Sa nakaraang mga linggo nagtuluy tuloy ang panliligaw ni Ace sa akin thru cellphone. Magaan ang loob ko sa kanya. Kahit di pa kami nagkikita .Madalas kaming nagtatawagan lalo na pag weekends .Mag reregister ako ng Unli call exclusive from 10pm to 5am .Hay buhay magtextmate .Binigay nya sa akin ang friendster account niya .Gumawa din ako ng sarili kong account .thylee_25 .
Nang malaman nina Maricar na nagka textmate na kami ni Ace .Siya namang yaya nila sa aking magpunta sa internet cafe ..Since wala naman akong nakikitang masama sa motibo nila.. After class sumama ako..
Nakita ko si Ace sa kanyang profile picture. He's wearing white plain shirt at may pulang panyo na nakatali sa kanyang braso .
My friends (sina Maricar) told me na attire daw nila iyon sa Dance Contest ng school nila. Hindi naman ako interested yet I find it cool ..Nagsimula na silang magdaldalan about Ace looks sa personal .. He's cute ..A joker and a gentleman.. Wala akong ideya .. ( Nakakaasar )
Niyaya ako nila Maricar na minsan ay pumasyal sa kanilang school para naman daw makita ko sya ng personal..
(POV)
Bat kaya biglang interesado silang magkita kami ng personal ni Ace? Parang these past few weeks lang na halos pagbulungan nila ako sa class room about sa issue namin nung James ,na alam ko namang isang malaking hindi pagkakaintindhan lang namin ni Jane yon .Kung narinig nya lang ako ng maayos .At kung sana nilinaw muna nya sa akin yung sinabi ko sa kanya .Hindi yung sasabihin nya kaagad kina Maricar ,hindi naman pala niya ako narinig ng maayos. Tapos ngayon .hinihingi nila yung number ni Ace sa akin ..Hayyy.....
Kinausap ko si Mylene ang Bestfriend ko na ganoon nga ang trato ngayon sa akin ng grupo ni Maricar ..they seem so close sa akin ..
"Hay nako bhoi, iwasan mo sila ,dinidikitan ka lang nila dahil kay Ace ,diba pinagtulungan kapa nina Tephanie nung last?" inis na sabi ni Mylene sa akin ..
"Oo nga eh ,may duda din ako sa kanila .pero alam mo naman ,di ko naman kayang hindi sila kausapin..Ayoko namang maging bastos sa kanila ,lalo na nasa iisang classroom lang tayo"mahabang paliwanag ko kay Mylene.
"Ikaw din,basta pinaalalahanan na kita.Tsaka di mo pa nga nakikita yang Ace na yan,malay mo niloloko ka lang niya.wag kang padala"babala nya sa akin..Umiling nalang ako ng huli..
Naglalakad kaming pauwi ni Mylene ng tawagin ng mga kaklase ni Alen ang pangalan ko. Tinatanong nila kung pwede daw bang ihatid ako ni Alen.
Di ko sila kinibo, bagkus ay nagpatuloy lang kami ni Mylene na maglakad.
Siya namang pagsabay nina Alen ,John, at Michael sa amin sa kabilang lane ng daan .Iniiwasan kong tumingin .Kahit na parang gusto ko si Alen ay siya namang hiya kong matitigan siya. Dala na rin siguro ng pagiging inosente ko pa lamang at wala akong kaalam alam sa mga ligawan. Sinabihan ko si Mylene ,"Kaya naman nating umuwing dalawa ,bat kailangan pa jila tayong ihatid?. Baka makita pa ako ni Tatay niyan. akala niya nakikipagligawan lang ako" kabado ako at lilingon lingon kung may nakakakita ba sa aming may nakasunod na mga lalaki sa lipat ng daan .