Alexis POV
Halos isang buwan na rin akong maghahatid sundo sa mga bata sa school, actually pwede namang iba or iupa ko na lang, but this is the only thing para mapalapit ako sa aking anak, at buong sigla kong ginagawa ang bagay na ito para kay Alexa, ang aking little Thea,malapit na ang loob ko sa kanya gayundin siya sa akin, naisama ko na siya sa bahay at naipakilala ko na rin kay Inay, medyo lumakas nga at sumigla ang Inay ng malaman niya na si Alexa ang anak namin ni Thea niyakap niya ito Ng buong higpit noong dalhin ko sa bahay ,.salamat sa aking bayaw Hindi Niya ipinagkait si Alexa, kahit malaki Ang kasalanan ko sa kanila ay inunawa niya ako, ngunit Hindi Niya alam kung ano Ang damdamin ni Thea, oras na magkita sila, Lalo pa't Hindi nito alam na andito na Sila sa Pilipinas, minsang isinama ko si Alexa sa fishpond, nanghuli sila ni Axel Ng isda, tuwang tuwa ito Ng makahuli Ng isda gamit Ang fishing rod, tumatalon ito at niyakap si Axel,pinapanood ko Sila, lumapit din ito sa akin at yumakap, "thank you po! Ang saya saya ko" Ang sabi niya sa akin. Aliw na aliw ako sa kanya, sumaya at bumalik ang sigla ko sa lahat ng bagay, nagkainterest akong muli sa aming lupain at muling paunlarin ang aming negosyo dito sa Pilipinas.
Dumating ako sa school nila Axel at Alexa saktong labasan Ng makita Kong may nakapark na pulang Vios sa harap Ng school, ngayon ko lang ito nakita, Hindi muna ako bumaba Ng sasakyan hintayin ko na lamang silang lumabas sa gate, Ang Dami ding nakaabang na nanay sa pathway Ng school, ayaw ko namang mag isa doon, Lalo pa't nalaman nilang Wala akong asawa, kahit nga si teacher Malou ay abot Ang text sa akin, sa pag remind Ng assignment Ng mga bata but I know that their is a hidden motives in that texts. Napapangiti na lamang ako, ngayon pa ba ako hahanap, Nakita ko na si Alexa at susunod na Ang kanyang Mommy,. Nakasandal ako sa aking upuan, Ng Makita ko kung sino Ang lumabas sa kotse, para akong tinuklaw Ng ahas at di ako makapaniwala, si Thea Lalo siyang gumanda at sumeksi, nakasuot Siya Ng faded skinny jeans, na may partner na white hanging blouse, simpleng sandals lang Ang suot at hanggang likod Ang straight na buhok,.I want to hug and kiss her, bumalik Ang dati Kung damdamin sa tuwing susunduin ko siya noon sa dorm, pumasok Siya Ng gate at binati ang guard, lumabas na ako Ng sasakyan at pumunta sa gate, dahil gusto ko pa siyang makita, Nakita ko kung paano Niya yakapin at halikan Ang anak namin, they' re so sweet, gusto Kong sumama sa kanila, Hindi maipaliwanag Ang saya sa kanilang mga mata, at ipinakilala ni Alexa si Axel kay Thea, nagulat ito at nawala Ang saya, tinawag ko si Axel nakatitig pa rin siya kay Axel at hinawakan Ang kamay Ng anak, Hindi siya lumilingon sa gawi ko. tuloy -tuloy lang Ang lakad nilang magina patungo sa kotse, nakasunod lang kami ni Axel sa kanila, mabilis silang nakaalis sa parking lot. Paano ako magsisimula para ibalik Ang dati naming relasyon na nalamatan Ng panahon? tanong ko sa aking ISP, gusto ko siyang yakapin at halikan dahil sa lahat Ng oras yon talaga Ang hinahanap Ng aking puso, si Thea talaga Ang laman nito magpahanggang ngayon, gagawa ako ng paraan at sa ngayon Hindi na Niya ako pwedeng ipagtabuyan,.Papa let's go na po, mahinang wika ni Axel na nakakaramdam sa nangyayari, at ako'y sandaling natauhan at bumalik sa realidad na kanina ay punong puno Ng daigdig Ng aking mag-ina,.si Alexa lang Ang paraan upang maibalik Ang lahat. Napansin Kong nakatitig si Axel sa akin, nagtataka sa mga ikinikilos ko simula Ng magkakilala kami ni Alexa, Kung minsan nakakagalitan ko pa Siya pag sinusutil si Alexa, " what's wrong Papa? nagtatakang tanong ni Axel,.umiling ako " nothing son, sooner, I will tell you the truth"tumingin Siya Sa anak, " I hope you will accept and understand me", mahinahong sabi niya sa anak.Bagamat may agam agam tumango lang ito, at nagmasid sa labas Ng sasakyan.