Chapter 7

1649 Words
Chapter 7 Gabriel's Pov Nang natapos kaming kumain ni Mang Hulyo pumunta muna ako sa labas pinuntahan ko mga tauhan ko para kumustahin sila doon sa tinutulogan nila. “Boss napadpad ka dito? Ano sa atin boss may ipag uutos ka ba sa amin?” Tanong ni Santiago sa akin. “Wala naman Santiago kinumusta ko lang kayo dito kung okay lang ba kayo.” Wika ko kay Santiago. “Okay naman kami boss. Yung pang inom na lang wala.” Pabirong wika ni Santiago sa akin. “Sige ito pambili niyo bumili na din kayo ng pang sumsuman nyo Santiago kayo na bahala dyan.” Wika ko sa kanya. “Salamat nito boss Gabriel.” Wika niya sa akin. “Basta ha hindi masyadong magpakalasing yung sakto lang naman.” Wika ko sa kanila. “Salamat po boss.” Wika nila sa akin. “Papasok na ako magpahinga na ako may trabaho pa ako bukas.” Wika ko sa kanila. “Boss bakit ka pa nagtatrabaho mayaman ka na nga nagpapakahirap ka pa talaga.” Wika ng isang tauhan ko. “Oo nga boss mapapagod ka lang doon boss. Hindi mo naman kailangan yang pera sinasahod mo.” Wika din ng isang tauhan ko. “Ganun talaga pag may inaabangan ako tao para maka ganti.” Wika ko sa kanila . “Sige na mag inuman na kayo basta sinabi ko huwag masyadong magpakalasing.” Wika ko sa kanila. “Arreglado boss. Ako na bahala sa kanila.” Sagot ni Santiago sa akin “Sige na magpahinga na ako kayo na bahala dito.” Wika ko sa kanila sabay alis para pumasok na sa loob ng bahay. Dumiresto na ako sa kwarto para mag pahinga na din ng tuluyan. Kinabukasan saan maaga dumayo na mga kaibigan ni Olive na sila Marco,Yuri,Tom, Riz at Cindy sa daungan ng bangka papunta sa isla ng Limasawa. “Nasaan na ba itong babae na ito siya na lang din hinihintay dito. Akala ko ba maaga tayo bakit siya na huli pa.” Wika ni Riz sa mga kasama niya. “Alam mo naman kilos ni Olive mahinhin talaga kilos noon parang MariaClara.” Cindy kay Riz. “Hintayin na lang natin siya baka gusto ng papa niya ihatid pa siya dito.” Wika ni Marco sa dalawa. “Kuya pwede pa bilisan naman po hinihintay na nila ako doon sa sakayan.” Wika ni Olive habang hindi mapakali sa pagka upo. “Sige po ma'am malapit na po din tayo.” Wika ng driver ni papa. Tingin ng tingin sa relo si Olive alam nyang late na siya sa pupuntahan nila. Ilang sandali nakikita na niya mga kasama ni Olive. Huminto na ang sasakyan saka bumaba ang driver para pag buksan si Olive. Bumaba si Olive sa sasakyan. “Guys, sorry nahuli ako si papa kasi antagal niya akong pinaalis sa bahay sorry talaga.” Wika ni Olive sa kanila. “Parang hindi kami sanay na sayo Olive para ka din MariaClara kumilos eh.” Wika ni Cindy sa kanya. “Sorry talaga guys.” Sagot ni Olive sa kanila. “Tara na guys ok na yan alis na tayo.” Wika ni Marco sa kanila. Dahan-dahan na silang sumakay sa bagkang motor. “Gabriel parang ang porma mo naman pumasok ngayon? May pinopormahan ka ata doon sa pinagtatrabahuhan mo?”Tanong ni Mang Hulyo sa akin. “Gwapo naman talaga ako Mang Hulyo habulin pa talaga ng mga babae.” Sagot kong pabiro sa kanya. “Aba-aba akala ko ba may babantayan ka doon parang iba na ata ginagawa mo Gabriel?” Wika ni Mang Hulyo sa akin. “Hindi naman sa ganun Mang Hulyo ginagampanan ko naman ang plano ko. Kasalanan ko bang magkagusto ang mga babae sa akin. Sa gwapo ko nito sino hindi mainlove sa dating ko Mang Hulyo.” Tawang sagot ko sa kanya. “Oo naman gumwapo ka ngayon ng tudo Gabriel. Kaya pala malakas loob mo” Wika ni Mang Hulyo sa akin. “Mang Hulyo naman hindi ka ba pabor gwapo ang alaga mo?” Tanong ko sa kanya. “Bilisan mo na dyan Gabriel anong oras na alalahanin mo ngayon trabahante ka sa isang resort hindi ka amo.” Wika ni Mang Hulyo sa akin. “Ay, oo nga pala oras ng magtrabaho sa resort late na ako.” Wika ko kay Mang Hulyo. “Mag nnpahatid ka na Gabriel late ka na yan pag dumating ka doon.” Wika ni Mang Hulyo. “Huwag na baka may makakita doon mag commute na lang ako Mang Hulyo madadala pa naman sa kapogian.” Biro kung sagot na naman sa kanya. “Umalis ka na nga dami mo pang sinasabi Gabriel mahahampas na talaga kita.” Wika ni Mang Hulyo sa akin. Umalis na ako sa mansion agad naglakad na muna ako palabas para makahanap ng masasakyan. Naghintay ako ng limang minuto saka nakasakay ako ng jeep papuntang resort. Nang nakarating ako agad akong pumasok sa loob. “Oh,Gab late ka ngayon.” Wika ng katiwala sa resort . “Sorry po ma'am nasa bundok pa kasi bahay namin nahirapan ako nag abang ng masasakyan po.” Alibay ko sa kanya. “Sa susunod bawas sa sahod ang late Gab.” Wika ng katiwala sa resort. “Okay lang po ma'am kahit bawasan ang sahod ko.” Wika ko sa kanya sabay ngiti. “Ah, talaga ba? Yung iba hindi papayag mabawasan ang sahod pero ikaw gusto mong babawasan sahod mo.” Wika ng katiwala sa resort sa akin. “Okay lang ma'am kahit bawasan nyo na lang po sahod ko pagna lalate ako.” Wika ko sa katiwala ng resort. “Sige sinabi mo yan ipabawas ko sahod mo pag maylate ka Gab.” Wika niya sa akin. “Okay lng po ma'am walang problema.” Wika ko sa kanya naka ngiti. “Sige na pumunta ka na doon maraming parating na mga guest galing ibang lugar. Assist nyo sila at laging naka ngiti para bumalik sila dito sa resort natin.” Wika ng katiwala ng resort sa akin. “Yes ma'am. Alis na po ako.” Paalam ko sa kanya. May nakita akong isang bangka na puno ng mga pasahero. Ako ang mag aasikaso sa kanila pag tapak dito sa resort. Nang nakadaung na inabangan ko na sila saka nginitian. “Hello ma'am and sir Welcome to our Resort.” Wika ko na may pag galang sa kanila. Isa-isa silang bumaba sa bangka. “Wow! Ang ganda dito grabe. Ang linis ng lugar dito.” Wika ni Marco habang bumababa sa bangka. Bumaba na din si Cindy at Yuri sa bangka. “Wait lang yung maleta ko nahirapan ako magbuhat.” Wika ni Olive. “ Ako na magdadala Olive sa gamit mo.” Alok ni Tom kay kay Olive. Dahan-dahan siyang naglakad para bumababa sa bangka. “Naku ito na naman si Olive Zamora para na naman Maria Clara.” Wika ni Cindy kay Olive. Nagulat si Gabriel sa narinig na Zamora. Pagbaba ni Olive biglang namali ang pagtapak para mahulog sya sa bangka. Napasigaw sila ni Cindy at Riz. Nasalo ko siya agad ng mahulog na siya sa bangka. Napatingin siya sa akin at napatingin din ako sa kanya. “Naku Olive hindi ka talaga nag iingat talaga.” Wika ni Riz sa kanya. “Buti na lang nandyan si kuyang pogi nasalo ka agad.Naku yung magandang kutis mo mabahiran talaga ng peklat yan kung hindi ka na salo ni kuya.” Wika ni Cindy Binaba ko siya sa buhangin agad ng nasalo ko siya agad. “Kuya thank you sa pagsalo sa akin..” Wika niya habang nakatingin sa akin. “Sa susunod ma'am mag ingat kayo dapat tignan mo muna tatapakan mo ikakapahamak mo yang ginagawa mo.” Wika ko sa kanya. Titig na tig siya sa akin. “Salamat po kuya Gab.” Wika niya sa akin. Nagulat ako bakit alam niya pangalan ko. “Kilala mo ako?” Tanong ko sa kanya “No, nakita ko name mo naka ukit sa kwintas mo kaya nabasa ko lang din. Pero thank you kuya Gab. I'm Olive Zamora. Nice meeting you Gab.” Wika ni Olive sabay pag abot sa kanyang kamay sa akin. Napatigil ako dahil ito na pala ang araw na hinihintay kung paghihiganti kay Don Theodore Zamora. “Nice meeting you Olive.” Wika ko din sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Ito pala ang magiging alas ko kay Don Theodore kailangan ko siyang mapaikot para mapalapit ako sa kanya. “Gab, yung kamay ko.”Wika ni Olive sa akin.. “Ay, sorry Miss Olive napatulala kasi ako sa kagandahan mo.” Wika ko sa kanya agad. Biglang na mula ang kanyang pisngi ng sinabi ko sa kanya. Grabe ka naman kuya. “Hala! Si Olive nag b-blush oh.” Wika ni Riza . “Tara na po doon po tayo lilim sobrang init po dito gaya ko hot na hot.” Biro kong sabi sa kanila. “Hala si kuya tour guide pala biro din.”Wika ni Cindy sa akin. Ngumiti na lang sila sa biro ko saka naglalakad kami pumunta registration. Tinulungan ko mag buhat ng gamit si Olive para hindi siya mahirapan. “Grabe ang ganda pala dito ngayon lang ako nakapunta dito.” Wika ni Olive. “Bakit ma'am hindi ka ba nakaka gala?” Tanong ko sa kanya . “Hindi po kuya tour guide aral lang talaga ako at pinagbabawalan ako ni papa gumala. Buti na nga pinapayagan n ako ngayon dati hind talaga nakakulong lang ako sa bahay para mag aral.” Kwento ni Olive sa akin habang naglalakad kami . “Ganun ba kawawa naman pala kayo ma'am.” Wika ko sa kanya. Tuwang- tuwa nga ako nakapunta dito. Grabe ang ganda ng dagat tsaka ang linis ng paligid.”Wika ni Olive sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD