Chapter 12 Gabriel's Pov “Kringggg….” Tunog ng alarm clock na nakapatong sa table ko. Nagising ako sa ingay nito. Dali-dali kong pinatay saka na tulog ulit. “Gabriel!.” Tawag sa akin habang may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. “Gabriel papasok ka ba? Nag handa na ako ng almusal mo dito sa lamesa.” Wika ni Mang Hulyo sa akin. Napainat ako sa katawan ko sa ibabaw ng kama. “Anong oras na ba?” Tanong ko habang papikit pikit ako sa mata ko. “Mag alas siete na ng umaga.” Sagot ni Mang Hulyo sa akin. Dali-dali na naman ako bumangon para pumasok sa resort. “Sige Mang Hulyo maliligo lang ako tapos baba na din ako.” Wika ko kay Mang Hulyo. Kinuha ko ang tuwalya saka pumunta agad sa banyo para maligo. Parang nakakatamad pumasok pero kailangan nandoon si Olive. Kinuha ko ang toothbrush s

