Chapter 22 Gabriel's Pov Nagpatuloy kaming nag biyahe Santiago pauwi sa mansion. Kailangan namin paghandaan ang pagsulong ng mga tauhan ni Don Theodore dito sa isla. Nakarating kami agad sa mansion ni Santiago ng mabilis. Bumaba una si Santiago sa sasakyan. ‘’Oh,Santiago bakit ngayon ka lang nakabalik?’’Tanong ng isang kasamahan nila. ‘’May nangyari kasi sa resort kanina nandyan si boss kasama ko siya nasa loob pa siya ng sasakyan.’’ Wika ni Santiago sa isang kasamahan niya. Bumaba ako sa sasakyan saka pumasok agad sa mansion. ‘’Gabriel bakit ka bumalik agad? Akala ko ba papasok ka ngayon sa trabaho mo?’’Tanong ni Mang Hulyo sa akin. ‘’Nagkagulo doon kanina doon sa resort.’’Sagot ko kay Mang Hulyo habang kaharap siya sa pintuan. ‘’Bakit anong nangyari Gabriel?’’Tanong ni Mang Huly

