"KINABUKASAN ala una na ng hapon ng nagising si Denise. Wala namang problema bukod sa sabado ay day off niya pa ng araw na yun. Pagkamulat ng mata niya naabutan niya ang kanyang nakababatang kapatid na babae na nakaupo sa sahig at nag- aadvance study para sa darating na exam nito.
Nagpasya na siyang bumangon sa kama na higaan nilang dalawa. Sakto lang ang kwarto na tinutuluyan at inuupahan nila sapat lang para sa kanilang dalawa. May ibang paupahan din naman ang may-ari ng tinutuluyan nila. Mas malaki sa inuupahan nila, may sariling cr, may sala, may nakabukod na lutuan at may nakabukod pang kwarto sa loob ng bahay. Pero dahil sapat lang ang pera nila kaya maliit na paupahan lang ang kinuha nila. May sarili din naman itong cr at lutuan, libre na sila sa tubig dahil yun ang gusto ng may ari kaya wala naman silang magawa kundi ang pumayag nalang pero hindi nga lang nakabukod ang kwarto kaya kung may bisita man mabubungaran agad ang kama na hinihigaan nila.
Wala naman silang problema dun dahil dalawa lang naman silang magkapatid at bihira din naman kung magpapunta sila ng bisita. Maswerte din sila dahil mabait ang may ari ng inuupahan nila. Kapatid kasi ng nanay nila ang may-ari ng inuupahan nila kaya parang anak na ang turing ng may ari ng bahay sa kanila.
Sa bahay nga nito sila gustong patirahin pero tumanggi siya, dahil ayaw niyang maging pabigat sa tita nila kahit na ok lang naman sa tita niya at sa asawa nito na doon sila tumira sa bahay ng tita niya. Mas pinili nalang niyang mangupahan dahil kaya naman niya. Hindi din naman sila inuoblega na mag bayad ng upa pero sila lang ang mapilit dahil nakakahiya kung titira sila ng libre kaya niliitan nlang ng may ari ang upa nila. Wala na kasi silang magulang, matapos mamatay ang papa niya dahil sa sakit na cancer, sumunod naman ang mama nila na inatake sa puso kaya sila nalang dalawa ang natira. Kaya siya narin ang tumayong kapatid, ina at ama sa nakababatang kapatid niya.
Hindi narin siya nakapag aral ng collage dahil minabuti na muna niyang unahing mapagtapos ang kapatid at siyaka nalang siya mag aaral kapag ok na ang lahat.
Napalingon sa kanya ang kapatid at napangiti ng nakakaloko.
Wow ate, binangungot kaba habang natutulog? Kahit yata sa panaginip nakikipag away ka! Uso din mag suklay, baka gusto mo lang hahaha." nakahalumbaba sa maliit na lamesa na nakatingin sa kanya.
Freya, ang aga- aga wag moko simulan!" iritang sabi niya sabay tayo at basta tinali ang magulo niyang buhok ng hindi man lang sinusuklay bago nagtungo sa lababo para magtoothbrush.
Ala-una na kaya ate baka nananaginip kapa!" sabi nito. Hindi na niya pinansin ang kapatid at pinagpatuloy nalang ang ginagawa.
Ang sexy mo pa naman sa soot mo, naka short at nakasando kapa. Ganyan ba talaga kapag malaki ang dibdib kailangan ibalandra?! Kaso kung ganyan ang itsyura mo, baka matakot ang makakakita sayo! Sabagay, dibdib palang oh halatang mang uumbag na. hahaha!"
Hindi naman niya masagot ang kapatid dahil may nakasalpak pa sa bibig niya. Wala din naman masama sa soot niya dahil sila lang naman dalawa sa bahay.
Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at binalingan ang kapatid.
Inggit kalang kasi pambato lang sa peko yang dibdib mo!" nakangisi niyang bawi sa kapatid ng matapos siya sa ginagawa.
Ay grabe siya! Edi ikaw na ate ang may cup size 36 na dibdib." sabi nito at pinagpatuloy ang pag-aaral.
Tok....tok...tok...
Sabay pa silang napatingin sa pintuan ng may kumatok at sabay na tumingin sa isat-isa.
May inaasahan kabang bisita?" tanong ni Denise sa kapatid.
Wala ate, baka ikaw may bisita ka?!" balik na tanong nito sa kanya.
Tok...tok...tok...
Buksan mo nga!" utos niya sa kapatid.
Ikaw na ate kita mo namang nag-aaral ako eh!" reklamo nito at pinagpatuloy ang ginagawa.
Kaya siya na ang nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok dahil wala naman siyang aasahan sa kapatid niya.
Muntik pa siyang magdagasa ng matapakan niya ang nakakalat nitong ballpen sa sahig. Mabuti nalang at nagawa niyang ibalanse ang sarili para hindi matumba, mas lalo niyang kinainis ng tawanan pa siya ng kapatid niya.
Hahaha karma!" pang aasar pa nito.
Karma?! sakalin kaya kita!" inis na bulyaw niya habang binubuksan ang pinto.
Nabuksan niya na ang pinto pero tuloy parin siya sa pagtalak sa kapatid.
Pwede ba iligpit mo yang mga kalat mo, madidisgrasya ako ng hindi oras sayo eh." pahabol niyang sabi sa kapatid bago harapin ang kumatok.
Pero ganun nalang ang gulat niya ng hindi inaasahang bisita ang nakatayo sa harap niya. Ang nakakahiya pa gulat at tulala itong nakatingin sa dibdib niya na bahagyang nakalabas ang dalawang pisngi nun.
Bigla niyang tinakpan ang dibdib niya at natauhan naman ang taong nakatayo sa harap niya na agad umiwas ng tingin. Nawala sa isip niya na ganun pa pala ang itsyura niya.
Nakakahiya man bigla niya pinagsarhan ito ng pinto na sigurado namang maiintidihan nito bago natatarantang humarap sa kapatid na
nagtataka namang nakatingin sa kanya.
Ate, anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo sa itsyura mo! Syaka may tao sa labas diba, bakit pinagsarhan mo ng pinto?!" nagtatakang tanong nito.
Hindi naman siya mapakali at natataranta siya dahil sa hindi inaasahan bisita, dumagdag pa ang itsyura niya, subrang nakakahiya.
Kumalma kanga ate! Ano bang meron, bakit nagkakaganyan ka? Sino bang tao sa labas?" sunod-sunod na tanong ng kapatid niya.
Sinubukan niyang kumalma, ilang beses siyang huminga ng malalim hanggang sa kumalma siya.
I-ikuha mo ko ng t-shirt bilis!" pabulong na utos niya sa kapatid.
Ha?"
I-ikuha moko ng damit sa damitan ko !" ulit niya.
Bakit?"
Basta wag kana magtanong!"
Sinunod naman siya ng kapatid na agad na kumuha ng tshirt at ibinigay sa kanya. Agad niya namang isinuot yun bago huminga ulit ng malalim at umakto ng normal na parang walang nangyari.
Binuksan niya ang pinto, nakatalikod sa kanya ang bisita at siyaka niya lang napansin na may mga dala pala ito. Kaya naisip niya na baka nangangawit na ito sa mga dala nito.
Kelvin!" tawag niya sa pangalan nito.
Bahagya itong nagulat at marahang humarap sa kanya, naiilang pa itong tumingin sa kanya.
Anong ginagawa mo dito?" nagtataka at seryusong niyang tanong.
Tumingin ito sa kanya at hinubad ang soot na facemask bago ngumiti sa kanya.
A-ah , hi! " alanganing sagot nito.
Bahagyang natigilan si Denise sa pag ngiti ng binata pero hindi niya iyon pinahalata.
Tsk! Halika pumasok ka." sabi niya sa lalaki bago ito pinapasok, nakuha pa niyang dumungaw sa labas para makasiguradong walang nakakita dito bago niya isara ang pinto.
Ate sino yang kausap mo bakit-----
Natigilan ang kapatid niya sa pagsasalita ng makilala ang bisita at dahil abala sa ginagawa kaya late niya itong nakita.
A-a-ah!" Gulat na itinuro ni Freya ang binata gamit ang ballpen na hawak niya at hindi mahagilap kung ano ang sasabihin dahil sa bigla ng makilala ang bisita.
Ahhhhhhhh......... " ganun nalang ang taranta nila ng bigla ito pumalirit ng sigaw kaya agad tinakpan ni Denise ang bibig ng kapatid. Mahirap na baka kung anong isipin ng mga kapit bahay.
Binatukan niya ang kapatid kaya natigilan ito sa pag sigaw at salubong ang kilay na napatingin sa kanya habang hinihimas ang batok na nasaktan.
Aray naman ate, parang gusto mong lumipad ang ulo ko sa lakas ng batok mo ah!" reklamo nito.
Nakatingin naman sa kanila si Kelvin na hindi alam kung matatawa o ano sa dalawang babae sa harap niya.
Gusto mo bang magkagulo sa bahay natin? Sige sumigaw kapa, lilipad talaga yang ulo mo!" seryuso nitong sabi.
Eh kasi naman ate------
Pinutol nito ang sinasabi bago ngumiti at tumingin kay Kelvin bago tumayo. Lumapit ito kay Kelvin at tinitigan ito ng malapitan.
Totoo bang si Kelvin ka?" hindi parin makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti at tumango naman ang lalaki sa kapatid niya.
Ahhhh------- agad nitong tinakpan ang bibig nito dahil sa hindi nito napigilang kiligin at matuwa dahil nakakita ito ng artista sa personal at nasa bahay pa nila.
Sorry, naexcite lang ako!" sabi ni Freya na nag peace sign pa.
Ok lang!" nakangiting sagot ni Kelvin.
Akala ko talaga namalik mata lang ako, akala ko nag hallucinate lang ako kasi imposible naman na pumunta ka dito sa bahay namin, pero totoo kasi nakatayo ka talaga sa harap ko."
Pwede bang pisilin ko pisngi mo?! -----
Freya!" saway ni Denise.
Ok lang naman. " nakangiting sabi ni Kelvin kay Denise bago tumingin kay Freya.
Agad naman itong lumapit sa kanya at bahagyang pinisil ang muka niya para mapatunayan na totoo ang nakikita niya.
Totoo nga! ikaw yung artista na napapanood namin ni ate sa tv, ikaw nga si Kelvin, ikaw nga yung matagal ng crush ng ate ko!" dahil sa kadaldalan kung anu ano ng sinasabi ng kapatid ni Denise.
Nagtama ang tingin nila sa isat-isa at naiilang si Denise na umiwas ng tingin kay Kelvin habang ito ay nakangiti parin na nakatingin sa kanya.
Freya tumigil kana nga kung anu -ano na ang mga sinasabi mo!" sabay hila sa kapatid.
Totoo naman ah! Crush mo si kuya Kelvin! " nakangiting sabi nito.
Normal ang itsyura na sinulyapan niya ang binata na nakatingin sa kanya habang nakangiti bago niya ibaling ang tingin kung saan.
Oo na! tumigil kana! " kaya lalo itong kinilig sa naging sagot niya.
Ah, kuya pwede magpapicture?!" tanong ni Freya.
Sure!" sabi ni Kelvin.
Nakailang shoot din ang kapatid at si Kelvin bago siya nagsalita para patigilin na ang kapatid sa ginagawa.
Tamana yan Freya, paupuin mo na ang bisita natin kanina pa siya nakatayo!" may inis sa boses na sabi niya.
Kj mo talaga ate." nakangusong sabi nito habang tinitingnan ang mga picture na kuha nila ni Kelvin.
Ok lang naman Denise, sanay na naman ako sa ganyan!" nakangiting sabi ni Kelvin sa kanya.
Oh diba, ok lang kay kuya Kelvin. Wag kang mag-alala ate di ko naman aagawin sayo si kuya!" nakangiti nitong sabi.
Bahagya namang natawa si Kelvin sa sinabi ng kapatid ni Denise.
Tinaasan niya ito ng kilay, kung wala lang talaga silang bisita kanina pa niya itong nakutusan.
Oh! By the way, I brought pizza and Milk tea."
Napatingin sila sa pagkain na dala nito na nakapatong sa mesa.
Tatlong box ng pizza, di ka naman masyadong gutom niyan kuya pero thank you." sabi ni Freya at nagbukas ng isa.
Huy, mahiya kanga!" saway ni Denise.
Ok lang para talaga sa inyo yan!" sabi ni Kelvin.
Para naman pala talaga satin ito eh, akin nalang itong isang box kuya ha! " sabi nito bago kinuha ang isang box ng pizza at bumalik sa pag aaral. Nginitian naman ni Kelvin si Freya.
Hindi na ito sinaway pa ni Denise at hinayaan nalang ang kapatid. Pinaupo na niya ito sa plastic na upuan na may sandalan, dalawa lang ang upuan nila na ginagamit nila kapag kumakain sila. Si Freya naman ay mas gustong maupo sa sahig kapag nag-aaral dahil nasisikipan ito sa lamesa nila. Wala naman kasi silang sopa kaya doon niya ito pinaupo.
Naupo siya sa isa pang upuan sa harap ng lalaki.
Ano nga palang ginagawa mo dito?" Wala kabang trabaho o taping ngayong araw? Mabuti at hindi ka pinagkaguluhan ng mga tao sa labas." sabi niya at tumingin dito.
Diba nga artista ka kapag may nakakilala sayo malamang sa malamang pagkakaguluhan ka ng tao." dagdag pa niya.
I was lucky and they didn't recognize me so I still got here safely. As for taping, my next project is next month. Sa ngayon mga magagaan palang naman na trabaho ang ginagawa ko like photoshoot, cover magazine, comercial, pag aaral at kung anu ano pa, isa narin sa project ko ang pagbisita dito."
Taray, ikaw na kuya ang busy. " singit ni Freya.
Nahiya naman ng kunti si Kelvin at napakamot sa ulo.
Mahirap bang maging artista? " tanong ni Freya bago kumagat sa pizza na hawak habang nakatingin sa lalaki.
Mahirap din naman kahit papaano pero kung gusto mo naman ang ginagawa mo, hindi ka makakaramdam ng hirap." nakangiting sabi ni Kelvin.
Tumango-tango naman si Freya na sumang-ayon sa sinabi nito.
Honestly, I just finished my photo shoot and because it is so close to your house, I decided to visit to say hello and apologize to the person who helped me. " nakangiti nitong sabi.
Tumulong, bakit anong nangyari kuya?" takang tanong ni Freya.
Wala pa kasi itong alam sa nangyari at hindi narin sinabi ni Denise dahil siguradong mag-aalala at pagagalitan siya ng kapatid kahit pa mas matanda siya dito. Ayaw kasi nito na nadadawit siya sa gulo.
Ano kasi-------
Bumili kanalang ng maiinom sa labas!" putol ni Denise sa sasabihin ni Kelvin.
Napatingin pa ang lalaki sa kanya at tumingin din naman si Denise kay Kelvin sandali bago ibalik ang tingin sa kapatid. Naunawaan naman ni Kelvin ang gusto niyang mangyari dahil narin sa paraan ng tingin ni Denise sa binata.
May milk tea ate!" sabi ni Freya bago kumagat sa pizzang hawak.
Mag-aral ka!" sabi niya.
Tapos na, kanina pa! " sabi ni Freya.
Mag aral ka ulit!"
Ha?" si Freya.
Kumain kana lang dyan ng kumain at wag kanang makisali sa usapan ng mas matanda sayo!" sabi ni Denise.
Tatlong taon lang agwat mo sakin kaya wag kang ano!" katwiran nito.
Ah basta! Wag ka munang makisali sa usapan namin!" sabi niya.
Pero ikukwento mo sakin!" nakangiting sabi nito.
Oo na!" iretang sagot niya.
Hindi na ito sumagot at nagbasa nalang ng libro na bagong bili nito sa NBS.
Ano nga ulit ang sinabi mo?"tanong niya sa lalaki ng balingan niya ulit ito ng tingin.
Gusto ko lang humingi ng pasensya sa nangyari kagabi!" sabi nito.
Ah, bakit ka naman hihingi ng pasensya? wala ka namang ginawang masama sakin!" nagtataka niyang tanong.
Bigla nitong hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya. Napatingin siya dito na nakatitig na pala sa kanya. Hindi niya na maiwasan ang mata nito na nakatingin sa kanya at nakatitig nalang siya sa lalaki.
Ehem... ehem.. " binawi niya ang kamay niya at umiwas ng tingin sa binata.
Binalingan niya ang kapatid na hindi na pala nagbabasa kundi nakahalumbaba sa study table nito habang may kinakaing pizza at nakangiting nakatitig sa kanila. Uminom siya ng Milk tea bago nagsalita.
Alam nyo bagay kayo!" nakangiting biro ni Freya na itinuro pa sila gamit ang pizzang hawak.
Hinarap siya ni Kelvin ng nakangiti at sinakyan ang biro nito.
Talaga ba?!"
Oo kuya, kaso baka may gf kana kaya baka wala ding pag-asa si ate. Malabo naman kasing wala, sa gwapo mo ba naman!"--------
Freya! "saway ng ate niya.
Tinutulungan na nga kita eh! Napakabagal mo kasi, malay ba natin?! Magkakaroon na ko ng kuya na sikat pag nagkataon!" nakangiti niyang sabi habang nililigpit ang gamit sa school.
Wala naman akong girlfriend Freya kaya malay natin?!" nakangiti nitong sabi kaya kinilig naman ang kapatid ni Denise.
Namula naman si Denise sa sinabi ng binata sa kapatid. First time niyang namula ng ganun dahil sa isang lalaki, hindi niya yun nararanasan sa ibang lalaki na nakasalamuha na niya kahit ano pang papuri o kaswetan ang sabihin ng mga ito sa kanya.
Uyyy... namumula si ate!" asar ni Freya sa kanya.
Kisses Freya Alcantara!" tawag niya sa buong pangalan nito.
O-oo nga, sabi ko nga lalabas na! sige kuya sa labas na muna ako maiwan ko na muna kayo para makapag usap." nakangiwi niyang sabi at nagmamadaling naglakad palabas ng hindi man lang tumingin sa ate niya.
Biruin na niya ito ng biruin hanggang gusto niya pero once na banggitin na ng ate niya ang buong pangalan niya kasama na apelyedo, kabahan na siya.
Pasensya kana sa kapatid ko!" baling niya sa kausap ng makalabas na ng bahay ang kapatid, nakangiti naman ito habang nakangin sa kanya.
Ok lang wala namang problema. " nakangiti niyang sabi.
A-ah, pero seryuso pasensya na!" sabi niya ng manahimik si Denise.
Ayaw niyang makaramdam ito ng ilang sa kanya.
Bakit? Para saan?" balik sa normal na tanong nito.
Bumibilib siya sa babae dahil ang bilis nitong magbago ng sarili. Yun tipong kaya nitong ibalik sa normal ang lahat na parang walang nangyari, kahit na nahihiya ito sa mga nangyari kanina at sa inakto ng kapatid kaya nitong maging kalmado sa harap niya. Kapag ganyan siya nakikita niya ang taong tumulong sa kanya, yung taong walang kinakatakutan.
Napagkamalan kasi kitang lalaki sa una nating pagkikita, pasensiya na!"
Napangisi ito sa narinig at diretsyong tumingin sa kanya . Kung ano ito nung una niyang makita ganun siya ngayon sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.
Ganun naba ako kalala para mapagkamalan niyong lalaki nina tita Sabrina. Ok lang din naman sakin, nakatulong pa nga kasi hindi ako ginagalaw ng mga kabataan sa lugar na yun kapag dumadaan ako, siguro din kasi kilala nila ako. " nakangiti niyang sabi.
Kaya pasensiya na!"
Ok lang ano kaba?! Walang problema sakin kung napagkamalang nyo akong lalaki nina tita. Hindi naman big deal yun, at siyaka komportable din ako sa kung ano ako nung una mo akong nakita." seryuso itong tumingin sa kanya ng may maalala.
Bakit kaba kasi napunta sa lugar na yun? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman taga rito sa makati. Hindi mo ba alam na maraming masasamang tao doon sa street na yun lalo na sa gabi. Sabagay hindi ka nga pala taga rito kaya wala kang idea. Pero napakadilikado ng lugar na yun, marami kasing adik doon!"
May pinuntahan kasi akong kaibigan ko ten minutes siguro ang byahe bago ako napadpad sa lugar na yun matapos ng pictorial ko at sakto namang may special gathering sa bahay nila kaya ginabi nako ng uwi."
Eh paano kanga napunta sa lugar na yun?" tanong niya ulit.
The tire of my car was flattened and it was right near the place where you saw me. Dahil sa abala ang utak ko sa sasakyan ko hindi ko napansin na madilim sa lugar kung saan ako huminto. Coincidentally, I also didn't have a replacement tire at that time so I couldn't fix my car. I was going to get in the car just to call my parents para sabihan sila at masundo narin ni kuya Dave na driver namin or tumawag ng towing na hihila sa sasakyan ko but that's when I just felt a sharp object pointed at my side."
Nung una kinukuha nila ang mga gamit ko binigay ko naman kahit subra na ang kaba ko. Kaso pati susi ng kotse gusto nilang kunin, i can't give it because my car is important to me. My dadie gave me that car for my birthday so it's important to me."
They even said that they would kill me if I did not give them what they wanted. I haven't recognized them yet because they are wearing caps and masks so I can't see their faces very well. At dahil narin sa taranta nanlaban ako, nahablot ko ang soot na mask ng isa nilang kasama kaya nakita ko ang muka nito, yung taong may hawak ng patalim. Because I saw his face, he rushed to stab me.Fortunately I was able to avoid him and when I had the chance I immediately ran to escape them----
Bakit ka kasi nanlaban? Mga gamit lang naman ang kailangan nila sayo!" nagulat ito ng biglang umakto si Denise ng ganun. Napataas kasi ang boses ni Denise ng sabihin niya yun.
P-pasensya na! n-nadala lang ako sa nangyari sayo. " sabi niya ng hindi tumitingin.
Ngumiti naman ito ng makita niya ang naging reaksyon nito at pag-aalala sa muka nito.
Maswerte nga ako at hindi nila ako napatay nung oras na yun. Unang beses na nangyari sakin ang bagay na yun kaya subrang truma ang inabot ko. Ok lang sana kung gamit ko lang ang kinuha nila pero hindi,muntikan na nila akong patayin. Hindi ako titigil hanggang hindi nahuhuli ang mga taong gumawa nun sakin, mahirap na baka may iba pa silang mabiktima. "galit na sabi niya.
Nang balingan ng tingin ni Kelvin ang kausap, seryuso ang muka ni Denise at may malalim na iniisip. Napatingin ito sa kamay ng dalaga dahil sa nakakuyom yun na parang galit.
Napangiti naman si Kelvin ng may pumasok sa isip, marahil nagagalit ang dalaga dahil sa nangyari. Hinawakan ni Kelvin ang kamay ng dalaga dahilan para gulat na napatingin siya dito. Seryuso niyang tinitigan ni Kelvin si Denise sa mga mata.
Thank you sa nag iisang savior ko!" sabi niya bago ngumiti.
Natigilan siya ng ngumiti ulit ito sa kanya, hanggang sa napako nalang ang tingin niya sa lalaki.
Nasa ganun silang posisyon ng magbukas ang pinto. Napatingin naman silang pareho sa dumating.
Ay! pasensya na hindi pa pala kayo tapos, sige lalabas na ko!" nakangiting sabi ni Freya at akmang isasara ang pinto.
No, Freya ok lang, pauwi narin ako kasi may appointment pa ko ng 5 pm ." pigil ni kelvin sa kapatid niya.
Ay taray, appointment. " nakangiti nitong sabi bago pumasok sa bahay ,nginitian naman siya ni kelvin .
Wait kuya, bago ka umuwi picturan ko muna kayo ni ate remembrance lang. Sayang naman kung hindi kayo magkakaroon ng picture together ni ate."
Freya!" saway niya na naman sa kapatid.
Sige ba, para sa nagiisang savior ko!" nakangiting sabi ni Kelvin .
Nagulat siya ng bigla siyang akbayan ni Kelvin kaya napatingin siya dito na isang pagkakamali dahil nakatitig din pala ito sa kanya at isa pa subrang lapit ng muka nila sa isat isa na magkamali lang ng kilos mahahalikan na siya nito.
Sumeryuso ang muka ni Kelvin na hindi naiwasang titigan at suriin ang bawat parte ng muka niya hanggang tumama ang mata nito sa labi niya. Napalunok siya ng mga oras na yun at subrang kaba ang nararamdaman niya ng biglang may ilaw na nag flash kaya natauhan si Denise at umiwas ng tingin sa kaharap at umalis sa pagkakaakbay nito sa kanya. Binalingan niya ng tingin ang kapatid na abalang-abala sa pagkuha ng picture nilang dalawa.
Ano ba yan?! Sa subrang excite at kilig ko sa inyong dalawa kung anu-ano na tuloy ang napindot ko. Sayang napindot ko pa yung flash, edi sana mas marami pang picture ang nakuha ko Hindi ko tuloy nakuhanan yung susunod na mangyayari." kinikilig nitong sabi.
Lumapit si Denise sa kapatid at kinurot ito sa tagiliran.
Aray!"
Tumahimik kana Freya -----
May next time pa naman Freya!" nakangiting sabi ni Kelvin dahilan para maputol ang pagsasalita ni Denise.
Talaga kuya, sige aantayin ko yan!" kinikilig nitong sabi.
Freya!" saway sa kanya ng kapatid.
Tumayo si Kelvin kaya napatingin ang magkapatid sa kanya.
Freya, Denise, mauna na ako. May trabaho pa kasi akong pupuntahan. " sabi nito at sinuot na ang facemask.
Ihatid na kita mahirap na baka pagkaguluhan ka ng mga tao sa labas." presenta ni Denise bago buksan ni Kelvin ang pinto.
Hindi na, nakakasigurado naman ako na hindi nila ako makikilala. " nakangiti niyang sabi kahit hindi nakikita nito.
Nabigla siya ng biglang ilapit nito ang muka sa kanya at titigan siya sa mga mata. Nakita niya na bahagyang sumingkit ang mga mata ni kelvin, siguro dahil sa ngumiti ito.
I'll make sure of that for you. " sabi nito sabay pisil sa pisngi niya.
Lumayo ito sa kanya at tumingin kay Freya.
Mauna nako Freya, just send it to me on instagrams okey!" sabi nito sa kapatid niya na hindi niya napansing kinukuhanan pala ulit sila ng picture.
Yes kuya, walang labis walang kulang." nakangiti nitong sabi.
Sinuot nito ang cap at tumingin kay Denise na nakatulala parin sa kanya.
Mahina niya itong pinitik sa noo kagaya ng ginawa nito sa kanya kaya natauhan ito.
Aalis nako, mamimiss kita!" bulong nito sapat para marinig niya.
Tuluyan na nitong binuksan ang pinto bago nagmamadaling umalis sa harap niya.
Sa wakas ang ate ko dalaga na!" tuwang-tuwang sabi ng kapatid niya.
Siyaka naman siya natauhan.
Taas kilay niyang tiningnan ang kapatid bago naglakad papunta sa banyo para umihi dahil kanina pa niyang pinipigilan ang sarili wag munang ilabas yun dahil sa gusto niyang sulitin na nandoon ang binata sa bahay nila. Hinahangaan ba naman niya at crush na crush pa niya.
Aray!!!!! Ang daming langgam dito sa bahay!!!! Puro kagat na tuloy ako!!!!" rinig niyang sabi nito.
Ipasa mo sakin yung picture namin ni Kelvin patay ka sakin." nakangiti niyang sigaw nang makapasok siya sa loob ng cr.
Hahaha, sige ate!" natawa nitong sabi.