Part 2

1308 Words
Padabog na tinanggal ni Ruki ang suot na headdress at maskara saka ibinagsak sa plastic na lamesa. Halos malukot na ang dila sa lakas ng pagkakapalatak. "Ugh! Ayoko nang makita pa ang matandang iyon talaga! Napakamanyak!" Kung hindi lang siya nagpigil ay nalamukos na niya ang headdress dahil naaalala niya ang kahayupang ginawa ng customer sa kanya sa bagay na iyon. Kung pag-aari lang niya iyon ay matagal na niyang sinira at na-shoot sa basurahan. "Okay lang 'yon, tiba-tiba ka naman," saad ni Zia sa kanya, his university friend at siyang nag-offer sa kanya ng raket na iyon. Nagbibihis na rin ito. Nasa loob sila ng isang maliit na silid na ginawang bihisan. "This will be my first and last, Zia! I'm never gonna do this forever." Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya at pabagsak pa rin ang kilos habang kumukuha ng wet tissue at ipunas sa mukha. Natanggal niya na rin ang nakakahilakbot sa kaluluwang costume. "Halos gahasain na ako ang hinayupak na 'yon!" "Sshhh! Ano ka ba? Huwag kang maingay at baka may makarinig sa iyo. Nakakatakot pa naman ang governor na iyon." Natigil naman siya sa kasasalita ng masama. Napagtanto niyang tama ang sinasabi nito. Baka ipa-m******e pa siya at tanggalin sa listahan ng census. "Magkano pala ang tip na binigay?" "I dunno." "Hindi mo tinanggap?" Dumukwang ang babae sa gilid ni Ruki na ikinagulat ng lalaki. "Tinanggap ko, pero hindi ko tiningnan. Sa asar ko, basta ko nalang kinuha." "Bilangin mo kung magkano!" "Sa bahay na! Gusto ko nang makaalis dito." "Chika ka naman kung magkano." "Text ko na lang sa 'yo. Ikaw rin naman may tip, 'di ba?" "Oo, dalawang libo lang." "Teka." Kinalkal niya ang bag saka inilabas ang kumpol ng papel na pera, binilang iyon. "Ten thousand?" Maging siya ay hindi makapaniwala sa nakikita. Sampung libo, hindi pa kasali ang mismong bayad sa kanila. "Wow, pa-burger ka naman!" Tinignan ni Ruki ang oras sa cellphone. 11:08 PM "Sige, late snack muna tayo?" "Ayan! Sige." Humantong ang mga paa nila sa isang fastfood. Parehong hamburger with fries ang kanilang in-order. "Zia, ganyan ba talaga palagi kapag may ganoong raket?" Hindi pa rin siya maka-get-over sa pandidiri sa pinaggagagawa ng kliyente. "Nakita mo ba? He groped my ass!" "Minsan, yeah. Kahit na pinagsasabihan sila during transaction na bawal i-harass ang mga performer, pagdating sa actual gumagawa pa rin ng kabulastugan. Buti nga 'yong customer mo, galante. 'Yong iba, hinipuan ka na't lahat, thank you lang ang ipapabaon sa iyo. Hindi talaga maiiwasan lalo kapag mga hayok sa laman. Pero may iba naman na halos hindi rin humahawak. Mga gentlemen." Dumukot si Ruki ng limang daan mula sa bag saka inabot sa babae. "Salamat, Zia, ha? Ito pang-taxi mo." "Naku, ikaw talaga! Tatanggapin ko 'yan, ha?" "Please, tanggapin mo na. Maraming salamat sa pagbigay mo sa akin sa raket na ito. Malaking tulong to kasi eksaktong may project kami sa school." "Okay lang 'yon. Kung babae ang hinanap ni Gov, hindi ko talaga ibibigay sa 'yo ang chance," anitong ngumisi. "Kaso, lalaki ang trip, e, at mukhang bet ka talaga, Ruki." Napangiwi siya sa narinig. "Kung ako ba naman magkaroon ng ganyan kaputi at kinis na kutis. Daig mo pa ang babaeng maarte, e. Tingnan mo, o!" Itinabi ng babae ang kamay nito sa nakalatag niyang kamay sa itaas ng lamesa. "Ang puti. Tapos, petite ang katawan. Para ka tuloy babae na nagkaroon lang ng noches!" Naitabon ni Ruki ang kamay sa bibig habang mahinang tumawa. "Baliw ka talaga," Iiling-iling niyang sabi. "'Di nga, kahit nga kamay mo." Ngayon, kinuha naman nito ang kanyang kamay at tinitigan. "Ang hahaba ng fingers, mas slim pa kaysa sa akin." Binawi ni Ruki ang kamay saka ipinagpatuloy ang pagkagat ng burger. "Huwag mo ngang ikumpara sa iyo. Siyempre magkaiba tayo ng mga magulang kaya hindi magkapareho ang features natin. Hindi naman ibig sabihin, may humigit." Dinampot niya ang bottled water na nasa harap at uminom mula roon. "Wala ka pa rin bang boyfriend, Ruki?" "Ano? Wala!" "Bakit napakataas ng energy kung maka-wala?" Natatawang sabi ni Zia. "Napaka-virgin mo talaga." "Ikaw kasi, kung saan-saan lang napupunta ang topic. Bilisan mong ubusin 'yan at gusto ko nang humiga sa kama." "Since birth?" "Wala nga," aniyang inismiran ang kaharap. Mas lalo namang napukaw ang curiosity nito. "Bakit naman wala? Sa ganda mong 'yan?" "Hindi ako maganda, Zia. Lalaki ako." "A guy can be beautiful. At isa ka na roon. Hindi bagay sa iyo ang salitang guwapo kasi halos lahat ng features mo, pambabae." Pinaliit ni Ruki ang mga mata saka ngumiti ng sarkastiko. "Bakit nga wala?" "Ayoko lang. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, hindi ako papasok sa ganito. May problema lang kasi kami kaya nag-resort ako sa pagraraket. Nakakahiya nang humingi nang humingi." "Hindi alam ng family mo na nagtatrabaho ka?" Umiling siya. "Kailan lang din naman ako nag-umpisa. Huwag kang maingay about sa raket na ito, Zia, ha? Wala akong balak na ipaalam ito sa kanila kahit kailan, lalo na doon sa nangyari kanina. Baka mapatay ako ng ate ko.” "Okay, ikakandado natin sa baul ang sekreto mo." Matipid siyang ngumiti. "Salamat." *** Past midnight na nang makauwi siya sa condo. Tirahan iyon ng isa sa mga close friends niya at classmate na rin, si Rei. He has been staying there for two weeks already. Noong narinig ng kaibigan na kailangan niya ng temporary na matitirhan ay nag-offer ito sa kanya. Nakakahiya man ngunit tinanggap na ni Ruki dahil malaking tulong din iyon sa kanyang pagtitipid. Kung wala lang sinusuong na problema ang kanyang pamilya sa amo ng kanyang ate ay hindi mangyayari ang ganoon. They had to fly to Gensan pero dahil kasagsagan na ng midterms kaya hindi siya makakaalis ng Maynila kaya magpapaiwan siya. Kailangan lang na huwag matunton ng boss ng kapatid kung saan siya umuuwi. He promised to pay Rei a monthly room rent pero matindi ang paghumindi nito. Napatango niya lang nang sabihin niya tutulong na lamang siya sa kanilang pagkain. Rei is such a kind person. Kailan lang sila naging masyadong magkasundo pero parang kilala na niya ang lalaki ng ilang tao. Hindi kakitaan ng masamang ugali, napakamapagbigay. He heard that Rei’s family is wealthy, mukhang totoo iyon base sa kinuhang condo ng kaibigan. Alam niyang hindi biro ang halaga niyon dahil sa ganda ng building at location. Pero hindi iyon ang habol niya kaya siya nakipagkaibigan. In fact, magkakilala na sila nito saka pa lang niya nalaman ang family background ng lalaki. Tinipa ni Ruki ang passcode sa electronic lock ng pintuan ng condo. Pagkatapos pindutin ang enter ay tumunog na ito at bumukas ang pintuan. Dahan-dahan siya gumalaw para huwag makalikha ng ingay sa sala. The condo was quite big. May dalawang kuwarto, isang common CR at sala. Mula sa sala ay, kung hahawiin ang makapal na kurtina ay matatanaw ang malapad na siyudad. Lalo na kapag nakatayo sa veranda na kanugnog lang niyon. It was equipped with complete appliances, may black sala set at malaking TV. Pinakiramdaman ni Ruki kung gising pa ba si Rei sa kabilang silid ngunit wala na siyang marinig na kaluskos mula roon. Marahil ay tulog na. Mabuti naman dahil sunod-sunod na ang mga araw na late na itong natutulog sanhi ng paglalaro ng online games. Pumasok si Ruki sa sariling kuwarto at ibinaba ang mga gamit. Umupo sa malambot na kama. Maging ang mga kagamitan doon ay pag-aari rin ni Rei. Literal na damit lang ang dinala niya. Humugot si Ruki ng malalim na hininga. That night was such a crazy one. Hindi niya inakala na makakaya niyang umakto ng ganoon sa harap ng maraming tao. He, that is an introvert person, just wore a scandalous costume in a very disreputable scene. May nalalaman pang “Daddy”. Kung hindi lang sinabi ng organizer na kailangan niyang sabihin iyon, nunca na gagawin niya ang ganoon bagay! He literally shivers in disgust whenever he remembers how the governor played with his naked body. The old man even tried to kiss his neck! "Manyak!" saad niya na tumayo para maghubad at kinuha ang towel para linisin ang sarili sa banyo. By bathing himself under a very cold water, baka makalimutan pa niya kung gaano karumi ang ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD