Chapter 33 Gabriel's Pov “Iwan muna kita dito. Bukas na kita bibilhan ng mga gamit. Pwede ka munang gumamit sa mga damit ko dyan. Maghalukay ka lang dyan muna Olive puntahan ko muna mga tauhan ko.” Wika ko sa kanya “Sige Gabriel salamat.” Sagot niya sa akin. “Baba muna ako saglit.” Paalam ko sa kanya. Nagtungo ako sa baba nakita ako ni Mang Hulyo. “Gabriel kumusta nasabi mo na ba kay Olive lahat?” Tanong ni Mang Hulyo sa akin. “Opo Mang Hulyo alam na niya lahat. Naipapaliwanag ko na lahat sa kanya pero may nalaman ako Mang Hulyo ang kanyang madrasta ay si nanay Gloria na ang ina ko.” Ani ko kay Mang Hulyo. “Ano? Si Gloria na mama siya pala ang madrasta ni Olive?” Gulat na tanong ni Mang Hulyo . “Oo Mang Hulyo kailangan kung bawiin si mama doon sa puder ni Theodore baka anong man

