--
3rd Person’s P.O.V
“Baby,” nagsusumamo ang tinig ng Binata, habang nakatingin ng diretso ang pagod na mga mata ni Caleb kay Artemis, “I know, I don’t have the right… but I’m fvcking jealous.”
Namula ang mukha ni Artemis nang marinig ang malamig na tinig ni Caleb. Hindi magawang tingnan ng Dalaga si Caleb sa mata. ‘I don’t know what to say.’ sa isip nito.
Ramdan ni Artemis ang bilis ng t***k ng puso niya sa bawat paghaplos ng balat ni Caleb sa kanyang kamay. “B-blake and I are just friends,” sambit ni Artemis habang mainit ang mukha, at hindi makatingin kay Caleb.
“Did I make you uncomfortable?” kita ang sensiridad sa mata ng Binata.
“N-no,” napatingin si Artemis sa mata ni Caleb at tila ba natatakot siya na makita ng Binata ang totoo niyang nararamdaman. ‘I'm scared to look at his eyes. Feeling ko ay makikita niya kung gaano ko siya kagusto. I’m sorry Caleb, you’re to good for me…I’m to dysfunctional, to deserve someone like you..’
Napansin ni Artemis ang mapungay na mata ni Caleb nang humikab ito. “How are you? You look tired?” nag-aalala na sambit ng Dalaga.
“I’m fine baby, inaayos ko lang yung family business namin,” Caleb smiled.
“You should sleep, para makapagpahinga ka na,” sagot ng Dalaga. “Sorry naistorbo pa kita,”
“No baby,” mahinahong tugon ni Caleb habang pinaglalaruan ang kamay ni Artemis. “kailan ka pa naging istorbo sa’kin?”
“Ewan ko sa’yo!” Artemis chuckled, “Tingnan mo yung mata mo oh, kulang na lang pumikit na.”
Nagulat si Artemis nang iusog ni Caleb ang upuan papalapit sa Dalaga, at inihaga ni Caleb ang kanyang ulo sa kama malapit sa braso ni Artemis, habang nakaupo ang Binata sa upuan. “Then I’ll just sleep for fifteen minutes,” aniya ni Caleb.
Pagkapikit ng Binata, ay hindi mapigilan ni Artemis mapatitig sa mahabang pilikmata na meron ito. Mas lalong nadepina ang matangos na ilong ni Caleb dahil nakatagilid ang paghiga nito.
“Baby?” sambit ni Caleb habang nakapikit.
“Hmm?”
“Gawin mo sa buhok ko yung lagi mong ginagawa ‘nung bata pa tayo.”
Hindi mapigilang mapangiti ni Artemis, at nagsimula nang hawakan ng Dalaga ang pula at medyo messy na buhok ni Caleb. Marahang pinaglaruan ni Artemis ang mga hibla ng buhok ng Binata. ‘Naalala niya pa ‘to?’ Kusang lumabas ang ngiti sa labi ng Dalaga.
“I like it,” mahinang wika ni Caleb, “when you’re touching my hair.” at tuluyan nang nakatulog ang Binata.
‘Para kang maamong bata kapag natutulog Caleb. Sana maayos na ang problema ninyo sa business para makapagpahinga ka na rin. Kapag ako ang may problema ang bilis mong umaksyon pero ngayong ikaw ang may problema wala man lang akong magawang tulong sa’yo. Kung may way lang sana na pwede kitang matulungan, gagawin ko ‘yun kahit ano…’
Napatingin si Artemis sa wallclock at lumagpas na ang labing-limang minuto, ngunit hindi ginising ng Dalaga si Caleb nang makita niya kung gaano kahimbing ang tulog ng Binata. Patuloy lang siya sa paglalaro sa hibla ng buhok nito. ‘Ang lambot naman ng buhok mo. Dinaig pa ata yung buhok ko.’
“Sis! Gising ka na?!” nagulat si Artemis nang marinig ang sigaw ni Krista, na kakabukas lang ng pintuan ng kwarto. Agad binitawan ni Artemis ang paghawak niya sa buhok ni Caleb.
Mahigpit na niyakap ni Krista si Artemis. “Pinakaba mo ‘ko doon ah! Walang hiya ka talaga!” nakasimangot na tugon ni Krista.
“Sorry na,” nakangiti na sambit ni Artemis.
“Ms. Parker! You’re awake! Thank God!” agad na nagsilapitan sila Dustin at Faye habang may hawak-hawak pa ang mga ito na basket ng prutas at bag ng mercury drug.
“Be buti naman nagising ka na!” naiiyak ang mukha ni ate Faye.
Naalimpungatan si Caleb dahil sa sigawan ng mga tao sa paligid. “Guys shh,” pabulong na sambit ni Artemis sa mga kaibigan niya ngunit huli na ang lahat dahil bumangon na si Caleb.
“Guys nakita ko siya sa baba na naliligaw, manager daw siya ni Caleb,” tugon ni Mika na kakapasok lang kasama si Elli.
“Omo Artemis!!” sumugod si Mika papunta kay Artemis at hinawakan ang kamay nito. “Buti naman okay ka na!”
‘I feel so warm. This feeling is so new to me,’ sa isip ni Artemis habang pinagmamasdan ang masasayang mukha ng mga tao sa paligid niya. “T-thank you guys,” halos maluha-luha si Artemis.
“Ang drama gosh!” untas ni Krista at niyakap ang Kaibigan.
“Thank you for not leaving me.. alone,” aniya ni Artemis at tiningnan ang mga kaibigan niya.
“Bakit ka naman namin iiwan? Halerr?” wika ni Dustin sa pangbabaeng tinig at kinindatan si Artemis.
“Caleb, there you are!” saad ni Elli at mukhang nagmamadali ito.
Tumayo si Caleb sa pagkakaupo at hinarap ang kanyang manager. “Bakit Elli?”
“Tumawag yung secretary kanina, nag b-back out-an na daw isa-isa ang mga investor, nang malaman nila yung balita sa Tito mo.”
Hinimas ni Caleb ang kanyang ulo at napabuntong hininga. “Okay, please prepare the car.”
Malungkot na tiningnan ni Artemis ang Dalawang binata na nag-uusap sa gilid ng kwarto ng ospital. ‘Oh noo. Poor Caleb,’ sa loob-loob ni Artemis, nang marinig ang pinag-usapan ng dalawa.
“Lilian,” tugon ni Caleb, at nilapitan ang Dalaga. “I—”
“It’s okay Caleb,” ngintian ni Artemis ang Binata. “Ingat kayo pauwi.”
“Thank you Ms. Parker,” at tinanguan ni Elli ang Dalaga.
“I’m really sorry Lilian,” bagsak ang mata ni Caleb.
“’Bat ka nagso-sorry, ano ka ba,” in-assure ni Artemis ng ngiti ang Binata, “ako nga dapat mag-sorry, dahil sa abala ko sa inyo. Pero thank you sa pagpunta.”
‘I want to spend more time with her..’ sa isip ni Caleb habang naglalakad palabas ng kwarto.
“Omaygosh Artemis!!” excited na sigaw ni Mika sa tabi ng Dalaga. “Tell me, kayo na ba ni Caleb? Tell me please!”
“Ha?” nanlaki ang mata ni Artemis at tumawa. “Uy hindi ah!”
“Sis may problema ba yung mata mo?” untas ni Krista, “gusto mo bilhan kita ng salamin?” at tumaray ito.
“Malinaw naman mata ko sis,” inosenteng sagot pabalik ni Artemis.
“’Be feeling ko may gusto sa’yo si fafi Caleb!” pagtitili ni Mika. “Diba guys?” at tumingin ito kanila Faye, Dustin at Nami.
“Duh? May tao bang pupuntahan ka sa ospital kahit malapit nang magmadaling araw?” aniya ni Faye habang nagbabalat ng orange.
“Wala girl!” at nag-appear pa si Faye at Dustin, “unless na lang, may something siya sa’yo!” tugon ni Dustin.
“Bagay sila diba, Nami?” sambit ni Mika.
Halata namang lutang na si Nami kaya nagulat pa ang reaksyon nito. “Y-yes,” sagot niya, “ you look good t-together,” at nag-iwas ito ng tingin.
“Lord gusto ko rin ng gwapong nilalang na magkakagusto sa’kin!” pagwawala ni Mika. Nagtawanan naman ang lahat dahil sa reaksyon niya. “Ako ‘tong jowang-jowa tapos wala akong mahanap huhu! Wala man lang nagmamahal sa’kin!”
“Mika, maraming nagkakagusto sa’yo pero hindi mo sila pinapansin, remember?” bwelta ni Faye, at inabot na ang binalatan niyang orange kay Artemis.
“E hindi ko naman kasi type yung mga ‘yun e!” tila batang umiiyak na sambit ni Mika.
“Girl masyado ata mataas standard mo sa lalaki,” pabirong wika ni Dustin. “Ano bang hanap mo? Para matulungan kita mag-boy hunting.”
“Simple lang naman gusto ko e!” nakanguso na saad ni Mika. “Gusto ko ng gwapo, mas matangkad sa’kin, tapos matalino, at magaling makipag-ano! ‘Yun lang naman hinihingi ko, Lord!”
“Hala ka girl!” at napatawa ng malakas si Dustin. “Perpektong tao ata gusto mo girl?”
“Girl, laughtrip ka talaga!” untas ni Faye na halos mamilipit na sa sakit ng tyan dahil sa kakatawa.
“Mas bet ko din kung mas matanda sa’kin ng kahit three years para mas matured at maraming experience,” dagdag ni Mika.
“Girl, ugali dapat ang tinitingnan mo sa paghahanap ng future partner,” sambit ni Dustin at uminon ng bottled water.
“True!” singit ni Nami, “pag tumanda na ‘yun, hindi na rin magiging pogi yun. Pero yung ugali ayon ang pang matagalan.”
“Mga friend, hindi naman nakikita ang ugali!” pagpupumilit ni Mika, “Yung mukha, talaga yung una kong napapansin e,” nakanguso ito. “I guess magiging single na ko forever.”
“Ano ka ba!” inakbayan ni Faye si Mika, “24 years old pa lang tayo, let’s just trust na dadating din yung taong para sa’tin.”
“I agree,” pangbabaeng wika ni Dustin, “malay mo, all this time nakakasama mo na pala yung para sa’yo,” mabilis na sinulyapan ng Binata si Faye, at tumingin din kaagad sa naka-pout na si Mika.
Hindi mapigilan ni Artemis na mapatawa sa usapan nila Mika. “By the way, Ms. Nami, ano pong sabi ng doctor? Allergic daw po ba ‘ko sa alak?”
“No sis, no!” pag-singit ni Krista, “may babaitang naglagay ng sili sa inumin mo. Jusko sis!”
“Fudge,” tanging untas ni Artemis, “sino daw po yung may gawa at anong reason niya? Kilala ko ba siya?” hindi panatag ang itsura ng Dalaga.
“Hindi na namin natanong Ms. Parker,” sambit ni Ms. Nami habang inaayos ang brown niyang buhok, “pero ang sabi ni Mr. Vazques ay nasa kulungan na daw ang may gawa.”
“WHAT?” nanlaki ang mata ni Artemis. ‘I don’t know what to feel. Hindi ko alam kung sino siya, at kung ano ang rason niya para magawa sa akin 'yun… Pero hindi ako mapanatag na merong taong nakakulong nang dahil sa’kin.’
“Dapat lang sa kanya ‘yun. Muntik ka na kayang mapunta sa langit ng maaga dahil sa kagagawan ng taong ‘yun,” galit na wika ni Krista.
“Artemis, she’s right,” aniya ni Faye, na nasa gilid ng Dalaga.
“P-pero…” kunot ang noo ni Artemis. Huminga nang malalim ang Dalaga bago nagsalita, “Gusto ko siyang makausap...”
‘I want to know the reason behind her action.’
TO BE CONTINUED