilip ang labas.
"Sino po sila?"
Sa totoo lang, puwede naman niyang silipin sa peephole kung sino ang dumating pero dahil naiinis siya sa lalaki kaya gusto rin niyang asarin.
"Open," saad ng boses lalaki.
Lumayo si Ruki sa pintuan at nang hindi na siya nakikita nito ay dumila. Tinanggal niya security chain saka binuksan nang malaki ang pintuan.
"Rei!" tawag kaagad ni Gregor nang makapasok. Inilapag ang isang malaking supot sa lamesa saka tumuloy sa kuwarto ng kapatid. Isinara ni Ruki ang pintuan pagkatapos ay nilapitan ang lamesa at sinilip kung ano ang nasa loob ng supot.
A bucket of friend chicken, pastas, french fries and softdrinks in can. Hmmn.
Bumalik siya sa sofa at itinuon ang atensiyon sa pinapanood.
"Gano'n lang pala 'yon?" rinig niyang sabi ni Gregor, palabas na ito mula sa kuwarto at nakasunod si Rei.
"Oo kuya, pero siyempre mas madali sa akin, mas expert ako sa ganyang larangan, e. Wowowee! Fried chicken," anito nang malingunan ang pagkain sa mesa. Puno ng kagalakang dumulog si Rei at pinakialaman ang laman ng supot. "Ruk, 'li ka na. Dinner na natin 'to." Nag-aalangan niyang pinatay ang pinanood saka sumunod sa lamesa. Tumabi si Gregor sa kapatid kaya sa kabilang side na siya umupo.
Pinagsaluhan ng tatlo ang dalang pagkain ni Gregor habang pinag-uusapan ang kahit na anong bagay. Tungkol sa eskuwela, sa projects, sa trabaho ng lalaki, minsan nadadamay pa siya.
Nakikisali naman siya paminsan-minsa sa palitan ng salita ng mga ito pero madalas nakikinig na lamang siya. Naaasiwa pa kasi talaga siya sa kuya ni Rei.
Gregor was still indifferent towards him, hindi ito masyadong nakikipag-eye-contact sa kanya pero hindi naman na nagsusungit. Nakikinig din naman ito kapag siya na ang nagsasalita, pero ramdam pa rin ni Ruki ang makapal pa sa great wall of china na gap nilang dalawa.
"'Di ba, Ruk? Kahit doon sa coffee shop n'yo, naalala ko, ganoon din ang lasa."
Pinag-uusapan ng mga ito kung gaano kamahal ang sinisingil ng mga kapehan sa simpleng timpla ng kape.
"A, oo. Parang pare-pareho lang yata," sagot ni Ruki.
"Nagpa-parttime kasi siya kuya, sa isang coffee shop. Self made 'yan, e."
"H-hindi! Hindi naman self made, ang ate ko pa rin ang nagbabayad ng tuition ko. Hindi nga nila alam na nagtatrabaho ako. Pandagdag lang naman sa allowance ang kinikita ko roon." Napilitan tuloy siyang magsabi tungkol sa sarili.
"Napakamasikap niyan, Kuya. He was once a dean's lister sa department namin." Napangiti na lamang siya sa sinabi ng kaibigan. Totoo iyon, dumating ang panahon na nagawa niyang makatuntong sa ganoong listahan pero simula noong nagka-major subjects na siya, medyo nakaramdam na siya ng pressure sa pag-aaral. Nadagdagan ang stress at loads kaya hindi na napasali.
"Noon lang 'yon."
"That's good." Napaangat ang mukha ni Ruki nang magkomento nang ganoon si Gregor. "You should be influenced by that, Rei. Kaysa online games ang lagi mong inaatupag. Magpatulong ka sa kanya na mag-aral."
"Yeah, nagpapaturo naman ako, Kuya. Pero kita mo naman, 'di ba? Naayos ko ang file mo, 'di ang galing ko." Ngising sabi ni Rei. "Ano'ng oras nga pala ang duty no tonight , Kuya?"
"Wala, two days off ko."
"Whoa! So, are you gonna stay here until midnight? Let's get something to hype the mood! Ano? Game ka, Ruk? Tanghali pa naman klase mo tomorrow, 'di ba?"
"Uh...sure."
"E, ikaw? Ano'ng klase mo bukas?" baling ni Gregor kay Rei.
"10 Am, pero minor naman 'yon."
"Minor or not, you have treat it seriously."
"Siyempre naman, Kuya. Pero yakang-yaka, e. Ganito, o." Itinaas ni Rei ang sariling hinliliit at ipinakita sa kapatid.
"Hmf, you better be sure about that."
"So, ano? Sige na, Kuya! 'To naman, napaka-oldie!"
"Ano'ng oldie?"
"Ano pa ba? At dahil ikaw ang matanda, ikaw ang taya, ha?"
Nagpakawala ng ismid si Gregor pero humugot ng pitaka saka naglabas ng pera.
"Uh, ako nang bibili," sabi ni Ruki. Nakakahiya naman kung maghihintay lang siya ng grasya. Mas mainam na iyong siya na ang bibili nang sa ganoon ay may contribution naman siya.
"Sure ka? Samahan na kita," usal ni Rei.
"No, ako na. D'yan lang naman. Ano'ng bibilhin ko nito?"
"Vodka 'tsaka bili ka ng mixer. 'Yong lime soda and some chips. Ikaw nang bahala. Sure ka ha, ikaw lang?"
"Oo, kaya ko na 'yon."
Dalawang kanto lang naman ang convenient store kaya hindi nagtagal ay nakabalik kaagad si Ruki. Inilapag niya ang dalawang supot ng pinamili sa lamesa. Mula sa sofa, tumayo si Rei para tulungan siyang haluin ang inumin.
Napasarap ang kuwentuhan ng tatlo. But actually, ang magkapatid lang, as usual, ang maraming naiambag sa usapan. Sumasagot lamang siya o minsan ay nagsasabi ng maikling opinion.
Sa carpeted na sahig, magkatabi si Rei at Ruki na nakasandal sa mahabang sofa. Nakalapat naman ang likod ni Gregor sa paa ng isa pang single sofa. Sa gitna nila ay ang oblong na glass table
"Why haven't I met your girlfriend yet?" tanong ni Gregor sa kapatid.
Ngumiti si Rei saka ibinaling ang tingin sa hawak na baso. "Wala ako n'yan, Kuya."
"Why? You're already nineteen, you should have one. I had my first when I was twelve. Siya rin ang una kong naka-sex."
Buhat sa narinig ay nasamid si Ruki sa iniinom na vodka. Tuloy-tuloy ang pag-ubo habang napapahawak sa leeg dahil tila sinilaban ang kanyang lalamunan.
"Hey, what happened to him?"
"Ruki, okay ka lang? Teka, ikukuha kita ng tubig."
Nagmamadaling tumayo si Rei para pumunta ng chiller. Napahawak ito sa sofa marahil dahil nakaramdam na ng hilo.
"Here, inumin mo."
Nakaramdam ng pagkaginhawa si Ruki nang maglandas ang malamig na tubig sa kanyang lalamunan.
"Salamat."
"Hinay-hinay lang sa pag-inom. Hindi ka pa naman heavy drinker," sabi ni Rei sa kanya.
"So, where were we? Oh, about the girlfriend. Dapat naka-pile up na iyan ngayon para pipili ka na lang kung sino'ng seseryosohin. That's the pride of a Carriega!"
"Hindi ko pa lang nakikita ang worth it sa pansin ko, Kuya. Hindi naman ako nagmamadali, e. Ang ilalaan kong oras sa date, ilalaro ko na lang ng computer. Kumpleto pa ang araw ko."
"How about you? May girlfriend ka ba?" tanong ni Gregor sa kanya.
"Huh?" sabi niyang nakataas ang mga kilay. Naiwan sa ere ang kamay na may bitbit na chip na sana ay kakainin niya.
"Don't tell me you don't have."
"Uh, wala."
"Bakit ang hihina ng mga kabataan ngayon? Are you also crazy over computer games?"
"H-hindi po, ano..." aniyang nagkamot ng kilay. "Busy kasi ako sa trabaho kay wala nang time sa ganyan."
"Don't push yourselves too much over things that give you pressure. Live life, habang bata pa kayo. Sayang ang mga semilya n'yo kung hindi maranasang pumasok sa butas ng mga babae."
Mabuti na lang talaga at hindi na siya umiinom nang banggitin nito iyon dahil baka masamid ulit siya. Hindi pa naman madali.
Two hours more at bulagta na si Rei. Hindi naman ito masyadong nalasing pero inantok sa kalagitnaan. Napansin na lang niyang humihilik na. Marahil ay napagod din ito sa nilakad kaninang tanghali.
Dahil hindi naman niya masyadong binilisan ang pag-inom kaya kaunti lang ang tama niya. He still felt wobbly though, pero kaya pa niyang maglakad nang maayos at magsalita. Si Gregor naman ay namumula na ang mga mata, may laman pa rin ang basong hawak. Balak pa yata nitong ubusin ang naiwang laman ng pitsel. Malapit na rin namang maubos.
Tinungga nito ang huling laman ng baso bago itinukod ang kamay sa lamesa at tumayo, naglakad papuntang banyo.
Habang wala ang lalaki ay unti-unti nang iniligpit ni Ruki ang mga pinagkainan nang tumunog ang kanyang cellphone.
Hawak ang plastic bag sa kaliwang kamay, kinuha niya ang cellphone mula sa sofa at sinagot iyon.
"Yes, Zia? Bakit ka napatawag?" Napatingin siya kay Rei at hininaan nang kaunti ang boses nang sa ganoon ay hindi ito magising. Pagkatapos ay tiningala ang wall clock.
10:11 PM
"Nandito ako ngayon sa raket. May naghahanap ng magandang boylet. Ano, gusto mo ba?"
Napangiwi si Ruki dahil naalala na naman niya ang naganap noong nakaraang raket.
"Ano'ng gagawin? Lalabas na naman ba ako sa cake at magpagiling-giling? Ayoko na."
"Pero galante 'to! Anak ng may-ari ng hotel."
"Pass muna ako, Zia. Tama na iyong kay Gov. Paloma."
"Sigurado ka? Sayang naman."
"Yeah, ibigay mo na sa iba. Sige na, nakainom din ako. Inaantok na 'ko."
"Okay, sige bye!"
Pinatay ni Ruki ang cellphone saka initsa sa sofa. Ipagpapatuloy na sana niya ang pagliligpit pero natigilan sa nakitang ekpresyon ng mukha ni Gregor. His eyes became a single line, thick brows met in a furious way. Pati ang mga bagang nito ay nag-igtingan. What made him nervous was the intense glare he threw at him.
Bakit ito nagagalit? Dahil ba nagligpit siya?
"Uhm...niligpit ko na po ang ibang kalat para--" Natigil si Ruki sa pagsasalita dahil inilang hakbang lang ni Gregor ang kinatatayuan niya. Hinawakan nito ang kanyang braso at saka hinablot.
"So that's why you look so familiar. You were that homo b***h who crawled his way to the governor's lap."
Napangiwi si Ruki sa sakit ng pagkakahawak nito sa kanyang manipis na braso.
"T-teka po--" Lumingon muna ang lalaki sa natutulog na kapatid bago siya hinila patungong banyo. Isinara nito ang pintuan at saka siya itinulak sa pader.
"Ano'ng motibo mo sa pagtira dito, huh? Plano mo bang sungkitin si Rei? Hinding-hindi kita hahayaang gawin iyan sa kapatid ko!"
"H-hindi po. Magkaibi--" Ruki's words was cut with Gregors hand against the tiled wall. Napaigtad siya nang malakas nitong hinampas ang pader.
"Don't give me that bullshit! I know your kind, nilalandi ninyo ang lahat ng lalaki para sa inyong pagkauhaw sa laman. I won't let my brother get infected by your--sickness! Kaya kung ako sa 'yo, umalis ka na rito hangga't maaga pa. Huwag mong hintaying ako mismo ang magpaalis sa iyo!"
Pagkatapos sabihin iyon ay binuksan nito ang pintuan ng banyo pero bago tuluyang lumabas ay binalikan siya saka dinuro. "Pack your things immediately and leave this place."
Bumalik ito sa sala para lang kunin ang naiwang cellphone at pitaka. Naglakad na kaagad patungong main door at lumabas. Sa galit ng lalaki, nahinuha ni Ruki na malamang ay ibalandra nito ang pintuan ngunit hindi iyon nangyari. Marahil dahil ayaw nitong marinig ni Rei ang ruckus na ginawa.