A/n - Hello guys daily update ngayong December. Happy holiday to all! 3rd Person's POV May kalayuan mula sa bahay ni Artemis ang building ng SWC buti na lang ay hindi sila na traffic dahil maaga sila bumiyahe. "We are here," tugon ni Josh at inihinto ang sasakyan sa harap ng mataas at malakinng building ng Star World Company. Nanlalamig ang kamay ni Artemis habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. "Shems can I really do this?" kabadong wika nito. "Of course sis! Sasamahan naman kita doon sa loob," aniya ni Krista at hinawakan ang malamig na kamay ni Artemis. 'Kung hindi lang sana ako nagpa-favor nun kay Josh, hindi sana nasa ganitong sitwasyon si Artemis. Hays lesson learned talaga.' sa loob loob ng dalaga. "Ano Josh, saan mo kami hihintayin ni Artemis?" wika ni Krista habang nirere

